Letter 4

1.2K 87 32
                                    

THIS IS PURE FICTION. Enjoy!

Mika's POV

Hindi ko napansing umiiyak na pala ako habang inaalala ang mga nangyari noon at nasa mukha mo pa rin ang kamay ko. Bigla kong naisip, paano kung sinagot kita nung araw na 'yun? Tayo pa rin kaya hanggang ngayon? Masaya kaya tayo? Paano kung pinili ko 'yung pagmamahal ko sa'yo kesa sa friendship natin? Hindi ka ba magkakaganito?

Unting unti kang naalimpungatan, dahilan para mabilis akong tumayo at magpunas ng luha. Tumalikod agad ako at nagkunwaring naghahanap ng maluluto para sa almusal. Kahit nakatalikod pa ako sa'yo ay ramdam na ramdam ko ang tensyong namamagitan sa ating dalawa.

"Uh, anong gusto mong kainin?" tanong ko. Kahit hindi tayo magkasundo ngayon, hindi ko pa rin maiwasang maging maalaga o maging concerned sa'yo. Wala eh, mahal talaga kita eh.

"Kahit ano nalang. Ikaw na bahala." sagot mo. Tumango nalang ako at nagluto nalang ako ng bacon and eggs. Pero kapag minamalas ka nga naman, frozen pa 'yung bacon. So kailangan ko pang maghintay.

Naupo ako sa isang silya at naghahanap ng magagawa sa phone ko habang naghihintay. Naglaro nalang ako ng Make Pana Blue Eagle pero hindi ako maka-focus kasi nararamdaman kong nakatingin ka sa'kin mula sa gilid.

"Hey, can we talk?"

Tinigil ko ang paglalaro at binaba ang phone ko sa lamesa. Narinig ko na 'yan kagabi, pero saan ba napunta ang usapan? Anong nangyari? Nag-away lang naman tayo, kaya hindi ako sigurado kung papayag ba ako.

"Wag muna ngayon, Vic." tipid kong sagot at naglaro nalang ulit. Pero bigla mong kinuha ang phone ko at nilayo ito sa'kin.

"Vic, isa."

"Please?"

"No. Akin na 'yan." Sinubukan kong abutin ang phone ko, pero mabilis kang gumalaw.

Tumigil ako sa pag-abot at tiningnan ka. "Look Vic, I'm not playing games with you."

Bigla namang naging seryoso ang mukha mo. Shit. Wrong move. Mygod, Mika.

Ngumisi ka at linapitan ako. "Oh, really? So anong tawag sa ginawa mo sa'kin dati?"

Oo, alam kong mali ako sa ginawa ko noon. Pinaasa kasi kita. Pinayagan kitang manligaw at sinabi ko sa'yong mahal din kita pero sa dulo, mas pinili ko pa rin ang friendship natin. Alam kong kasalanan ko ang lahat, pero kailangan mo pa ba talagang ipamukha sa'kin? Kailangan mo pa bang ipaalala na sinaktan kita noon?

"Snapchaaa--" Narinig naming may nagsalita mula sa hagdan kaya napalingon kaming dalawa.

Nakita namin si Kianna na hawak ang phone niya at napatakip ng bibig. Narinig ko pang bumulong siya. "Gosh. Snapchat ka pa kasi ng snapchat."

Humarap ulit ako sa'yo. "Stop bringing that up. Tapos na 'yun. May girlfriend ka na nga, diba? Ayan, magpakasaya kayo!" Kinuha ko ang phone ko mula sa kamay mo at tumalikod. Umakyat ulit ako sa kwarto at nadaanan ko si Kianna sa may hagdan.

"Good morning, Kianna!" Nilakasan ko ang boses ko, yung siguradong maririnig mo. "Sabihin mo diyan sa Ate A mo na umayos ayos siya. Hindi na kasi nakakatuwa. Tsaka tigilan niya ang panunumbat sa'kin, bago ako tuluyang mapagod kakaintindi sa kanya."

Nanlaki lang ang mata ni Kianna pero agad naman siyang tumango. Sorry Kianna ah, nadamay ka pa. Hindi ko na kasi kaya 'yang Ate A mo. Kung makaasta, akala mo lahat ng bagay ako may kasalanan. Kulang nalang pati global warming at red tide, sa'kin niya isisi.

Unsent LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon