Waaah gusto cu ng ganun oh -->
>3<
***
Chap. 13
♥KJ's pov
"Goodmorning kapatid!"
"Wow, ang saya mo yata ngayon kuya? Yan ba ang nagagawa ng taong in love? kamusta date nyo kahapon ni shart chantal ha?" sunud-sunod habang tumataas-taas pa ang kilay na tanong ni chloe. Naabutan ko ito sa sala habang nakikipag laro sa alaga nitong aso, si pinky.
Kinuha ko si pinky at ako naman ang nakipag laro sa aso. Itinataas taas ko ang kamay ko at iniikot ikot na ginaya naman ni pinky. Tumayo din ito at umiikot ikot.
I still don't know why chloe named the dog "pinky" , samantalang brown at puti naman ang balahibo ng aso! -___-
"Hoy kuya! Pinag tripan mo naman aso ko! Tinatanong kita kung kamusta date n'yo ni shart kagabi!" kinuha nito si pinky at hinayaang tumakbo takbo sa labas.
"Okay naman,"
"Ano ba naman yan! Magkwento ka kuya, bilis!"
Psh -.-
Ano namang iku-kwento ko? Kung gaano kalambot mga labi ni chantal? Kung gaano kasarap ang mga iyon? At kung gaano ako hindi pinatulog ng halik na iyon kagabi?
I can't get enough of her lips. It feels that, i can stay like that forever.. just kissing her.
"Suuuus kuya, mag daydreaming daw ba?" iiling iling na sabi ni chloe ng malingunan ko. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako.
Chantal..
"Uhm.. hi?"
Halos mabali yung leeg ko sa ginawa kong paglingon sa bagong dating. Si Chantal. Nakatayo ito sa may pinto habang hawak hawak ang may kalakihang tupperware.
"What are you doing here?" nilapitan ko ito at kinuha yung dala nitong tupperware habang inalalayan ko s'ya pa-upo. Tinawag ko na din isang kasambahay namin para ayusin sa kusina mga dala ni chantal.
"Hello shart! Gooood morning.. ang sweet mo talaga, dinalhan mo pa 'ko ng breakfast! i love you na talaga!"
"Asa ka naman chloe, sa'kin yun!" pang-aasar ko sa kapatid ko na agad ikinahaba ng nguso nito. Pikon din talaga. Mana lang sa'kin -.-
"Actually, para talaga yun sa inyong dalawa.. don't worry sinobrahan ko talaga yun para hindi kayo kulangin." nakangiting sabi ni chantal. Bahagya pang namumula ang pisngi.
She's really beautiful. Palangiti kasi. Kahit hindi masyadong pala ayos, maganda pa rin talaga ito. Kuntento na sa face powder at lip gloss lang.
"Bakit ang aga mo namang pumarito?" tanong ko sa kanya. 8 o' clock pa lang kasi.
"Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi.." namumulang sabi nito at hindi makatingin ng diretso sa'kin. Mukhang pareho kami ng dahilan kung bakit hindi masyadong nakatulog ah. "..ang aga ko din nagising kaya naisipan ko na ipagluto na lang kayo ng breakfast. Wala din kasi akong kasama sa bahay, maaga silang umalis, sila mama, papa at kuya."
"Ha?! Bakit?? Ano'ng nangyari??" bakit hindi ko ata alam na aalis sila ngayon? bakit walang sinabi si liam?
O.o itsura nilang dalawa.
"Oa much, kuya?"
Hindi ko na lang pinansin si chloe. "Ok lang ba sa inyo? Wala bang problema?"
Nagtatakang sumagot naman ito. "O-oo, ok naman.. bakit? May importanteng lalakarin lang daw sila papa.. tungkol daw sa business, nagka problema daw kasi sa isang branch ng textile sa Davao kaya kailangan nilang puntahan.. next week daw balik nila."
BINABASA MO ANG
Belong to You ( ON HOLD )
Romansa[ TAGALOG ] They are not enemies.. neither friends.. What if one day SHE fall for him? Would HE let himself fall with her?.. or just continue treating her like a.. YOUNGER SISTER?