Judges:
Copy paste ko lang ito sa mga pinasa nila sa email. Kaya yong iba, walang space. Sa original naman ay meron.
Salamat
Bottled Letter
Dear Prince Charming,
Ako nga pala si Jenna, sana magkakilala na tayo kasi talagang miss na miss na kita kahit hindi pa tayo magkakilala. Sabi sa akin ng kaaway kong si Jeydon wag na daw akong maghanap pa dahil wala naman na akong mapapala dahil sa katabaan ko. Hindi ako naniniwala sa kanya dahil naniniwala akong darating ka at mamahalin ako.
P.S Sana lang pagdating mo dito ay may dala kang madaming chocolates, spongebob na stuff toy at flowers.
Inirolyo na ni Jenna ang letter na isinulat para sa hindi kilalang 'prince charming' saka nya 'to inilagay sa bote dahil balak nya itong itapon sa dagat mamayang paglubog ng araw. Ayon kasi sa tsismisan ng mga kaklase nya ay kapag daw nagtapon ka ng letter sa dagat ng papalubog na ang araw ay makikita iyon ng lalakeng nakatakda para sa iyo.
Hindi naman dapat sya maniniwala ang kaso hopeless romantic sya at sa edad nyang disesyete ay wala pa ding nanliligaw sa kanya. Madalas ay tuksuhin sya ng kababata nyang si Jeydon na wala ng magkakagusto sa kanya at wag na daw syang umasa. Hindi naman nya masisisi ang mga lalake dahil sa pagka-'chubby' nya at sa makapal nyang salamin, isama pa ang braces nya!
Nang sumapit na ang oras ay naghanda at nagbihis na sya. Dala ang bangka nila ay nagsagwan sya hanggang sa hanggang sa medyo malayo layo na ang dalampasigan. Dinasalan nya muna ang bottle saka nya iyon tinapon. "Yehey! May lovelife na ako bukas" Bulong nya sa sarili.
Tumigil muna sya sandali sa pagsasagwan at nanglumbaba muna sa bangka para magdaydream! Naiimagine nya na idedate sya ng prince charming nya sa isang fancy restaurant, tapos magpipicnic sila sa at mamasyal sa mall-
"Hoy Taba!"
"Ay walanghiya!" Inis na inis si Jenna ng matigil ang pagdedaydream nya dahil sa lalaking kinaiinisan nya! Si Jeydon!
Nakasakay ito sa yate nila at tumigil sa harapan nya. Kung hindi lamang nakakainis ang tinawag nito sa kanya ay paniguradong pupurihin nya ang ayos nito. Nakapolo shirt itong white at fitted jeans. Napakasimple pero sumisigaw ang kagwapuhan nito!
"Anong ginagawa mo dito? Daydreaming?" Inirapan nya ito. Madalas kasi ay nahuhuli sya nitong nakatulala sa kawalan at inaasar syang nagdedaydream. Ang nakapagtataka lang ay palaging si Jeydon ang nakakahuli sa kanya.
"Tigilan mo nga ako at baka hindi kita matantya!"
"C'mon bakit ka nga nandito, tababoy!"
"Hindi ako baboy! Peste ka! At wala ka ng pakielam kung ano ang pinunta ko dito!"
Minsan talaga ay nakaksama ng loob ang mga pinagsasabi ng lalakeng ito sa kanya at hindi nya maiwasan na patulan ito.
"Wag mong sabihin sa akin na nagbato ka din ng sulat dito at pinaniwalaan mo sina Gretchen?"
Hindi sya nakapagsalita kaagad at sumimangot.
"A-ano naman sa 'yo?"
Magsasalita pa sana sya ng bigla ay humagalpak na ng tawa si Jeydon. Kung hindi lamang sya ang pinagtatawanan ng lalake ay siguro kanina pa sya nakisabay sa pagtawa dahil nakakadala ang tawa nito.
"Seriously Jenna?! Wala ng magkakagusto sayo! Wag ka ng umasa pa" Tumatawa pa din si Jeydon at sa inis nya ay winasiwas nya ang sagwan nya para mabasa ang lalake!
"What the hell Jenna!"
Nilabas nya ang kanyang dila para asarin ang lalake at nagsimula ng magsagwan at ng makauwi na sya dahil maga-gabi na din.
"What the hell? No! Go to hell Jeydon!" Sabi nya at naiinis na tumalikod na!
"Wait wait!" Pigil nito habang hindi pa sya nakakalayo ng maigi.
"Ano na naman! Alam kong baboy ako ano pa!"
"Catch!" Bigla ay may binato si Jeydon at agad na nasambot ni Jenna.
A chocolate. Tumaas ang kilay nya. Ayan na naman ang lalake. Kapag tapos syang asarin ay madalas syang binibigyan ng matatamis na pagkain.
"Iyo na yan natira ko yan dito! Sige umuwi ka na baka kainin ka pa ng mga kauri mong balyena!"
"Tang ina mo!" Saka binilisan nya na ang pagsagwan dahil naiinis na sya!
Madalas naman ay tinatanggap nya ang mga binibigay nito dahil natetemp sya na kainin 'yon!
"Panget sa babae ang nagmumura!" Narinig nyang sigaw nito ng makalayo na sya.
"Fuck you!" Ganting sigaw nya.