"How can something so wrong feels so right all along. Catch me, I'm falling for you."
-
Alex POV
Nandito na ko ngayon sa tapat ng bahay nina Frances. 9:40 palang, napaaga ata ako. Masyado kasi akong excited. Syempre first date namin. Pero mejo kinakabahan din ako baka kasi di niya magustuhan supresa ko.
Bumaba muna ko at naghintay sa labas. Naka simpleng floral dress lang ako at flats. Naka pony ang mahaba kong buhok na kinulot ko kanina. Minimal make up lang din ang ginawa ko. Haha syempre kelangan magayos para naman magandahan sakin si Frances. Edi maiinlove siya.
"Hey you there." Napatingin naman ako. Isang lalake ang lumabas sa bahay nina Frances. Okay sino kaya to? Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yes?"
"Are you Alex?"
"Yes. Sino ka?" Pagtataray ko. At tinawanan naman ako ng loko.
"I'm Sam's brother. Call me Max nalang." Napakunot ulo ko.
"Sino si Sam?"
"Oh second name ni Frances."
"Ah... Wait kuya ka niya?!" Napalunok naman ako. Tinarayan ko pa ang kuya ni Frances.. Este Sam.
"Yap. Come inside dun mo na siya hintayin." Sabi niya at sinundan ko na siya papunta sa loob. Namumula naman ako at nahihiya.
Frances POV
Kakatapos ko lang magayos at tinignan ko ang oras. Saktong 10:00 na pero hindi parin nacontact si Alex. Kaninang umaga naman ay nagkatext kami at tumawag pa siya sakin. Ano na kaya nangyare dun.
Bumaba muna ako. At laking pag kagulat ko nandun na siya at kausap ni kuya. Kanina pa ba siya dito? At bakit sila naguusap?
Tumama ang tingin niya sakin at napalunok ako. Ngayon ko lang napansin na mas lalo siya gumanda ngayon dahil naka ayos siya.
"Nandyan ka na pala. O pano ba yan Alex. Yung pinag usapan natin ah."
"Opo." sabi ni Alex ng namumula. Ano nanaman kaya sinabi ni kuya dito. Si kuya pa naman iba magbanta.
"Osige umalis na kayo at muhkang ready na ready naman na yung isa diyan." sabi niya at kinindatan ako.
"Ikaw talaga kuya. Aalis na kami para naman di mo na matakot si Alex."
"Diko naman siya tinatakot." sabi ni Kuya. Aba kilalang kilala ko na siya. Alam ko tinakot niya to kahit kasi mga kaibigan ko babae man o lalake tinakot na ni kuya.
"Sus." Sabay irap ko nalang. "Tara na Alex. Hayaan natin na diyan si Kuya. Bitter lang yan kasi wala siyang kadate."
"Hahaha. Sige, Kuya Max. Alis na po kami." sabi Alex. At lumabas na kami ng bahay.
"Sige ingat kayo ah! 9 pm ang curfew mo! Hahahaha!" Sigaw ni kuya at pumasok na ulet siya sa bahay.
"Tss. May curfew pang nalalaman. Sina mom nga di ako binibigyan ng curfew." bulong ko.
Tumawa lang si Alex. Muhkang narinig niya yata ako. Napangiti naman ako. First date namin to. Nakilala na niya agad ang baliw kong kuya.
"Uy. Alex. Ano pinagusapan niyo ni kuya?"
"Secret." sabay ngiti sakin. Aba secret pa talaga ah.
"Secret ka pa diyan. Tinakot ka no."
"Hmm, di naman ako natakot." Tumingin siya sakin ng saglit at tumingin ulet sa kalsada. Ngumiti siya bigla. At nung oras na yun. Tumibok ang puso ko ng sobra. Para ata akong nabibingi sa tunog nito.
"You look beautiful today Samantha."
BINABASA MO ANG
Benevotta's Girl
ChickLit"Wala akong pakielam sa opinyon ng iba, dahil kahit anong mangyare hinding hindi kita papakawalan. Don't leave me alone Samantha. Diko alam kung kaya ko pa ulet magisa. Diko alam kung kakayanin ko na wala ka."