"Hindi mo pwedeng hayaan yung ibang tao na maliitin ka at ismallin ka!"
"Edi hindi na nila ako magugutuhan kapag ganun." sabi ko kay Alaine.
"Pero rerespetuhin ka nila! Ngayon, tuturuan kita ng magagandanng pangbara. Say YEHEY!"
"Yehey." sabi ko with a straight face ng sarcastic.
Nag-glare siya sa akin.
Ugh, siguro matututo rin ako ng ganun.
"Okay, so pag tinawag ka ng pangit, anong sasabihin mo?"
"Uhh...bad magsalita ng ganyan?"
"NO! NO! NO!"
"Eh anong gusto mong sabihin ko?"
"Tumingin ka nnga sa salamin!"
"Got it."
"Pano pag sinabi kong....loner ka kaya wala kang kaibigan!"
"Umm... meron kaya akong kaibigan, si Alaine!"
"Hindi! Sasabihin mo, eh ikaw? Binabayaran mo lang naman mga kaibigan mo eh."
"Aww ang HARD!"
"Mismo!" sagot niya ng nakangiti.
"Okay, isa pa." sabi ko.
"Pano pag...mamatay ka na! Wala namang may gustong mabuhay ka eh."
"Ang hirap naman nyan!" reklamo ko.
"Not really. Ang kailangan mo lang sabihinn 'mauna ka'. Simple lang naman lahat ng mga 'to eh.
"Uhh, gets ko na ata."
"Last na 'to kasi feel ko onting onti nalang, mauubos na pasensya ko."
"Okay."
"Mas mataba ka pa sa buntis na elepante!"
"Ang weird nun ah? Pero sige. Mas mataba ka pa sa buntis na dinosaur!"
"Yes!" ngumitii siya tapos bigla niya akong niyakap which is weird at nakakagulat kasi hindi naman touchy feely kind of person si Alaine eh.
"Wait, nabubuntis ba mga dinosaur?" tanong ko.
"Who cares? Marunong ka na mangbara! WAHAHAHA! Hindi nako makapaghintay magstart yung school year!" sabi ni Alaine.
"Okay, ang creepy ng tawa mo. You mighht wanna visit a mental hospital."
----------------------------
I apologise for typos and such. Wala pa po kasing proofreading na nauuso dito sa sarili kong mundo. Chos, ang corny. Sabi ko nga last na yun. Hahahaha/
Love,
Angel<3