FAQ's and Announcements

6.8K 168 44
                                    

So finally!!! Natapos ko din to. Shet sobrang saya ko kasi achievement na natapos ko sya in a span of 5 months.

Here's some FAQ and announcements sa new books ko.

Kelan nyo po sinimulan ang 28 Days?

February 15, 2016

Ano pong trip nyo sa pagsulat ng 28 Days?

Gusto kong manakit. Charot! Gusto ko lang magsulat ng story na may plot talaga. Unlike yung isa na puro one shots.

First story nyo po ba ang 28 Days?

No. Actually andami kong unfinished and unpublished works. Nagulat ako sa feedback ng readers sa story na to. Kasi gusto ko lang naman magsulat. At ang saya kasi may mga nagbasa. Thank you sayo.

Ano na pong nangyari sa bruhildang si Kim?

Masaya na sya sa buhay nya at natauhan na sya. Actually di naman dapat sya lukaret na kontrabida dito. Ewan ko ba isang araw naging ganyan na lang siya.

E si Jake po?

Ayun nag-aalaga ng mga anak namin. Hi babyyyy.

Ja-Maine shipper ka ba? Tard ka no author?!

Sa story na to, honestly oo. But in reality dyusko MaiChard forever. Itaga mo pa sa bangs ni Ryzza Mae Dizon.

Ano po ba talagang sakit ni RJ?

Di ko din alam e. Naisip ko lang na magkasakit sya. Basta brain chenes yon. Wag ka nga matanong. Charot!

May book 2 po ba ito?

Hmmm. Pinag-iisipan ko. Kaso ang hassle kasi. Pero may side story ito. Unsent Letters. POV ni Alden. Tinatapos ko sya offline para tuloy-tuloy ang update. I've already posted the first chapter for preview!

Ano pa pong ibang works nyo?

Syempre Behind The Cameras, ongoing parin yung one shots dun. Yung side story nga ni RJ, (Unsent Letters). Switched, yung new story ko. At saka Have You Seen J? (Unpublished pa.) And sana, more to come.

Puro AlDub-MaiChard related po ba yung mga stories nyo?

Nope. Yung Have You Seen J isn't Aldub related yun.

Angst po ba yung Switched?

No.. Teka. Ewan? Hahahaha. Jk. Yung HYSJ, yun baka angst yun.

Message mo po sa readers mo?

Mahal ko kayo. Di ko man kayo maisa-isa, sobrang mahal ko kayo. Thank you for believing na kaya kong tapusin to at may talent ako para gawin to. Salamat kasi di nyo ko iniwan. Sana makasama ko pa kayo sa lahat ng stories ko soon. All the success of this book wouldn't have made if it wasn't because of you.

Kitakits sa mga susunod kong stories!

Love,

Kimmy.

(Update: Posted na ang Switched! Pero on-hold sya, huhuhuhu.)

(Check out The Reason Why too! Punta lang kayo sa works tab and you'll see it there. Thank you!)

28 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon