HEART CALLING
by: BreilJaelvic
"When a man loves a woman, his heart calls to hers. And if the woman loves the man, her heart responds. The two hearts, then, they begin to beat as one. Names cease to exit-- nothings exist but the rhythym of those two hearts, beating in time with one another... until one is practically indistinguisible from the next."
..................................
"So, you're leaving, then." Bryan says, it's more than a statement than a question.
Courtney, simply nod at him. "We will reclaim our fortune."
Bryan can't find any words to say. So, they just simply stare at each other and let the minutes passed by for a while. Because he couldn't bring himself to beg anymore.
"I'll miss you, you know that, right?" he said before he pull her towards him and kissed her passionately and lovingly, were he tried to pour all his feelings for her, so that she'll not think to leave him behind.
Ilang minuto sila sa gaanong sitwasyon hanggang sa ang binata na rin ang pumutol sa halikang namagitan sa kanila. Dahan-dahang inilayo ni Bryan ang mukha sa kasintahan at mariin itong tinitigan na para bang kinakabisado nito ang hugis at parte ng mukha ng dalagang iniibig.
"Mahal mo ba talaga ako?"
"Bry, you already know the answer. Yes, I Love you so much. Alam mo na ikaw lang ang lalaking minahal at mamahalin ko habang buhay." Ani Courtney habang sapo sa magkabilang palad ang mukha ng binata saka siniil ng halik sa labi.
Ngunit biglang inilayo nito ang mukha at mariing napapikit na para bang tinitimbang ang susunod na gagawin kung ito na ba ang tamang panahon. Muli niyang tinitigan ang dalaga saka hinawakan ang kanang kamay nito bago lumuhod na siya namang ikinabigla ng dalaga.
"W-wait. Bry, hindi mo kailangang lumuhod at magmakaawa, akala ko ba napag-usapan na natin ito?" naguguluhang saad ni Courtney habang pilit siyang pinapatayo sa pag-aakalang mag-mamakaawa ang kasintahan na huwag na siyang tumuloy at sumama sa kanyang mga magulang patungong Amerika.
Courtney, pulled herself up to sitting position next to Bryan para sana magpantay sila dahil hindi niya ito mapatayo, pero natigilan din siya nang mahinuha niya ang totoong pakay ng binata kung bakit ito lumuhod sa kanyang harapan.
"Bryan!" hindi niya maiwasang sambit sa pangalan nito nang makita ang maliit na kahon na hawak ng binata na ngayon ay nakatambad na sa kanyang harapan.
"Courtney Stiles, would you grant my wish to be your lawful husband?" puno ng pagsusumamong usal ni Bryan. "I love you so much. Babe, please... tell me you will?" halos naiiyak na pakiusap nito sa kasintahan na parang itinulos sa kinauupuan sa pagkabigla.
"Courtney, babe. I'm asking you to come home with me and be with me forever. Hindi ko kayang malayo sa'yo."
"Oh, Bryan. Alam mo naman kung gaano kita kamahal at ikaw lang ang nag-iisang lalaki sa buhay ko, p-pero matagal ko ng pangarap ang mangibang bansa." saad niya nang mahimasmasan at lumuhod din sa tapat ng binata.
"I really want to be your wife, truly. Pero may iba pa akong pangarap at plano. C-can you give me more time?" pakiusap niya ngunit tila sarado na ang isipan ng binata sa kahit ano pang irason niya.
Bryan stood up, and wipe his stained face. He already knew na ganito ang mangyayari, pero nagbakasakali pa rin siya at umaasang, mananaig ang pagmamahal sa kanya ng kasintahan, pero nagkamali siya ng sapantaha. Mas mahal pala nito ang kalayaan at karangyaan sa ibang bansa kesa ang makapiling siya habang-buhay.