Last chapter. Sobrang mahal ko kayo guys.
-
Alden's POV
When Maine left me last year for New York, alam ng Diyos kung gano ko pinagsisihan na pinakawalan ko pa sya. It could have been our second chance para maayos yung kung anumang nasira samin noon. But I was blinded with my anger at ng sakit ko. Hindi ko inisip ang hirap at sakit na dinanas din ni Maine. All I thought of was my own pain. Hindi ko naconsider na dalawa kami sa relasyong yun at porket sya yung umalis e hindi sya nasaktan sa nangyari.
Kaya nung araw na umalis sya, inayos ko lahat. Nagsimula ako sa simula. Pinag-isipan kong mabuti ang mga desisyon ko. Ayoko ng maulit yung pagkakamali ko dati. Pinili ko yung desisyon kung saan yung tama. Pinili kong gawin yung mga bagay na noon ko pa dapat ginawa.
28 Days. It took me 28 fucking days para marealize lahat ng maling ginawa ko sa buhay. 3 taon ang sinayang ko at who would have thought that those 28 Days will make me realize na all this time hindi ako masaya. Na parang may kulang. Na sinusundan ko nalang yung sa tingin ko ay tama. Na yung tama pala e all along nilalagpasan ko lang.
28 Days at hinayaan kong mawala ulit sakin si Maine. It was only 28 Days yet it was the most painful days na wala sakin si Maine. I was alone for the last three years pero sa 28 Days lang na yun ko narealize kung gaano ako nagiisa. Kung gano kapatapon yung buhay ko na wala sya. Kung gano ka worthless gumising sa umaga na alam mong hindi mo sya makikita. Na alam mong paulit-ulit mo syang sinasaktan at wala kang magawa kundi panuorin syang durugin ang sarili nya. Napaka-walang kwenta kong tao. It took me 28 Days to realize all of that.
Kaya ngayon, sa third chance na binigay ng Diyos sakin.. Papakawalan ko pa ba sya? Aantayin ko bang dumaan na naman ang dalawampu't walong araw na hindi ko sya kasama at patuloy lang akong magiging walang kwenta?
No. Never.
"Maine."
"RJ."
"Meng.. Salamat bumalik ka."
"Teka. Uy Reeza bakit di mo ko sinenyasan?! Kaasar naman 'to oh. Dapat diba may plywood na babagsak tapos magiiyakan kami tas marerealize nya na napaghiwalay na naman kami nung plywood? Kainis naman oh. Prinactise na natin to eh!!!" Maine gave Reeza a frustrated look and then turned to me.
"At ikaw naman bat mo ko agad pinuntahan at niyakap? Dapat tititigan mo muna ko tapos maguguluhan ka Shet si Meng ba 'to moment tapos dahan dahan kang lalapit tapos magcucue yung God Gave Me You! Panira mo naman sa drama Faulkerson eh!!!"
"Aantayin ko pa ba na mahulog yung plywood at maghiwalay na naman tayo para marealize ko lahat? Maine. Ang tagal kong hinintay to. To say that.."
"God Gave Me You? Ano ba narinig ko na 'yang linyang yan Alden. Mag-isip ka naman ng bago. Kainis ha."
"Grabe, alam mo bang namiss ko 'yang ganyan mo? Nung huli kasi nating mga pagkikita lagi ka nalang umiiyak e."
"E pano pinaiiyak mo ko. Alangan namang magpaparty ako habang yung taong mahal ko nilalandi ng iba."
"Kaya gusto kong malaman mo ngayon na hinding hindi ka na ulit iiyak sa parehong dahilan na yun Meng. Ikaw lang. Ikaw lang ang pwedeng lumandi sakin. Diba nagpromise tayo sa isa't isa bago ka umalis noon na kapag maayos na lahat, pag wala ng sasagabal satin, pag wala na tayong ibang taong masasaktan.. Hinding hindi na kita papakawalan. Kaya Meng.. Tinutupad ko na yung pangako kong yun sayo. Hinding hindi na kita papakawalan. Tayong dalawa, ikaw at ako.. Magkakasama na ulit tayo."
"Seryoso? Wala ng Kim?"
"Wala na. E wala na bang Jake?"
"Wala naman talagang Jake. Ikaw lang."
"Good. Kasi di ko na hahayaang may kung sino pang maghiwalay satin. Mahal na mahal kita, Meng. Ikaw at ako lang."
"Wala ng bawian to ha! Subukan mo kong paiyakin ulit puputulin ko na talaga lahat ng mahaba sayo! O, asan na yung singsing?"
"Singsing?" Nainis na naman si Maine at hinampas ako sa braso.
"Bakit di mo ba ko aayain magpakasal?"
"Kasal?"
"Ano ba naman yan Alden napakahina mo naman pakasalan mo na yan!" Sigaw nung mga tao sa paligid na ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kami pinapanuod.
"Meng, alam mo kung gano ko kagustong pakasalan ka kaso biglaan lahat ng mga nangyayari ngayon e. Pero.."
Hinawakan ko yung isang kamay nya at saka ako lumuhod sa harapan nya.
"Sa susunod ba na tatanungin kita at yayain na samahan ako hanggang sa sabay tayong sasakay sa jeep at magbabayad na dalawang senior at makasama ako hanggang sa mapatunayan natin sa lahat na may forever at di ka magsasawa sa katawan ko kahit kulubot na lahat ng to?"
"Hay nako Faulkerson. Kahit na mangulubot lahat ng balat mo sa katawan, tawagin tayong Lolo at Lola ng mga apo natin, mamuti ang mata ng iba kakaintay na maghiwalay ulit tayo, hinding hindi na kita iiwan. Mahal na mahal kita Faulkerson."
"Ikaw at ako, tayong dalawa?"
"Ikaw at ako, tayong dalawa at ng magiging pamilya natin."
BINABASA MO ANG
28 Days
FanfictionMaine thought their love story were meant to last forever. But apparently, it doesn't. And she needs to move on, because he already did. Start: 15 February 2016 End: 13 June 2016