Chapter 3

29 1 0
                                    

"Okay. So tinawagan ko na yung girls at lahat sila game sa plano. Papunta na sila." sabi ni Alaine sabay ngiti sa akin.

Sinubsob ko yung mukha ko sa unan ko tapos nag-groan ako.

"Ayokong gawin to! It's a free country!" pagrereklamo ko pa din.

Silence...

Inangat ko yung ulo ko tapos pagtiingin ko kay Alaine, naka-glare na siya sa akin.

"Oo na, sige na. Sabi ko nga magpapa-makeover na ako."

"Yun oh?" sabi  ni Alaine.

Maya maya pa, biglang bumukas yung pintuan ko tapos pumasok sila Cass at Lila.

"Ako na sa mga damit!!" sigaw agad ni Lila.

"Hm, attitude  na ako!" sabi ni Alaine.

"Uhh, oks. Ako na sa hair, make-up, dieting and exercise. At dahil ako  and last choice at ako yung hindi nakapili, fair naman ata na ako yung makakuha ng first month." sabi ni Cass.

"Oyy, hindi!!" sabi ng galit na Lila.

"Teka nga, ako may idea nito ah?" pagmamaktol naman ni Alaine.

"So? Dahil matalino ako, I would've thought of this eventually." sabi ni Lila.

Nag-snort naman si Cass na halatag nagpipigil. "Sure....." sabi niya na punong puno ng sarcasm.

"Teka nga!! Alam ko na kung pano niyo to maaayos." suggestion ko.

"Pano?" sabay sabay na sabi nilang tatlo.

Ay wow? Excited much sa sasabihin ko?

"Wag nalang natin ituloy tong buong makeover thingy!!" sabi ko ng masaya.

Tinitigan lang nila ako. Tapos napangiti si Cass bigla.

"Bato bato pick tayo!" sabi niya.

"Sige!" sangayon ni Alaine.

So, pagkatapos ng madaming pagtatalo at pagkawala ng advantage ng isa kong eardrum, si Lila yung nanalo.

"G, tara na!" sabi niya sabay tayo.

"Saan?" tanong ko.

"Sa mall. Duh!"

Nag-groan na naman ako. Pinakaayoko sa lahat ng bagay, shopping.

"Agad agad? Di ka naman excited niyan, huh? Bat naguumpisa na agad tayo?" pagrerejlamo ko agad.

"Ako na magbabayad ng lahat lahat." suggestion niya.

Napaisip ako. Hmmm, no.

"Mas gugustuhin ko pa ring maiwan at matulog sa bahay." sabi ko.

"Walang nagtatanong." sagot lang niya sabay hatak sa akin pasakay ng kotse niya.

Uulitin ko, hatak!  Hindi hila! HATAK! Onti nalang, kaladkad na yung term na gagamitin ko.

Hmph, WAF. What A Friend.

Nakarating na kami sa mall.

Talagang this time, kinaladkad na talaga niya ako papasok.

"San ba tayo maguumpisa, san ba?" tanong niya sa sarili niya.

"Sa bahay." tulong ko sa kanya.

"Bleeh, request denied." sagot niya. "kadiri yung wardrobe mo eh, nakakasuka. Lahat ng bagay, kung hindi panglalaki, sobrang laki sayo. Ano gusto mo iachieve? Gangster look o Jeje look?" Sabi niya na nandidiri.

**(A/ N: Sa mga gangster at jejemons out there. Patawad po. Wag sana kayo maoffend. Ganyan po kasi magisip si Lila kaya kinailangan ko pong isingit. Thanks!)**

Tapos tinitigan ulit niya ako.

Tapos tumingin siya sa paligid. Nakakit siya ng Victoria's Secret na shop.

"Tara, kailangan mo ng lingerie! Sa new look mo, sigurado ako na madaming magkakandarapa sayo." sabi niya tapos nag-giggle. GIGGLE!! -___-

"Wala akong balak ipakita kahit kanino yung underwear ko kaya mabuti pa, umalis nalang tayo dito. Nagsasayang lang tayo ng oras." sabi ko sakanya.

"Kung sakali lang, Maddy." sagot niya habang pinapakita sa akin yung tela na....shit. Yung totoo? Panty yan o medyas ng sanggol?

"Gosh, NO!" sabi ko habang nagkukunwaring nasusuka.

------------------------------

Hmm, sorry maikli yung chapter. Filler lang po ito. :*

Any suggestions? I would love to hear feedback! :))

Love,

Angel<3

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon