Letter 5

1.2K 90 25
                                        

THIS IS PURE FICTION. Enjoy!

Mika's POV

"Ye, bakit hindi mo sinabi?" bulong ni Carol sa'kin.

"Dapat talaga sinabi mo na kagabi! Nandun na eh. Huhu!" bulong naman ni Kim mula sa kanan ko. Sinenyasan ko naman silang dalawa na mamaya nalang kaming mag-usap kasi nasa klase pa kami at baka mahuli kami ng prof.

Pero dahil matigas ang ulo ni Carol.... "Oo nga. Nako, kung hindi mo lang ako blinackmail, matagal ko nang sinabi kay Arabels 'yun!"

"Yung tatlong bibe natin diyan sa likod, baka gusto niyong i-share 'yung pinaguusapan niyo diyan."

Sinamaan ko ng tingin ang dalawang katabi ko. Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Sila nga lang 'yung maingay, pero dahil ako ang kinukulit nila, pati ako nadamay.

"Ah eh, tinatanong ko lang po sa kanila kung anong gusto nilang play sa first PSL game namin." Nagpigil naman kami ng tawa dahil sa palusot ni Kim. Play para sa game? 'Yung totoo?

Kumunot ang noo ni prof pero hinayaan nalang niya dahil wala naman siguro siyang pakialam sa mga play play na 'yan pagdating sa sports. "Okay. Pero pwede niyo namang pag-usapan 'yan mamaya, maglu-lunch na rin naman."

Saktong tumunog ang bell kay dinismiss na rin kami at nagsilabasan naman ang lahat.

"Ang kulit niyo kasi! Ayan tuloy, napagalitan pa tayo." saway ko sa kanila habang papasok kami sa canteen.

"Eh kasi nga, hindi kami maka-get over dun sa kagabi. Sayang eh. Total game changer 'yun kung nasabi mo." seryosong sabi ni Kim habang naghahanap ng bibilhin.

"Sa tingin niyo ba maniniwala siya sa'kin? Hindi, diba? So wala rin namang point kung sabihin ko pa o hindi." Pang-ilang beses ko nang sinasabi sa kanila 'yan pero ilang beses na rin nilang pinipilit na sabihin ko na sa'yo.

"Hay nako, baks. Basta sinasabi namin sa'yo, kung ayaw mo nang masaktan pa si Vic, sabihin mo na. Bahala na siya kung maniniwala siya o hindi." punto naman ni Carol. Napag-isipan ko rin namang sabihin sa'yo. Actually muntik ko na ngang masabi noon, pero nung nakita ko kung gaano ka kasaya nung oras na 'yun, pinili kong manahimik nalang.

"Eh kayo nalang kaya magsabi? Kayo naman 'yung atat na atat diyan." pilosopo kong sabi at sinamaan lang naman nila ako ng tingin.

"Aish! 'Wag na nga kasi nating pag-usapan 'to. Nakaka-stress." dagdag ko at bumili nalang ng pagkain. Habang naghihintay kami sa pila ay narinig namin ang usapan ng dalawang babae sa harap namin.

"Girl, kilala mo yung Shiela Pineda? 'Yung galing Adamson?"

"Familiar. Diba 'yun yung girlfriend ni Ara Galang?"

Sasawayin ko na sana sila na tigilan nila ang usapang 'yan lalo na't ang lalakas pa ng boses nila, hanggang sa marinig ko ang sinagot nung isang babae.

"Kasi nakita ko siya kanina sa Mega, may kasamang babae. Nakakapagtaka lang kasi diba sila na ni Ara? Pero ang sweet nila nung girl."

"Baka naman close friend lang niya or relative?"

"I don't think so. Holding hands pa sila tapos...basta! Di ko ma-explain, may iba eh."

Unsent LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon