THIS IS PURE FICTION.
Last chapter of this book. Thank you to everyone who took the time to read, comment and wait for updates. Sorry na rin sa mga napaiyak ko, haha! Babawi ako sa inyo guys, promise. 😉
Once again, thank you and enjoy!
Mika's POV
August 21, 2014
"Ate Ye, come on. It's a Friday, sumama ka na sa'min!" pangungulit ni Kianna sa'kin. Niyayaya kasi nila akong sumama sa Valkyrie. Ewan ko pero tinatamad talaga ako, sayang nga wala akong magawang palusot about school kasi wala namang pasok tuwing Friday.
"Ayoko nga. Tinatamad ako. Samahan ko nalang si Daks dito." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yun, pero halatang nagulat sila dahil tinawag kitang Daks for the first time since March.
Humarap ka sa'kin at ngumiti. "Ay, wag na Miks. Sumama ka na sa kanila. Magkikita kami ni Bang in a while eh."
May Kiefer na ako pero tama bang sabihin kong nasaktan ako nung sinabi mo 'yun?
"A-Ah, ganun ba?" Pilit akong ngumiti at tiningnan sila Kianna. "Sige uhm, sama na ako. Wala rin naman akong gagawin dito."
Sabay sabay silang nag-apir at lumabas ng kwarto. Nagkanya-kanya na sila ng pagka-busyhan sa pagbibihis. Naiwan tayong dalawa dito sa kwarto at katulad ng inaasahan ko ay binalot ang paligid ng katahimikan. Nakatalikod ako sa'yo at naghahanap ng damit sa cabinet at ikaw naman ay nasa harap ng salamin, inaayos ang suot mo.
Lumingon ako at napatingin sa salamin. Nagtama ang mga mata natin dahil napatingin ka rin nang lumingon ako kaya agad akong nag-iwas ng tingin at dumiretso sa banyo para magbihis.
Huminga ako ng malalim at paulit ulit na sinabi sa sarili kong kailangan umakto ako ng normal. Kailangan kong ipakita sa'yo na hindi na ako apektado at kaya kitang harapin bilang kaibigan.
Matapos kong magbihis at mag-ayos ay lumabas ako at nakitang nandun ka pa rin. Lumingon ka at nagtama nanaman ang mga mata natin. 8, 9, 10 seconds? Hindi ko alam, hindi ko na nabilang basta napakatagal nating nagtinginan.
Ako ang naunang nag-iwas ng tingin at ngumiti nalang ako. "Uhm, sige ah? Labas na ko. Enjoy kayo ni Bang."
Hindi na siya sumagot pa kaya dire-diretso na akong naglakad. Nang bubuksan ko na sana ang pinto ay bigla kang nagsalita.
"Miks."
Tumigil ako pero hindi ka nilingon. "Yeah?"
Nagpakawala ka ng buntong hininga bago sumagot. "I just wanna say, you look stunning."
Nanikip ang lalamunan ko at parang nagkaroon ng gyerang namamagitan sa tyan at puso ko nang sabihin mo 'yun. Ayokong bigyan ng iba pang meaning, pero kung sabihan ka ba naman ng ganyan diba? Syempre kakaiba na sa pakiramdam 'yun.
Tiningnan kita at seryoso kang nakatingin sa'kin. Sa tingin mong 'yun ay parang nakita ko yung dating Vic? Aish. Ano ba 'tong iniisip ko. "A-Ah, thank you." nginitian nalang kita at mabilis na lumabas.
Napasandal ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko.
"Huy! Ano 'yan? Kinikilig ka 'no?"