Letter 3

1.3K 95 33
                                    

THIS IS PURE FICTION. Enjoy!

Mika's POV

"Ughhhh." reklamo ko nang marinig kong tumunog ang alarm ko. Agad kong kinapa ang phone ko habang nakapikit pa rin at pinatay ang maingay kong alarm. 4:30 am palang pero 6:00 magsisimula ang first class ko ngayon kaya maaga ako nagising.

Ako lang ang gising sa aming lahat kaya ako na rin ang magluluto ng almusal namin. Nag-freshen up ako sa banyo saka bumaba na sa kusina, pero natigilan ako sa paglakad nang makita kita doon. Nakaupo ka at nakapatong ang ulo mo sa lamesa at may hawak kang bote ng alak. Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi kaya napailing nalang ako at pilit hindi inisip 'yun.

Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa'kin para umupo sa tabi mo pero ginawa ko pa rin. Tinitigan ko ang mapayapa mong mukha habang mahimbing na natutulog. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha mo at hinaplos ang pisngi mo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo at nagbago ka na talaga pero hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon hindi ko magawang magalit sa'yo.

Kung tutuusin ay dapat ako ang pinaka-naiinis sa'yo ngayon dahil sa inaasta mo. Ako 'yung nandiyan para sa'yo simula't sapol pero nung dumating si Bang sa buhay mo, parang pangalawa nalang ako sa lahat ng bagay. Kung dati ay ako ang una mong tatakbuhan pag may problema ka, ngayon siya na. Kahit tungkol sa relasyon niyo ang problema mo, siya pa rin ang tinatakbuhan at hinahabol mo. Kung dati ay ako 'yung unang sinasabihan mo ng good morning, ngayon siya na. Kung dati ay sa'kin mo pinaparamdam ang pagmamahal mo, ngayon ay sa kanya na.

Pero oo nga pala, ano nga bang karapatan kong magalit dahil sa mga bagay na 'yan?

In the first place, ako naman talaga ang puno't dulo kung bakit nagkaganito ang lahat.

April 1, 2014

Apat na araw na ang nakalipas mula nang nakausap ko sila Mama at Papa tungkol sa atin. At sa apat na araw na 'yun ay halos hindi ako mapakali kakaisip kung ano nang gagawin ko. Siguradong sigurado na ako sa desisyon ko pero sa isang iglap lang ay parang biglang nagdalawang isip na ako. Apat na araw ka na ring hindi masyadong nagpapaka-clingy at palagi kang wala sa dorm. Tuwing uuwi ka ay tulog na ako, at paggising ko naman ay kakatulog mo lang.

Kagaya ngayon, ang alam ko ay 4pm matatapos ang klase mo pero 7pm na, wala ka pa rin dito. Pilit kong iniisip na baka nag-dinner ka lang o may ginawang importante pero may iba akong kutob ngayon.

"Uy, Ye. Suot mo 'to. May pupuntahan tayo." Napatingin naman ako kay Ate Cyd na may hawak na black dress.

"Ha? Para saan 'yan?" nagtatakang tanong ko. Wala naman akong alam na event naming kailangan puntahan tonight kaya nagtataka ako kung ba't kailangan ko magsuot ng ganyan.

"Basta. Suot mo lang 'to tapos mag-makeup ka ng very light. Go go go!" Mabilis na sagot ni Ate Cyd at hinatak ako paakyat ng kwarto ko. She shoved the dress to me so I had no choice but to hold it.

Sinara na ni Ate Cyd ang pinto at lumabas. Napatingin nalang ako sa dress at huminga ng malalim. Wala naman akong choice kundi sumakay sa kung ano mang trip nila.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin akong maligo, magbihis at mag-make up. Saktong may kumatok mula sa labas at tinawag ako.


Paglabas ko ay nakatingin lang silang lahat sa'kin. Nakabihis din sila pero parang mas bongga ata yung outift ko. "Huy. Ano?"


Unsent LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon