Letter 2

1.5K 98 11
                                    

THIS IS PURE FICTION. Enjoy!

Mika's POV

"Vic, check Twitter." Biglang sabi ni Carol habang kumakain ng breakfast dito sa dorm.

"Why?" kunot-noong tanong mo at nilabas ang phone mo. Napahinga nalang kami ng malalim dahil alam naming issue nanaman 'to.

"Basta. Tingnan mo nalang." sagot ni Carol at napailing.

"Ano nanamang ginawa nila?" bulong mo sa sarili mo habang naglo-load ang Twitter sa phone mo. I know who you're referring to, our so-called 'shippers.' Pero mukhang narinig nila Kim ang sinabi mo kahit bumulong ka lang naman.

"Oh, automatic ba na sila ang may kasalanan?"

"Eh palagi naman, diba?"

Biglang tumahimik ang paligid. Sobrang dami natin dito pero kung pakikiramdaman mo ay parang walang katao-tao dahil sa sobrang tahimik. Ni pagnguya o pagtama ng kubyertos sa pinggan ay wala kang maririnig.

Tahimik kaming nakatingin sa'yo, hinihintay ang kung ano mang magiging reaksyon mo.

"Pictures. For God's sake, pictures lang 'yan! Pati ba naman 'yan gagawan ng issue?" As expected, ganyan nga ang reaksyon mo. Palagi namang ganyan, for the past 2 years.

"Hindi sila ang gumagawa ng issue, Vic. Si Bang ang mismong gumawa ng issue." punto ni Kim.

"Siya ang mali, in the first place. Oo siguro napapahiya si Bang but I get where they're coming from. Hindi naman siya mapapahiya kung wala siyang ginawang mali." sabi naman ni Carol. Sobrang bigat ng atmosphere dito sa dorm at parang any time ay mag-aaway na kayong tatlo ng tuluyan.

"Alam kong iniisip mo na ang babaw ng pinanggagalingan nila, pero Ara, ang mali ay mali. Kaya please, pagsabihan mo nalang si Bang. Kahit mag-sorry man lang siya, diba?" Buti naman at medyo napigilan na ni Carol ang sarili niya at kumalma siya kahit papaano.

"Pero kailangan ba talaga nila gawin 'yun? Porket ayaw nila sa kanya, ipapahiya nalang siya palagi? Tsk!" naiinis mong sabi at napahilamos sa mukha mo. "Hayaan niyo nalang kasi siya."

"Pero Ate A, kung palagi mo siyang kukunsintihin, lalo lang dadami ang issues kasi hindi siya titigil." Napatingin kami kay Kianna na biglang nagsalita pero base sa mukha niya ay parang nagdadalawang isip siya kung bakit niya sinabi 'yun.

Nagulat ako nang bigla kang humarap sa akin. "Ikaw, Ye? May sasabihin ka pa?"

Meron. Kung alam mo lang, Vic. Sobrang dami kong gustong sabihin sa'yo.

"Uhm, wala." Napalunok ako at umiwas sa tingin mong tumatagos sa kaluluwa ko. Nararamdaman ko ang hindi makasiyang tingin ni Kim at Carol sa akin dahil pinili kong 'wag magsalita.

"Bakit ba kinakampihan niyo sila?" diretsong tanong mo.

"Hindi namin sila kinakampihan. Ang point lang namin, mali yung ginawa ni Bang." kalmadong sabi ni Kim pero alam kong marami pa siyang gustong sabihin bukod sa mga nabanggit niya.

Bigla kang tumayo kaya napatingin kaming lahat sa'yo.

"Alam ko namang ayaw niyo si Bang para sakin, pero please naman, hayaan niyo nalang ako maging masaya. Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba, kasi sa kanya ako masaya. Kaya kahit anong sabihin niyo, o ng ibang tao, hindi na mahalaga 'yun kasi siya lang ang nakakapagpasaya sa'kin." Naglakad ka palayo at umakyat na sa kwarto.

Unsent LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon