THIS IS PURE FICTION. Enjoy!
*This will be a long chapter.Mika's POV
"Bf, mauna na ako sa car ah?" sabi ni Jessey at tumango naman ako. Nandito kami ngayon sa Shang, bonding na rin kasi matagal na kaming hindi nagkikita. Mula 11 ng umaga at hanggang ngayong 8 ng gabi ay paikot-ikot lang kami habang nagf-food trip at sobrang dami na ring napamili. Hindi po kami RK, twice a year lang kami nakakabili ng ganito karami na damit sa isang araw. Hahaha.
Pero napagdesisyunan na naming umuwi dahil pagod na rin kami at saktong hinahanap na siya ng forever niya este ni Ria. Pinauna ko lang siya sa kotse kasi trip ko pang bumili ng frappe sa Starbucks ngayon.
Nag-order na ako at nagbayad kaya hinihintay ko nalang na makuha ko na ang binili ko. Since walang upuang available, tumayo nalang ako sa may gilid pero may nahagip akong isang cup na may pangalan.
"Uhm, excuse me?"
Lumingon naman agad sa'kin ang isa sa mga barista. "Yes ma'm?"
"Matanong lang, magkasama ba yung Shiela at Sarah na nasa cup na 'yan?" tanong ko at tinuro ang cup sa gilid.
"Ah, yes po. Ang sweet nga po ng dalawang 'yun eh. May couple tattoo pa." sabi pa niya at ngumiti. Pwede pamura? Isa lang? Punyeta. Sinasabi ko na nga ba eh.
Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko napansing natulala pala ako. "Bakit niyo po natanong?" Nabalik ako sa katinuan nang magsalita ang kausap kong barista.
"Ah, wala. Kala ko lang kakilala ko. Thank you." sabi ko nalang at ngumiti. Tumango naman siya at bumalik sa ginagawa niya kanina.
Sana talaga hindi tama ang hinala ko. Sana talaga nagkataon lang na magka-pangalan sila. Kasi kung hindi, baka kung anong magawa ko kay Bang.
"Grande Mocha frappe for Shiela and Grande Java Chip frappe for Sarah?" Narinig kong sabi ng barista. Bago ko pa malingon para makita kung sino nga ba ang dalawang 'yun, may nagsalita na papalapit mula sa likod ko.
"Sorry Vicky, may work pa ako ngayon eh. Nasa office pa ko. I'll make bawi next time, okay? Love you!"
Napakuyom ako ng kamay nang marinig ang boses na 'yun. Kinuha na ni Bang ang frappe nila at aba, demanding ang bruha. Kung makautos sa barista ng tissue akala mo kung sinong donya. Bwisit. Di man lang masabi ng maayos.
Sakto namang tinawag ng barista ang pangalan ko. "Tall S'mores frappe for Mika?"
Tumalikod ako sabay kinuha ang frappe ko at nagpasalamat sa barista. Pagtingin ko kay Bang at Sarah ay nakatingin na sila sa'kin. Hindi maipinta ang mukha ni Bang, parang natatakot na kinakabahan na natatae na hindi mo maintindihan.
"Oh, hi Bang! Mukhang may kasama ka pala?" inosenta kong tanong. And if hindi ako nagkakamali, namumutla na siya ngayon.
"A-Ah eh, oo. Hehe." nauutal na sagot ni Bang at pinilit pang ngumiti. Luh. Wag ka nang umarte please. Huli ka na boi.
"Sarah, right?"
Tumango naman ang kasama niyang babae na mukhang hindi rin makapagsalita. Gusto kong matawa sa itsura nila ngayon, pero ie-enjoy ko muna 'tong moment ko. Minsan lang naman ako magtaray, haha!