"Yuck, Kadiri!" sigaw ko.
"Ano?" tanong ni Cass.
Nasa Farmers Market kami, naghahanap ng mga pagkain para sa bago kong diet.
Lahat ng kinukuha niya, puro masustansya na ewan. In short, nakakadiri. Lahat kulay green.. Parang kasing kulay ng suka ko na lalabas sa bibig ko kapag tinikman ko lahat 'to.
"Lasang dahon!" reklamo ko.
"Kasi dahon naman talaga yan!" sabi naman niya.
"Kinakain talaga 'to?" tanong ko na parang hindi makapaniwala.
"Hindi, hindi. Tanga, oo! Lettuce tawag dyan! Hindi ka pa ba nakakatikin nyan ever?"
"Hindi pa ata."
"Seriously, Maddie?"
"Oo naman. Besides, lumalayo kasi ako sa kahit na anong madahon at green."
Inirapan lang ako ni Cass.
"Bibilin na po namin 'to." sabi ni Cass dun sa nagbebenta.
Hmpphhh! Itatapon ko lang yan paguwi ko.
Shit! Wala akong kahit na anong pagkain sa bahay.
Pinamigay lahat ni Cass, Alain at Lila! As in lahat! Para tuloy kaming bagong lipat.
Tinulungan pa nga sila ni momme eh. Pano sinusubukan kasi niya laging magdiet kaso bumibigay din siya bago pa matapos yung araw, ang dami daw kasing nakaka-tempt na pagkain sa kusina namin.
Inabot na sa akin nung cashier yung mga nabili namin tapos pinapirma niya ako dun sa papel na resibo na whatever.
Grabe naman 'to! Mas mahal pa to sa lagi kong pinagkakain eh!
Habang naglalakad ako papuntang kotse ko habang dala dala ko 'tong mga nakakadiring pagkain, reklamo pa din ako ng reklamo kay Cass.
Binaba ko na si Cass sa bahay niya pauwi ko tapos dumaan ako sa Shell. Kumuha ako ng ice cream tapos dinala ko yun dun sa cashier. Kukunin ko na dapat yung wallet ko galing sa back pocket ko ng napansin ko na nawawala yung wallet ko.
Hala! Asan na kaya yun?!
Imposible namang nanakaw. Eh sa market lang naman kami galing. nabayaran ko pa nga mga pinamili namin eh.
Kinapa ko pa lalo yung bulsa ko. I got a note.
"Unless masanay ka na sa bagong diet mo, hindi ko muna ibibigay sayo yung wallet mo. -Cass"
Nakasulat dun sa note.
Siguro sa sobrang kilala na niya ako, alam na niyang hindi ako gagastos para lang sa mga damit kaya pagkain lang pagkakagastusan ko.
"No money, no food." sabi nitong punyetang waiter na hindi ko malaman kung talagang naaawa ba talaga o nangaasar lang.
Nag-sigh nalang ako tapos ibinalik ko na yung ice cream dun sa freezer.
Dinial ko yung number ni Cass tapos sinagot naman niya agad sa unang ring.
"I've been expecting you." sabi niya agad in a creepy voice pagkasagot niya.
Wala manlang hello?
Matatawa sana ako kung di lang talaga ako badtrip sa kanya.
"nakuha ko yung note Cass. Thank you ah? Nakakahiya kayang pumunta sa cashier counter para lang sabihin na 'Gusto ko to bilin. Ay sandali, magnanakaw yung kaibigan ko. My bad''
"Sinabi mo talaga yun?"
"Hindi. Pero parang ganun na rin yun. Pwede magtanong?"
"Okay sure." mahinahon niyang sabi.
"BAKIT MO GUSTONG SIRAIN YUNG BUHAY KO?!"
Pinagtitinginan ako ng mga tao habang papasok na ako ng kotse ko.
"Di ko naman sinisira eh. Pasasalamatan mo din ako later."
"I doubt that." sabi ko naman.
"Oh, punta ako sainyo mamaya. Tuturian kitang magluto.
"See you later." sagot ko nalang.
Paguwi ko, nanood agad ako ng tv pagkatapos ko ayusin yung mga pinamili namin.
After 2 hours, may humarang dun sa pinapanood ko dun sa tv screen.
"2 hours of TV time. That's enough kaya hindi ka na pwedeng manood ulit for the rest of the day. Magexercise ka, please? -Cass, Alaine, Lila and Mommy."
Pati ba naman yung panonood ko ng TV? Ugghhh, naggroan ako.
Tutual, wala na rin naman akong gagawing maganda, matino at kapakipakinabang, nagjogging nalang ako.
Sana naman may mapala ako sa pinaggagagawa ko pagpasok ko ng school.
Excited na ako bumalik with my new look pero kinakabahan pa din ako.
Ano kaya iisipin ng mga tao sakin?
Hayy, baka isipin lang nila na ang trying hard ko, sasabihin lang nila na ang pangit ko padin tapos aasarin lang nila ako lalo.
pagkauei ko, nagshower na ako tapos nagpalit na ako ng pajamas.
Nagring na yung doorbell tapos pinapasok ko na si Cass.
May dala siyang malaking duffel bag kasi dito na rin naman siya matutulog.
Tinuruan niya ako kung pano magpakulo, pano gumamit ng oven at grill. Tinuruan din niya ako kung pano mag-saute ng pagkain.
Tapos nagenter siya ng password sa TV na hanggang ngayon hindi ko pa din malaman-laman para makapanood pa kami.
"Magready ka na kasi hindi tayo matutulog!" pagbabanta niya sa akin.
"Horror movie night?" tanong ko.
"Better than that." sagot niya kaya naexcite naman ako.
-the next morning-
Sobrang pagod na ako.
Hindi kami natulog ni Cass kasi pinapanood niya ako ng food network buong gabi. para matuto ako ng bagong recipes tapos pa na rin lalong dumami yung alam ko sa pagluluto.
Grabe, di na talaga ako babalik sa panonood ng food network sa tanang buhay ko!
Sobrang pagod nako at kailangang kailangan ko na matulog sa sobrang kaantukan.
Pero hindiiiiii!!!!!
may ibang plano yung girls na naiisip para sa akin.
Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko tapos pumasok so Alaine.
Hindi manlang siya nagsalita.
"Congratulations, naipasa mo subject ko!" sigaw ni Cass habang hinahatak ako ni Alaine ng walang sabi sabi palabas ng kwarto ko.
So ngayon, tuturuan na ako ng attitude ni Alaine.
Hmm, save the best for last nga ba?
--------------
10 chapters in one day!!! PUSH> :))))
Love,
Angel <3