My Long Lost Best Friend is My Long Time Love?
"Dan-Dan, Best Friend's Forever tayo ah? walang iwan--"
*Prffffft...Prffffft...*
"Iyong bata nasagasaan!"
"REN-REN!!!" sigaw ng batang babae.
Nilapitan nya ang kanyang matalik na kaibigan na duguan at walang malay na nakahandusay sa sahig. Lalong napahagulgol ang bata habang paulit-ulit nyang binibigkas ang pangalan ng kanyang kaibigan.
"REN-REN!!!"
"Anak, gising!" sigaw ng kanyang Ina kaya napabalikwas sya nang bangon.
Niyakap niya ang kanyang Ina habang nanginginig sa takot. "Diyos ko po! Binangungot ka Anak." wika ng kanyang Ina kaya lalo siyang napakapit dito.
"M-Mama, Iyong bata po nasagasaan. Si Ren-Ren po Mama. Nasaan na po ang Best Friend ko?" tanong nya sakanyang Ina.
"Anak, isang masamang panaginip lang iyon kaya huwag munang pansinin." saad ng nito sakanyang Anak. Sa ilang beses na nagtanong si Dannika sa kanyang Ina ay siya ring bilang ng pag iwas nito sa tanong patungkol sa kanyang matalik na kaibigan.
"Oras na Nika. Asikasuhin muna ang pagpasok mo sa paaralan baka mahuli ka pa sa klase nyo." aniya sa rito kaya wala nang nagawa pa ang dalaga kundi sundin na lamang ang bilin ng Ina.
Ilang minuto lang ang lumipas at nagpaalam na siya sa kanyang Ama at Ina upang magtungo sa Paaralan.
"Huy! ang sweet ni Darren kay Sandy noh?" wika ng kanyang kaibigan nang makaupo na siya sa kanyang silya.
Napasimangot na lamang ito at tinignan ang magkasintahan na larawan ng tunay na pag-iibigan.
"Ayieeh! Si Nika nagseselos." Panunudyo nito sa kaibigan kaya biglang namula ang magkabilang pisngi nito dahil halos isang dipa lamang ang pagitan nila ng kanyang kaibigan sa magkasintahan.
"Ano ba Tricia! Magtigil ka nga. Baka marinig ka nila." bulong nito sa Kaibigan at muling binalingan ang dalawa.
Isa, dalawa,tatlo. Tatlong taon na siyang Estudyante sa paaralan nila at ganoon na rin katagal itinatago ni Nika ang pagibig nya sa binata.
Sa araw-araw na ipanagkaloob ng Panginoon na pagtagpuin sila,Ipanagdarasal na lamang ni Nika na sana ay lagi nalamang siyang nanaginip at huwag nang magising pa dahil sa panaginip nya lamang nakakapiling ang Binata.
"Naku naman Nika, ikaw ang magtigil diyan sa kahibangan mo kay Darren. Ilang taon na ba yang tagong pagibig mo sakanya ah? Ni minsan ba pinansin ka niya?" panenermon nya sa kanyang kaibigan.
Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Nika sa sinabi ng kanyang Kaibigan kung kaya't bumalik siya sa realidad na pilit nyang tinatakasan.
Minsan naisip ni Nika kung bakit napakadamot ng tadhana sakanya. Kung bakit iyong mahal nya ay hindi sya mahal.
"Bakit ganoon Tricia noh? Ganoon ba ako kapangit para hindi nya mapansin?" tanong nya sakanyang kaibigan na siya namang ikinalingon ng binata sa kanyang kinauupuan.
"Uy may nagtext!" Anunsyo ng announcer na nagmumula sa mga naglalakihang speaker na nakapalibot sa buong paaralan.
"Friend, Confession Day ngayon." saad niya sakanyang kaibigan kaya tinanguan nalang siya nito.
"Oh My Gosh! Ang sweet naman niya sa Mahal niya. Ito ang sabi nya sayo Luck Girl, Pakisabi naman sa Mahal ko na hindi sya pangit dahil para saakin siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo." saad ng Announcer kaya hindi maiwasang mapangiti si Nika dahil nangangarap na naman siya ng gising na sana si Darren ang nagtext at para sakanya ang mensaheng ito.
"Kyaaah! hindi kaya si Adrian iyon at narinig ka?" Nanggigil na wika nito kay Nika kaya bigla syang napalingon sa pintuan kung saan nakatayo si Adrian.
"Kainis! Bakit sending failed pa?" bulaslas ni Darren sa kanyang kinalulugaran kaya napatingin ang lahat sakanya.
"Uy! Bakit tulala ka diyan? sinong iniisip mo?" tanong ni Sandy kay Nika nang hindi nya namamalayang nakaupo na pala ito sakanyang tabi.
Halos kalahating taon na nya katabi si Sandy kaya hindi nya maiwasang mainggit sa dalagita sa tuwing ikinukwento niya si Darren sakanya.
Kilala ang Magkasintahang Darren at Sandy sa buong paaralan nila kaya ang lahat ay hinahangaan ang namamagitang pagiibigan nang dalawa.
"Ah, wala ito Sandy. Kumusta na nga pala kayo ni Darren?" malungkot na tanong nito sa dalaga.
"Ganoon parin naman Nika. Oo nga pala, pinapatanong nga pala ng Presindente ng Photography Club kung gusto mo raw ba sumali?" Pagtatanong nya ulit kaya naman hindi masukat ang ngiti ni Nika dahil simula pa lang ay sa pagkuha na ng larawan ang interes nya.
"Talaga Sandy? Sino nga pala ang Presidente nila?" Eksayted na tanong niya rito.
"Ah Si--"
"Sandy! Pinapatawag ka ni Ms.Velasquez sa Faculty." sambit ng isang Estudyante na lumapit kay Sandy kung kaya't hindi na niya nasagot ang tanong ni Nika sakanya.
"Naku Nika, mamaya nalang ah? punta ka nalang sa Office nila kung gusto mo." sagot nito at sumama na sa Estudyanteng tumawag sakanya.
"Danny! Kumusta na ang Mahal ko?" wika ni Adrian kay Nika pagkaupo niya sa inupuan ni Sandy.
"Ikaw talaga Adrian kahit kailan bolero ka." sagot nito sa kaibigan kaya napangiti na lamang siya.
"Kailan ba kita binola Danny? totoo kaya ang mga tinuturan ko sayo." nakasimangot pa niyang sagot sa dalaga kaya sinundot na lamang nito ang kanyang tagiliran bilang pagbibiro.
Si Adrian ay matagal nang may gusto kay Dannika ngunit hindi ito masuklian ng dalaga dahil sa iba tumitibok ang puso niya.
Makalipas ang ilang oras, nagtungo siya sa opisina ng Presidente ng Photography Club dahil napagdesisyunan na nyang sumali rito. Laking gulat nya pagkabukas ng pinto ng opisina ay ang pinakamamahal niya ang bumungad sakanya. Halos lamunin na siya ng kaba dahil walang sinuman ang naririto kundi silang dalawa lamang.
"A-ah.. E-eh Darren ikaw pala." wika niya.
Pilit niyang nilalakasan ang kanyang loob kahit na batid nyang kaunti na lamang ay sasabog na ang kanyang puso sa sobrang kilig.
"Anong kailangan mo?" tipid na tanong ng binatilyo kaya napangiwi na lamang si Nika ng mapait.
"Ikaw."
"Ah?"
"Este, sasali sana ako sa Club mo kung maari pa." pagbawi niya sa kanyang nasambit.
"Ok sige, Makakaalis kana." wika nito kay Nika nang hindi manlang niya pinasadahan ng kahit kaunting tingin.
"Sige po. Ako nga po pala si Dannika Perey kung itatanong nyo kung ano ang pangalan ko." saad niya rito ngunit tinanguan lang siya ng binata.
Tatayo na sana si Nika ngunit bigla na lamang bumukas ang pinto ng opisina at niluwa niyon si Adrian.
"Sasali rin ako sa Club mo Darren dahil sumali rito ang Mahal ko." Hinihingal nyang sambit kaya naagaw nito ang atensyon ni Darren.
"Mr. Tolentino, hindi kami tumatanggap ng ganyang rason. Kailangan namin sa bawat miyembro ay dapat ito talaga ang nais niya at gusto ng puso niya." paliwanag nito sa binata kaya hindi mapigilan ni Adrian na mapangisi.
"Naririto ang puso ko dahil nabihag na niya." turo nito kay Nika na halos mawalan na nang kulay ang mukha dahil sa tensyong namamagitan sa dalawa.
Labag man sa loob ng Presidente, sumang-ayon na rin ito dahil nais lamang niya ng kapayapaan sa kanyang pinanghahawakang organisasyon.
"Kung gayon, nais kung kuhanan nyo ng larawan ang isang bagay na kung saan kapag nakikita nyo ito araw-araw ay lumiligaya kayo. Magkakaroon tayo ng patimpalak sa ating organisayon. Ang sino mang may pinakamagandang kuha ay siyang tatanghaling pinakamagaling na Photojournalist sa taong ito." paliwanag ulit ni Darren sakanila bago nya lisanin ang lugar.
Lumipas ang mga araw kung saan ang Init ay naibsan ng lamig, ngunit ang pagibig ni Nika kay Darren ay walang bahid ng pagbabago.
Sa bawat araw-araw na dumadaan sa kanyang buhay ay ni minsan ay hindi niya nakaligtaang kuhanan ng larawan ang isang bagay na nagpapasaya sakanya. Ang nag iisang kwintas na bigay ng kanyang nawawalang Best Friend na si Ren-Ren. Ito na lamang ang tanging alaalang pinanghahawakan niya kaya labis niya itong pinakaingatan.
"Nika! sagutin mo na si Adrian oh." sigaw ng mga kaklase nya sakanya.
Pagpasok nya kasi sa kanilang silid ay itong napakalaking tarpaulin na ang nadatnan nya kasama si Adrian na may hawak na bulaklak.
Hindi alam ni Nika kung ano ang mararamdaman niya dahil sa tuwing makikita niya ang nakasulat sa tarpaulin na "Will you be my Girlfriend?" ay parang nakokonsensya sya dahil inihanda pa talaga ito ng kanyang kaibigan para sakanya kung babawalain nya lang ito at tatangggihan.
Nagsusumigaw ang kanyang puso sa tuwa ngunit hindi niya matatakasan ang kaba sa tuwing titingin sya sa may likuran kung saan naroroon si Darren. Nanood lamang ang binata sa eksena ngunit bakas sakanyang mukha ang panghihinayang at lungkot.
Binalingan naman niya nang tingin si Adrian na naghihintay ng kanyang sagot. Sa Isip ni Nika ay nais na nyang sagutin si Adrian at tuluyan na nyang pakawalan ang nararamdaman niya kay Darren dahil sa ilang taon nya sa paaralang ito ay si Adrian na ang umantabay at naging kaibigan niya. Subalit ang kanyang puso ay salungat sa kanyang isip dahil nais nitong masunod kung ano nga ba talaga ang nararamdaman niya kay Darren.
Nginitian ni Nika si Adrian kaya naman niyakap ng binata ang dalaga dahil ang buong akala niya ay ito na ang sagot ng kanyang Mahal. Habang nakayakap si Adrian kay Nika, hindi mapigilan ng dalaga na mapatitig kay Darren dahil sinusubukan ni Nika kung ano ba ang magiging reaksyon niya sa kanilang dalawa ni Adrian. Para naman binuhusan ng malamig na tubig si Nika at pawang ang mundo nya ay tumigil ng hinalikan ni Darren si Sandy.
Biglang bumitaw si Nika sa pagkakayakap kay Adrian at buong tapang niya itong tinitigan sa mata habang si Darren ay hinahalikan parin si Sandy sa may likuran. Dahil sa sobrang selos at galit ni Nika sa dalawa ay nabigkas niya ang mga katagang "Oo Adrian, pumapayag na ako dahil mahal na mahal kita." Kasabay ng pagbagsak ng mga luhang kanina pa nya pinipigilan.
Sa paglipas ng maraming buwan, napalapit na ang loob ng dalaga sa kasintahan dahil walang oras na hindi pinapadama ni Adrian kay Nika na siya lamang ang nag-iisang babaeng Mahal niya.
Samantalang ang relasyon ng magkasintahang Darren at Sandy ay unti-unting lumuluwag at lumalamig dahil sa isang problemang hindi matukoy ng bawat isa kung ano ba talaga ito.
"Ren-Ren!" sigaw ng isang Estudyante kaya napalingon siya rito dahil sa pangalang binanggit.
Sa paglingon niya ay hindi niya napansin ang isang kahoy na nakausli kaya tinamaan ang kanyang ulo.
"Dan-Dan! Hintayin mo ako ah? pangako mo na ako lang mamahalin mo."
"Pangako Ren-Ren. Ikaw lang ang mamahalin ko."
"Ingatan mo itong kwintas na ito ah? Iyan ang magpaapatunay na maghihintay ka nga."
"Makakaasa ka Ren-Ren na Ikaw lang at wala ng iba pa."
Nanlalabo na ang paningin ni Nika dahil sa kakaiyak niya. Sa mahabang panahon, ngayon lamang niya ulit naalala ang mga pangakong binitiwan nilang magkaibigan.
"Ren-Ren, bakit ngayon ko lang naalala ang mga pangako ko sayo? Bakit ngayong iba na ang Mahal ko? Patawarin mo ako Best Friend dahil hindi ko iyon natupad." wika niya sakanyang sarili habang nanginginig sa iyak.
*Prffft...Prffft…*
"Ren-Ren!" sigaw niya dahil nakarinig siya ng pagpreno ng jeep at doon nagliwanag at nagkaroon ng kasagutan ang mga tanong na matagal na niyang hinahanapan ng solusyon. Sa bawat pagbusina ng mga sasakyan sa kanyang paligid, muling nanunumbalik ang mga alaalang matagal ng nabaon sa limot.
"Miss, tulungan na kita." wika ng lalaking biglang lumapit sakanya. Dahil nanlalabo na ang paningin ni Nika ay hindi nya mamukahan ang lalaking lumapit sakanya. Pero isa lang ang nakikita nya ngayon kundi ang mukha ng nawawala nyang kaibigan. Ang mukha ni Ren-Ren na nakangiti at nakalahad ang mga kamay upang siya ay itayo.
"Ren-Ren?" Tanong nya sa lalaki sa paglapit ng kanyang mukha.
Napakunot ng kilay ang lalaki sa tanong ni Nika kaya hindi niya mapigilang kwestyunin ang dalaga.
"Ha?" tanong ng lalaki kay Nika.
"Ikaw si Ren-Ren diba?" wala sa sariling tanong ni Nika dahil ang mukha ng kanyang kaibigan ang nakikita sa lalaking tumulong sakanya.
"Nagkakamali ka Mi--"
Hindi pa natapos ng lalaki ang kanyang sinasabi, nawalan na nang malay si Nika at bumagsak sakanyang bisig.
"Darren! Teka si Nika ba iyan? Diyos ko po! Anong nangyari?"
nag-aalalang tanong ni Sandy kay Darren habang sinisiyasat ang walang malay na si Nika na nasa bisig ni Darren.
Isang Araw, habang naglalakad si Nika sa paaralan nila patungong Library ay may narinig siyang umiiyak na babae sa isang abandonadong silid. Dahil likas na mabuti at matulungin si Nika ay pinuntahan niya ang silid kung nasaan ang babae. Napasinghal siya nang makita si Sandy na umiiyak sa isang sulok kaya pinuntahan niya ito.
"Sandy, bakit ka umiiyak?" tanong niya rito at inabutan ng panyo.
"Salamat Nika. Nag away kasi kami ni Darren dahil may tinatago siya." sagot niya kay Nika.
"A-anong ibig mong s-sabihin Sandy?" nauutal nyang tanong dahil unti-unti siyang pinanlalabutan ng tuhod.
"N-Nika, huwag kang mabibigla ah? K-kasi si Darren at Adrian ay may tinatago s-saatin. Niloloko nila tayo Nika." sabi nito kaya naman si Nika ay biglang napaupo dahil sa sinambit ng dalaga sakanya.
"H-hindi, hindi totoo iyan!" sigaw niya kay Sandy habang umiiyak.
Tumakbo palabas si Nika dahil hindi na niya kinaya pa ang natuklasan. Buong buhay niya ay umasa siya na susuklian ni Darren ang pagibig niya ngunit iba pala ang hanap nito.
Sa sobrang galit niya ay nagtungo siya sa opisina ng Photography Club. Dahil sa pagmamadali, nakabanggaan niya si Adrian na papasok sa opisina ni Darren at parehas na nahulog ang dala nilang mga camera.
"N-Nika? anong gina--"
Hindi pinatapos ni Nika si Adrian at sinampal niya ito nang ubod nang lakas. Dinampot niya ang isa sa camera na nahulog sa sahig at nagmadaling lumabas.
Nagtungo si Nika sa Rooftop ng kanilang paaralan upang sana roon ibuhos ang kanyang galit at hinanakit ngunit nabigla siya nang nandatnan niya roon si Darren na para bang may hinihintay.
"Iyan na ba ang camera na ipinadala ko kay Adrian sa opisina ko?" tanong niya sa dalaga ngunit sinamaan niya ito ng tingin.
"Ang kapal din ng mukha mo no Darren? Anong iyo ah? Akin to!"
sigaw niya rito.
"Akin yan Nika." tipid na sagot ni Darren sakanya.
"Sayo? Nasayo na nga ang puso ko, pati ba naman ang camera ko Darren aangkinin mo? Ang sakit-sakit alam mo ba iyon? Nasayo na ang lahat eh!" bulaslas niya kay Darren kung kaya't napatulala ito at pawang nanigas sakanyang kinatatayuan.
"Hindi ka masagot? Oo Darren, Mahal kita! Mahal na Mahal! kaso ano? may napala ba ako? ni minsan ba pinansin mo ako? ni minsan ba tinanong mo ako kung ok lang ba ako sa tuwing magkasama kayo ni Sandy? Hindi diba? kasi kahit kailan hindi ako nag-exist sa mundo m--"
Hindi Hinayaang matapos ni Darren ang mga linyang binibitawan ni Nika at marahan nya itong hinila at hinalikan. Hindi makagalaw si Nika sa kanyang kinatatayuan dahil sa sobrang gulat. Mulat ang mga mata ni Nika habang marahan siyang hinahalikan ni Darren. Sa bawat halik ng binata sa dalaga, ramdam ng dalaga ang pangungulila nito sa kanyang Mahal.
"Dan-Dan." bulong ng binata sa dalaga kaya't biglang naitulak ni Nika si Darren.
"Anong itinawag mo saakin?" naguguluhang tanong niya.
"Dan-Dan, Ako ang Best Friend mo, si Ren-Ren. Patawarin mo ako kung ngayon lang ako nagpakilala sayo dahil natatakot ako na baka manumbalik ang sakit mo at hindi mo na ako makilala." maluha-luhang sabi ni Darren kay Nika.
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ulit ng dalaga habang nangangatog ang kanyang mga tuhod.
"Buksan mo iyang camera na iyan." utos niya sa dalaga at sumunod naman ito.
Pagkabukas ni Nika sa camera, bigla siyang napahagulgol sa mga bumungad na mga larawan sakanya dahil pagbukas niya ng camera, ang larawan ng batang Dan-Dan at Ren-Ren ang unang lumitaw rito.
"Mula ng magbalik ako rito sa Pilipinas Dan-Dan kahit kailan hindi ko nakaligtaan na kuhanan ka ng larawan. Walang Okasyon sa buhay mo na hindi ko pinuntahan kahit na nasa malayo lang ako nakatago habang pinagmamasdan ka.”
Sa bawat lipat ng mga larawan niya ay mas lalo pa siyang napapahagulgol ng iyak dahil sa kanyang nakikita. Marami syang mga larawan at ang iba ay halatang patagong kuha lamang dahil puro stolen ang mga ito. Tama nga si Darren dahil sa lahat ng mga okasyon na dumaan sa buhay ni Nika ay may larawan ito sa kanyang camera.
"Araw-araw Dan-Dan pasimple akong kumuha ng mga larawan mo dahil hindi mabubuo ang araw ko na hindi nadadagdagan ang mga collection ko ng mga litrato mo. Kaya kung sinasabi mong hindi ka nag-eexist sa mundo ko? nagkakamali ka dahil ikaw ang mundo ko. Dan-Dan, saiyo nakasentro ang mundo ko.Kung nasasaktan ka sa tuwing magkasama kami ni Sandy, triple ang sakit saakin dahil nandyan na’t lahat ang Mahal ko sa harapan ko, hindi ko pa maabot dahil bawal." pagtatapat ni Darren kay Nika habang umiiyak na rin ito.
"Pero, bakit hindi ka agad nag pakilala saakin?" tanong ulit nito sa binata.
"Dahil natatakot ako na bumalik ang sakit mo. Nika, nagkaroon ka ng phobia sa nangyari saakin noon. Halos mamatay ka na rin dahil araw-araw kang binabalikan ng nakaraan. Isang araw, pumunta ang mama mo sa bahay naming umiiyak at nagmakawang kung maari ay huwag muna akong magpakilala sayo dahil sa sakit mo. Hindi mo ako masyadong naaalala dahil may gamot silang pinainom sayo noong bata ka upang makalimutan mo ang Aksidenteng iyon." paliwanang ni Darren kay Nika.
Ngayon naiintindihan na niya kung bakit laging iniiwasan ng kanyang Ina ang tungkol sa Best Friend nya dahil sa phobia niya sa aksidenteng iyon.
"Nagkaroon lang ako ng lakas ng loob nang tinawag mo akong Ren-Ren. Alam mo bang halos kumawala ang puso ko noong tinawag mo ako? Gusto kong sumigaw dahil sawakas naalala na ako ng mahal ko kaso natatakot ako dahil baka maling akala lang iyon." pagpapatuloy ni Darren.
"Si Sandy at Adrian, paano sila Ren-Ren?" di maiwasang tanong nito sa binata dahil nag-aalala sya sa kung ano ang magiging damdamin nang dalawa.
Nginitian lang ni Darren si Nika at pinagpatuloy ang pagkukwento.
"Huwag mo silang alalahanin Dan-Dan dahil naiintindihan nila tayo."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Si Sandy ay kapatid ko Dan-Dan dahil noong bata siya ay basta nalang siya iniwan ng kanyang mga magulang sa harapan ng bahay namin. Dahil sa awa ng aking mga magulang, inampon siya. Si Adrian naman ay pinsan ko at humingi ako ng pabor sakanya na alagaan ka muna habang hindi mo pa naalala ang lahat."
"Teka, sabi ni Sandy niloloko nyo raw kami." nakasimangot na tanong nya sa binata.
"Sinabi lang iyon ni Sandy dahil iyon ang iniutos ko sakanya. Gusto ko kasi sugurin mo ako at sumbatan upang makapiling kita kahit sandali man lang. kahit galit ka atleast kasama naman kita kaya ayos na saakin iyon kahit masakit." saad niya sa dalaga kung kaya’t biglang nanlambot ang kanyang puso dahil sa mga hindi niya inaasahang magagagawa ni Darren sakanya makapiling lang siya.
Dahil sa nalaman niya, hindi mapagilan ni Nika na dambahin ng yakap si Darren dahil miss na miss na niya ang matagal na niyang nawawalang kaibigan at di kalaunan ay siyang matagal na niyang minamahal.
"Ehem, ehem."
Napatingin si Nika sa tumikhim sa likod nila ni Darren at doon nakita nila sina Sandy at Adrian na nakangiti habang may hawak na tarpaulin,bulaklak at mga lobong hugis puso.
“Will you be My Life, My Forever and My Eternity Dannika Perey?”
Hindi mapigilang maluha ni Nika dahil ang lalaking matagal na niyang pinapangarap ay nasa harap na niya at tinatanong kung maari nya ba itong maging kasintahan.
"I Do." sigaw ni Nika kung kaya't nagtawanan ang mga tao sa paligid nila.
"Sawakas! Akin na ang pinakamamahal ko!" proud na sigaw ni Darren dahil sa kasiyahang kanyang nararamdaman buhat ng pagsagot sakanya ng kanyang Mahal.
“Dan-Dan, tanggapin mo ang sing-sing na ito bilang simbulo ng aking pagmamahal at pangakong papakasalan ka paglipas ng apat na taon at ikaw lang ang nag-iisang mamahalin ko sa hirap at ginhawa.” wika ni Danrren kay Nika at pinasuot niya ang sing-sing na simbulo ng walang hanggang pagmamahalan.
"Wooh! Bro! ideretso na yan sa simbahan! Huwag ka nang maghintay nang apat na taon baka hindi ko pa mapigilan ang sarili kong agawin saiyo si Nika." panunudyo ni Adrian sa dalawa kaya hindi nila mapigilang mamula at titigan ang binata ng masama dahil sa tinuran.
“Hindi ko hahayaan pang mawala ang si Dannika sa buhay ko kaht ikaw pa pinsan ang makakalaban ko!” sagot ng binate sa pinsan kaya muling nagtawanan ang mga Estudyanteng nakikisawsaw sa eksena.
“Biro lang Pinsan. Mabuhay ang bagong kasal! Este bagong magkasintahan!” sigaw muli ni Adrian kaya nagpalakpakan ang lahat at pinagmasdan ang panibagong larawan nang pagiibigan na magpapatunay na may Forever nga pagdating sa pagmamahalan.