Chapter 6

23 1 0
                                    

"No."

"Maddison, please?"

"Cassandra Marie! Hinding hindi mo ako mapapalapit dyan sa hawak mong curling iron!"

"Bat ka ba takot?"

"Unang una sa lahat, pwede akong makuryente dyan. Pangalawa, pwede akong masunog. Pangatlo, pwede niyang masira yung buhok ko, permanently! Kaya ayoko!"

"Wait, hindi ka pa nakakagamit ng curling iron kahit kelan sa tanang buhay mo?" nashock na tanong ni Cass.

"Hindi pa. Obvious ba?" sagot ko naman na parang nakikipagusap sa bata.

"Hindi ako makapaniwala. Takot ka!!"

"Shut up!"

"Hahahaha. Pwede ba? Ganto nalang, kasuhan mo ako kapag may nangyaring masama sayo habanng ginagamit ko to."

"OO na. Tantanan mo nako."

"Tantanan? Whatta word." sabi lang niya na nagpipigil ng tawa.

"Bat ba? Salita naman yun ah? Tigilan mo nga ako. Synonym yun ng tigilan, duh!"

"Uh-huh. Whatever." sabi nalang niya tapos onti onti niyang nilalapit yung curling iron sa akin.

Ohmygosh. Ohmygosh. Ohmygosh.

Pumikit nalang ako tapos nagdasal sa lahat lahat ng mga santo.

Natapos na rin si Cass tapos pagtingin ko sa buhok ko...............

My hair is absolutely GORGEOUS!

"Pano mo nagawa yan?" tanong ko sakanya.

"Well, iikot mo lang yung manipis na part ng buhok mo dito tapos hayaan mo lang siya ng mga ten seconds tapos ayun na. Tapos na yun." pageexpplain niya.

"Okayyyy."

"Makeup!!" sigaw niya habang pumapalakpak na parang bata.

Nag-groan ako.

"Requests?" tanong niya habang naglalabas ng malaking bag. Nilabas niya galing dito yung mga mascara, blushes, eyeshadows, foundation, lipsticks at madami pang iba!

"Umm, walang makeup? I mean natural face ko lang?" Sana.

"Well, request denied. Pero siguro natural make-up, pwede ba? Tutal, yun naman yung pinakamalapit."

Tas hindi na niya ko hinintay makasagot, nagtrabaho na siya. Inexplain niya sa akin kung anong kulay pinakabagay sa skin tone ko tapos madami pang nakakahilo at nakakaliotong bagay.

"Okay, so morena ka. Nakakainggit ka kasi kahit na taglamig, muka ka pa ring galing sa beach. I mean, that's not fair! Anyways, mas babagay sayo yung darker shades. Sa mata mo, sa tingin ko, babagay yung dark brown na may onting halong pink. Tapos sa lips, hot pink! Di babagay yung light pink pero babagay yung red lips! Mascara, dark brown pa rin dapat. Last but not the least, para sa blush, reddish pink ang pinakaperfect para sayo!"

What the hell?

Pano ko maaalala lahat yun?

"Pwede pakisulat?" request ko.

Sana di ako pagalitan......

"Hmm, oks."

"Tapos ka na ba paglaruan mukha ko?"

"Malapit  na.......Yan! Tapos na."

Inikot ni Cass yung upuan ko para mapaharap ako sa salamin.

Nakita ko yung magandang babae na nakatingin sa akin.

Infairness, natuwa ako.

Pero nawala ng onti yung tuwa ko ng marealize ko na madami pa akong kailangan ayusin. I mean, okay naman yung katawan ko kasi hindi naman ako mataba. Pero pwede pang iimprove.

"Anong problema, gorgeous?"

Tanong niya.

Tumingin ako sa kanya tapos napansin ko na ang worried niya na baka hindi ko magustuhan yung itsura ko.

"Wala." pagsisisnungaling ko.

Aaminin ko, nakakaexcite na rin tong makeover thingy. Gusto ko nang masimulan yung diet ko asap.

Para lahat ng mga taong nantitrip at nangaasar sa akin, magsisisi.

Hmm, this could actually be fun....

----------------------

Sorry kung maiikli lang yung chapters. Okay lang naman diba? I mean, lagi naman akong naguupdate. :)) Isa pa, sorry kung medyo taglish ang peg ng story ko, ewan ko ba. Ganyan yung naiisip ko eh. Kaya ayun, sa ganyan kasi ako sanay. :*

Any comments and suggestions? :D

Love,

Angel<3

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon