Hello sa inyong lahat diyan! Kumusta kayo?
Sa lahat po pala ng gustong sumali, ito po ay isang short story making contest for a Cause. Sa ngayon, may first batch na kami na ipapa-self-pub at may charity na rin kaming napili. Ipo-post ko po ito sa group page natin.
Tanong:
1: Bakit?
Ginawa ko po ito para sa ating mga aspiring writers na magkaroon ng pagkakataong makita ang kanilang mga istorya na isang libro. Hindi lang basta-basta libro kundi, makakatulong ka pa sa mga nangangailangan. Dahil for a cause ang mga isusulat natin dito.
2: Contest po ito kaya may mga judges at siyempre may premyo rin.
Pipili kami ng 15 stories sa iba't-ibang genre. Ang top 5 ang makakakuha ng premyo.
500 pesos para sa makakakuha ng pinakamataas na score mula sa mga judges.
350 pesos naman para sa second na may pinakamataas.
At 200 pesos naman para sa tatlong sumunod.
Paano?
1: Gumawa ng short story: 2000-3500 MS word count.
2: Romance, Fantasy, Horror, Mystery/ thriller and Inspirational.
Muli ko nang binubuksan ang Romance category, since tapos na ang first batch. Yehey!!!
3: Third POV po tayo.
4: Language: Filipino. Mahalin ang sariling wika. Kung May taglish man, okay lang. Siguraduhin lang na nangingibabaw pa rin ang wikang Filipino.
Another Genre: SPG stories are acceptable. Piliin lang nang mabuti ang mga salitang gagamitin. Huwag masyadong bulgaran.
Kailan?
Nagsimula po ito last February until March 2016 sa Wattpad. Gaya ng sinabi ko, May first batch na kaming ipapa-self-pub. Sorry sa mga naunang sumali, free book lang ang maibibigay namin. Sorry na at salamat!
Date of submission: Extended na!
May 31 to June 30, 2016
Ipasa sa email add.
iamdreamer28@yahoo.com
Format ng pagpasa:
Subject: kung ano'ng genre ang story mo.
Sa message board ilagay ang mga sumusunod:
UN: kung may Wattpad. Kung wala naman, ikaw na ang bahala kung ano ang ilalagay mong pen name o pangalan.
Title: Nang dahil sa kanya by: iamdreamer28
Then, attached the file.
Kung may mga tanong, comment or message me.
Salamat!
Tandaan: Ang patimpalak na ito ay for A Cause.