Chap. 8
Grrr ! Nakakainis! Bakit ba nya ko sinigawan kanina? Samantalang hindi naman nya alam mga nangyari! Urghh! hindi ako makapag move-on!
Tapos..
tapos..
Waaaaaah hinalikan nya pa ko!
Ayy mali, ako pala namghalik >/////<
Waaaaaaah!! Kainis talaga!! Lalo lang sumasakit ulo ko ngayon!!!
Kinuha ko yung isang stuffed toy ko na winnie the pooh at binato dahil sa sobrang inis ko. Pero mabilis ko din kinuha uli.
"Sorry pooh! pati ikaw nadamay sa inis ko." kinuha ko si pooh sa sahig at bumalik sa pagkakahiga sa kama.
Ayoko pa sana umuwi dahil may mga klase pako, pero sobrang naasar talaga ko sa Pangit na KJ na yun kaya umalis na ko ng clinic at dumiretso dito sa bahay. Iniwan ko silang tatlo dun na tulala pa rin.
Urgh! Naalala ko na naman!
*tok tok tok*
"WALA PO AKO DITO SA LOOB!"
Narinig kong tumawa yung tao sa labas.
O.o?
"It's me.. open the door chantal."
What is he doing here?!
Tumayo ako at binuksan yung pinto.
"Kuya.." i kissed him on his cheek. "Ginagawa mo dito? dapat nasa school ka ah.. may klase ka pa di ba?" usisa ko sa kanya.
"I heard what happened."
Ha?! Ang bilis naman ata?! Alam nya agad nangyari??
"Pano--"
"Ok na ba ulo mo?" nag-aalalang tanong ni kuya.
Tumango ako. "Yup, ulo pa rin siya." pilospong sagot ko.
"Adik ka talaga!"
Inalalayan nya ko pa-upo sa kama at pinatong sa study table ko yung dala nyang isang basong tubig at medicine kit.
"Tsk.. here, drink this.." inabot nya sakit yung gamot para sa sakit ng ulo ko at yung tubig.
Pagkatapos kong inumin yung gamot, binalik ko sa kanya yung baso ng tubig na hindi ko nakalahati.
"Thanks kuya.." nakangiting sabi ko sa kanya.
Kahit naman madalas kaming mag-asaran nitong si kuya, love pa rin namin ang isa't isa. Lagi syang dumarating kapag kinakailangan ko. Dati nga kapag may mga nang-aaway sakin nung mga bata pa kami pinapatulan nya kahit babae. Hindi naman nya sinasapak, sinasabunutan lang, joke! Kinakausap nya lang. (^^=)7
"Hmm, bakit ka nandito kuya? Um-absent ka na naman? Dami mo ng absent eh!"
"Ok lang yun.. ang importante mapainom kita ng gamot dahil panigurado hindi ka na naman iinom."
Tama. Ayoko kasi ng gamot! Pangit ng lasa! Ang pait! Kaya lang, ayoko naman magalit tong si kuya kaya umiinum ako paminsan minsan kapag hindi na talaga kaya yung sakit. Mas nagagalit pa kasi sya kesa kina mama at papa kapag nagkakasakit ako =___=
"Sige na magpahinga ka na muna.. humiga ka lang d'yan ok?"
"Kuya ayan ka na naman.. ginagawa mo kong bata!" >3<
He raised a brow. Psh parang girl lang.
"Bata ka pa naman ah!"
"Naaaaaah! Im not! 18 na ko noh!" nagdadabog na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Belong to You ( ON HOLD )
Romance[ TAGALOG ] They are not enemies.. neither friends.. What if one day SHE fall for him? Would HE let himself fall with her?.. or just continue treating her like a.. YOUNGER SISTER?