Magandang araw sa ating lahat!
Sa lahat ng mga judges natin, maraming salamat at pinaunlakan ninyo ang aking paanyaya. Maari na po kayong magsimula sa pagbibigay ng komento sa ating mga kalahok.
Sa lahat naman ng mga kalahok, maraming salamat sa oras at panahon na ibinigay ninyo, makasali lang sa aking munting patimpalak.
Criteria for judging:
Cleanliness: 30%
Uniqueness: 30%
Plot twist: 30%
Audience Impact: 10%
Mechanics and Guidelines
Tanong:
1: Bakit?
Ginawa ko po ito para sa ating mga aspiring writers na magkaroon ng pagkakataong makita ang kanilang mga istorya na isang libro. Hindi lang basta-basta libro kundi, makakatulong ka pa sa mga nangangailangan. Dahil for a cause ang mga isusulat natin dito.
2: Contest po ito kaya may mga judges at siyempre may premyo rin.
Pipili kami ng 15 stories sa iba't-ibang genre. Ang top 5 ang makakakuha ng premyo.
500 pesos para sa makakakuha ng pinakamataas na score mula sa mga judges.
350 pesos naman para sa second na may pinakamataas.
At 200 pesos naman para sa tatlong sumunod.
Paano?
1: Gumawa ng short story: 2000-3500 MS word count.
2: Romance, Fantasy, Horror, Mystery/ thriller and Inspirational.
Muli ko nang binubuksan ang Romance category, since tapos na ang first batch. Yehey!!!
3: Pareho lang ang mechanics sa lahat ng genre maliban sa Inspirational.
Mga kantang pagpipilian for Inspirational:
Bawal banggitin ang ni isang lyrics ng kantang napili ninyo.
1: The Gift by: Jim brickman
2: Paano kita mapasasalamatan by: Sarah Geronimo
3: Talaga naman by: MYMP
4: Ocean deep by: Carol Banawa.
5: Pagdating ng Panahon by: Aiza Seguerra
6: Tanging yaman by: Jaime Rivera
7: Beautiful in white by: Shane Filan
Pumili ng isang kanta na magiging basihan ng inyong kuwento. Hindi ko dapat makikita ang kahit anumang lyrics ng kanta na inyong napili sa inyong mga kuwento.
Sa lahat na mga kalahok, labinlimang kalahok ang pipiliin namin at sila ang magiging kauna-unahang self-published short story under inspirational category.
3: Third POV po tayo.
4: Language: Filipino. Mahalin ang sariling wika. Kung May taglish man, okay lang. Siguraduhin lang na nangingibabaw pa rin ang wikang Filipino.
Another Genre: SPG stories are acceptable. Piliin lang nang mabuti ang mga salitang gagamitin. Huwag masyadong bulgaran.
Kailan?
Nagsimula po ito last February until March 2016 sa Wattpad. Gaya ng sinabi ko, May first batch na kaming ipapa-self-pub. Sorry sa mga naunang sumali, free book lang ang maibibigay namin. Sorry na at salamat!
Date of submission: Extended na!
May 31 to June 30, 2016
Ipasa sa email add.
iamdreamer28@yahoo.com
Format ng pagpasa:
Subject: kung ano'ng genre ng story mo maliban sa Inspirational.
Sa Inspirational, ilagay ay kantang napili as subject.
Sa message board ilagay ang mga sumusunod:
UN: kung may Wattpad. Kung wala naman, ikaw na ang bahala kung ano ang ilalagay mong pen name o pangalan.
Title: Nang dahil sa kanya by: iamdreamer28
Then, attached the file.
Kung may mga tanong, comment or message me.
Salamat!
Tandaan, write for a cause po ito.
Kindly visit the link below. No need to follow. Add n'yo lang ang story sa mga RL ninyo.
https://www.wattpad.com/user/iamdreamer29%