Prologue

1.4K 34 4
                                    

"N-nagawa mo na ba?" Nangangambang tanong ng isang lalaki.

Kabado niyang nilingon ang paligid at itinago ang nanginginig na mga kamay sa bulsa.

"Wala na," Seryosong sagot ng kasama niya, katulad niya ay tinitigan ang buong kapaligiran sabay sinabing, "It's finally over."

Natahimik sila, napatulala sa lawa na nasa harapan nila kasabay ng unti-unting paglaho ng bagay na iyon.

Ang bagay na sumira sa kinabukasan nila.

"Sa wakas," Hindi makapaniwalang saad nito kasabay ng pagtitig sa papalayong bagay na iyon. "Malaya na tayo."

Katulad ng isang papel, mabilis iyong naglaho sa tubig. Dumaan sa iba-ibang parte ng lawa hanggang sa makarating ito sa kaniyang bagong magmamay-ari.

"Wow," Manghang sabi ng bata.

Nagninigning ang mga mata niyang pinulot ang lumulutang na 'tila remote control mula sa lawang nasa likod ng bahay nila kasabay ng pagtitig niya dito.

"Ang ganda," Kumikislap ang mga matang sabi niya't patuloy na tinitigan ito. "May laruan na 'din ako sa wakas! Pero teka, paano ba 'to gamitin?"

Nagsimulang mag-eksperimento ang bata. Ilang beses niyang winagyway, tinapon-tapon at inikot-ikot ang remote control na iyon upang gumana pero kahit anong gawin niya, hindi niya alam 'kung paano ito dapat laruin.

"Ano ba 'yan," Inis na sabi niya, napakamot sa ulo niya't hindi sinasadyang napindot ang isa sa mga buttons ng laruan na iyon. "Ang hirap naman nitong laruin, itapon ko na nga lang--"

Pero napatulala't napatigil na lamang siya sa kinatatayuan niya nang isang liwanag ang biglang lumitaw sa harapan niya't unti-unti siyang..

Dinala sa ibang mundo.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon