So, matatapos na yung first month ng summer. Para daw matest yung fashion skills ko, naisip ni Lila na gumawa ng quiz para sa akin.
Ano to? School?
Yung totoo, wala naman akong pakielam kung bumagsak ako or whatever eh.
Di naman to kailangan para sa college or whatever churva eklavush.
Eto yung quiz.
Q: Anong kulay ang hinding hindi mo pwede isuot after ng labor day?
A: Ano to, trick question? Araw araw naman labor day para sa mga nagtatrabaho/ nagoopisina eh. Ugghh, nakakalito huh. Anyways, ang sagot ko, WHITE. :))
Q: Ano ang dapat mong iwasan, always?
A: Graphic designs. Para lang yun sa mga bata at sa mga taong walang ibang ginawa sa buhay nila except magdrawing.
Q: Anong design ang maaaring maging maganda or maging fashion disaster?
A: Floral. Hahaha. Naaalala mo yung sa restaurant almost a month ago, Lila? :D
Q: Anong kailangan para laging magmukang maganda yung outfit mo, no matter what?
A: Confidence. Alam ko.....
Q: Sa mga sneakers or rubber shoes, anong kulay ang hinding hindi mo pwedeng isuot?
A: White. Kasi kapag all white, magmumuka akong nurse.
Q: Anong gagawin mo kapag nagkapunit yung pantalon mo?
A: Hindi ko tatakpan kasi hindi ako scarecrow. Okay. Pupunitin ko pa lalo para maging ripped jeans ang peg.
Pagkatapos ng ilang minuto, sinabi na sa akin ni Lila yung results.
"Masaya akong makakapagsabi na maipapasa na kita sa hair, makeup at diet expert natin na si Cass. Naperfect mo yung quiz." -Lila
"Thank you?" Parang patanong kong sinabi.
"No biggie, darling Maddison. Hahaha. Osha, layas na, puntahan mo si Cass. Bye fashionista!" Sabi niya with matching kaway.
"Oks, bye!"
Lumabas na ako ng kwarto and bahay ni Lila tapos tumawid na ako. Pagtawid ko, magdodoorbell na sana ako kaso biglang bumukas yung pintuan.
"Ano? Nakapasa ka?" excited na tanong ni Cass.
Ano ba to? What a friend. Di manlang tinanong kung kamusta nako. Talagang inuna pa yung fashion skills ko eh no?
"OO." sagot ko lang.
"EEP!!!" sigaw niya sabay hatak sakin papasok ng bahay nila.
"Ngayon, sisimulan na natin yang mukha mo." cue, ngiting nakakatakot.
"First, homemade facial. Madali lang naman to eh. Dito, gagamit tayo ng guacamole sauce tapos dalawang malaking hiwa ng cucumber.'
Humiga nalang ako dun sa beach chair sa may swimming pool nila.
Nung una, ang weird sa feeling nung nilalagay palang niya yung mask. Yung feeling na malagkit na ewan? Ganun.
Maya maya, narerelax na ako.
Sa sobrang relaxed ko, muntik na sana akong makatulog nung........
Bigla akong nakaramdam ng malamig na malamig na tubig.
Lumangoy ako paakyat ng swimmming pool nila Cass.
Pagangat ko, nag-glare ako kay Noel, kuya ni Cass pati kay Stephen, yung brainless friend ni Noel.
"NOEL!!!!!!!" sigaw ko sa kanya.
Lumingon ako sa kanan.
Natapon din si Cass sa pool kasama ko.
Pareho kaming iritado. Feel ko mas iritado siya.
Lumangoy siya tapos hinila niya yung dalawang lalaki kasama namin sa pool.
"Oyy!" Sigaw ni Stephen nung nakaahon na siya.
"Bawi lang." sabi ni Cass with matching smirk.
Binasa siya ni Stephen tapos nasapul siya sa mukha.
Maya maya ng onti, nagsasplash fight na kaming apat.
Eventually, nabored na kami kaya umahon na palabas ng pool sila Stephen at Cass.
Ako? Ayoko pa eh. Magrerelax muna ako.
Nagfloating ako tapos narerelax na ulit ako kaso nilublob nanaman ako ni Noel.
Umangat ulit ako tapos nag-glare ulit ako sa kanya.
Hindi naman siya natakot, tumawa lang siya nng tumawa.
"Hoy! Wala namang nakakatawa eh." nag-sigh nalang ako.
Tumigil na siya katatawa.
"Hayy, thank god nakinig ka naman kahit papano." sabi ko nalang
Napansin kong tiitig na titig si Noel sa akin.
"Parang may iba sayo." sabi niya na nagtataka. "Oh my god, hindi ka na nakasuot ng sako!"
Nag-glare na nanaman ako sa kanya.
Namumuro na to sa akin ah?
Tapos yung glare ko, biglang nawala.
Napansin ko kasing nakatitig siya sa dibdib ko.
Napatingin din tuloy ako. Napansin ko namang nakikita na yung pink na bra ko. Pano nakawhite na tank top ako sa bakat na yung bra ko.
"Uhm, akward?" sabi ko ng mahina sa sarili ko.
Tumingin ako ulit kay Noel tapos nakatitig na siya sa mata ko.
Di ko napapansin dati, pero ang ganda pala talaga ng kulay ng mata niya.
Yung pwedeng pwede kong titigan buong araw?
Hindi nagbreak yung eye contact namin nung nagsimula na siyang lumapit.
Magkikiss na sana kami nung biglang bumalik si Cass.
"Guys, tara. Gumawa ako ng juice! Grabity naman kayo, hangganng ngayon nagsuswimming pa din kayo, hindi na nagsawa?" pangaasar niya.
Nagblush kami pareho tapos kung san san nalang kami lumilingon, basta hindi ko siya matingnan eh. Siya rin naman ata, hindi ako matingnan.
Umakyat nako ng pool tapos nagpunas gamit yung isang towel dun sa gilid.
"OMG! Nagmomoment ba kayo kanina? Noel, bro, alam mo namang mahal na mahal kita pero Maddison could do so much better than you." sabi ni Cass out of the blue.
Hindi siya sinagot tapos sinamaan lang siya ng tingin ni Noel. Iniwan na kami ni noel sa pool area ng walang sinasabi.
"Hindi kami nagmomoment." nilinaw ko kay Cass tapos nagsimula na akong pumasok.
Gusto ko na ng juice eh, i mean, kailangan ko nang makainom ng something na malamig. Ewan ko kung bakit. Bat ba? Nauuhaw lang naman siguro ako.
"Sabi mo eh." suspicious na sabi ni Cass.
"Seryoso! Di naman talaga eh."
Di parin ata siya naniniwala.
Nagregister sa buffering kong utak yung mga nangyari.
OMG! Muntik na kaming maghalikan ni Noel.
What the hell just happened?
----------------------------------------
Oooohhhhh. Noel, huh? Whatcha guys think? Comment! :*
Love,
Angel<3