Special Chapter

1.5K 82 5
                                    

Due to public demand, here's a special chapter 😂 Maikli lang 'to, btw. Enjoy! 😊

Ara's POV

"Oh Arabels, saan ka pupunta?"

"Ah eh, hahanapin ko lang po sarili ko."

Napataas ang kilay ni Ate Cha sa sinagot ko. "Nanaman?"

Huminga ako ng malalim at sinara ang zipper ng duffel bag ko. "Opo. Alam niyo na..."

Alam kong naiintindihan na ni Ditse ang ibig kong sabihin kaya tumango nalang siya at nginitian ako na tila sinasabing good luck at mag-ingat ako.

"Una na po ako, Ate Cha. Baka maiwan pa ako ng bus."

Lumabas na ako ng dorm at pumuntang bus station. Graduates na kami pero nagt-training pa rin kami for PSL kaya paminsan-minsan, pag wala naman kaming kailangang gawin ay nagsstay kami sa dorm ng current LS.

Magi-isang taon na rin mula nang maging kami ni Mika and she's been the best girlfriend ever. Pero syempre sa lahat ng relasyon, hindi naman maiiwasan ang misunderstandings.

May pupuntahan din kasi ako ngayon — doon sa lugar na palagi kong pinupuntahan pag nag-aaway kami ni Bang dati. Sobrang nakaka-relax din kasi dun, parang kahit sa ilang saglit lang makakalimutan mo lahat ng problema mo. Doon din kami pumunta ni Mika nung araw matapos naming magkabalikan.

Nag-jeep ako papuntang bus station at nang makarating sa kanto malapit dito ay inabot ko ang bayad.

"Pang-ilan 'to?"

Tiningnan ko lang si Kuya Driver.

"Isa lang po. Sanay na naman po akong mag-isa."

Ngumisi si Kuya at napailing. "Eh sino ba nagsabi sayong mag-isa ka? Nandiyan naman siya eh, mataas lang siguro pride mo, ano?"

Napatingin lang ako kay Kuya at natahimik. Pati ba naman siya? Yung totoo? Nag-conspire ba lahat ng tao sa mundo para patamaan ako ng mga hugot?

"Salamat nalang po, Kuya. Una na ko." sabi ko nalang at nagmamadaling bumaba ng jeep. Naglakad ako papunta sa mga bus at hinanap kung nasaan ang sasakyan ko.

Pagpasok ko sa loob ay wala pa naman masyadong nakaupo pero may iilang tao lang. Naghanap ako ng bakanteng upuan at umupo sa window side saka inayos ang gamit ko. Habang naghihintay ay sinuot ko ang earphones ko at nakinig nalang sa music. Alam niyo na, senti senti muna with matching tingin sa labas.

Maya maya, may kumalabit sa'kin.

"Excuse me, Miss. Mag-isa ka ba?"

Napalingon ako at bumungad sa'kin ang isang babaeng nagpapa-cute. Tsk.

"Oo. Bakit?" tipid kong sagot.

"Pwede bang umupo ako dito?"

"Ay hindi, tumayo ka nalang diyan para masaya." Narinig kong bulong ng isang babae sa likod ko. Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka hindi naman ako ang kausap niya kaya binalik ko ang atensyon ko sa babae.

Unsent LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon