THIS IS PURE FICTION. Enjoy!
Mika's POV
"Saan ako nagkulang, Ye?"
'Yan ang unang unang sinabi mo sakin nang tanungin kita kung anong problema. Umuwi ka nanamang umiiyak at lasing dahil sa kanya. Hanggang kailan ka ba magtitiis? Hanggang kailan mo ipaglalaban ang taong paulit-ulit ka lang binibigo?
"Vic, tama na. Matulog ka nalang." sagot ko dahil ayokong pag-usapan natin 'to habang nakikita kang nasa ganyang kalagayan.
Ngunit patuloy ka lang umiyak at sinusuntok ang unang hawak mo, hanggang sa napagod ka na at napasandal nalang sa headboard. "Bakit palagi nalang akong niloloko? Hindi ba talaga ako sapat para ipaglaban?"
Napalunok ako nang sabihin mo 'yun, dahil tiningnan mo ako mata sa mata at tumagos sa akin ang bawat salitang binitawan mo na para bang may gusto kang ipahiwatig. Dahil sa sinabi mong 'yun, ay unti-unting bumabalik sakin ang lahat.
December 20, 2013
"Ayos sa dance prod, Ates ah! Hindi nagpatalo." natatawang komento ni Kianna pagkatapos ng prod number nating Batch 111. Christmas party kasi ng team ngayon at sobrang last minute nung choreography na ginawa dahil hindi magkatugma tugma ang mga schedule natin sa rehearsals. Naks, rehearsals talaga. Kaya ayun, halos hindi tayo magkasabay sabay kanina sa prod. Pero okay lang, dinaan nalang natin sa ganda. Ganern.
"Syempre naman, Kim Fajardo kaya gumawa ng choreography. Hindi talaga ako magpapatalo 'no!" pagmamalaki pa ni Kimmy.
"Ang ganda nga nung choreography, pero tingnan mo naman 'tong costume natin! Mukha tayong tropa ng Jabbawockeez." sabi naman ni Carol na nakasimangot. Alam niyo naman, mahilig sa mga costume yan at gusto niya talaga bongga lalo na pag may event. Pero kabaliktaran ng bongga 'tong suot namin.
"Kimmy, ano ba kasing pumasok sa isip mo at ganito ang suotin natin?" napapailing kong tanong at nagkibit-balikat lang si Kim.
Biglang may umakbay sakin. "Wag mo na problemahin 'yan, Daks. Kahit naman anong suot mo, maganda ka pa rin."
"Paskong Pasko lumalandi kayo! Dun nga kayo!"
Natawa nalang tayo sa sinabi ni Kim. Porket nag-tampuhan sila ni Mela, mas bitter pa siya sa ampalaya. Ang pabebe kasi, ayaw pang magkaayos. Hahaha.
"Ikaw, binobola mo nanaman ako." sabi ko at pinisil ang pisngi mo. "Kumain na nga lang tayo."
Kumunot ang noo mo habang hinihila ko kita papunta sa catering. "Hindi kita binobola ah. Nagsasabi lang ako ng totoo."
Grabe ka kung bumanat. Pakiramdam ko tuloy mas pula pa yung pisngi ko kesa sa lipstick ni Ate Aby ngayon.
Pero habang kinikilig, syempre naiinis din ako. Ang paasa mo kasi. Ang pa-fall. Banat ka ng banat sakin ng ganyan pero alam ko namang best friend lang ang tingin mo sakin. Kaya kung ano man 'tong nararamdaman ko ay itatago ko nalang dahil ayoko nang masira pa ang friendship natin.
Matapos kumain ng dinner ay oras na para sa exchange gift. Bumuo tayo ng isang malaking bilog at naupo. Pumunta si Ate Aby sa harap para ipaliwanag ang mangyayari. "Okay so para sa exchange gift, ide-describe mo muna yung taong nabunot mo bago mo banggitin ang pangalan niya. Tapos yung nabunot mo, pagkabigay mo ng gift sa kanya, siya naman ang ppwesto dito sa gitna at ganun din ang gagawin. Clear, babies?"