2nd

427 9 0
                                    

The Stars
Autumn

"Wow, ikaw si Life Time?" Parang batang sabi ni Asher at inilagay ang kamay niya sa babang 'tila nag-iisip. "Kung ganun, kaano-ano mo si FaceTime--Aray! Autumn naman, bakit ba ang hilig mo akong saktan?"

"Manahimik ka na please lang," Inis 'kong saway kay Asher sabay hinarap si Nite. "A-anong dapat naming gawin?"

"Bring the Life Timer back to me," Sabi niya't seryoso kaming hinarap. "That's what you need to do."

"Anong mangyayari 'kung hindi namin naibalik 'yun sayo?" Kunot-noong sabi ni Asher habang minamasahe ang kawawang ulo niya.

"Maaari itong magamit sa maling paraan and worst, it may destroy the world 'kung mapunta ito sa kamay ni Cedric, ang Death Guardian."

"Death Guardian?" Gulat na sabi ni Asher at nanlaki ang mga mata. "Ano 'yun, kabaliktaran ng Guardian Angel?"

"Sort of." Sagot sa kaniya ni Nite.

"Woah dude," Napapamasahe sa noong sabi ni Asher at 'tila hindi kinakaya ang lahat. "Too much information. Akala ko wala nang ibang mas hihirap pa sa Math, damn. Meron pala."

Napaface-palm na lamang ako sa inakto niya't muling nilingon si Nite.

"Can you please, enlighten us? H-hindi namin maintindihan ang lahat."

"No problem," Nakangiting sagot niya't napanganga na lamang kami nang biglang may lumitaw na 'tila ilaw nang pinitik niya ang mga daliri niya. "Come with me."

Napalunok ako, naguguluhang nilingon si Asher at kahit hindi sigurado ay sumunod sa kaniyang pumasok sa loob ng liwanag na iyon.

"Woah!" Malakas na sigaw namin ni Asher nang 'tila hilahin kami ng liwanag na iyon at idinala sa isang malaking bahay.

"We're here." Nakangiting sabi ni Nite sabay nilingon kami ni Asher. "Pasok kayo."

"Shit, buhay pa ba ako?" Exaggerated na tanong ni Asher sabay kinapa-kapa ang katawan niya. "Damn, ikakamamatay ko 'yun--Aray!"

Nagulat na lamang siya't muling napamasahe sa ulo niya nang batukan ko siya.

"Ayan, patunay na buhay ka pa, sa kinasamaang palad."

"Grabe, bakit ang sakit mong magsalita?" Nakangusong sabi niya. "Ganiyan mo ba ako kamahal?"

Napa-roll eyes na lamang ako sa kabaliwan niya't sumunod kay Nite papasok sa loob.

"Woah, bahay ba 'to o palasyo?" Manghang sabi ni Asher sa likod ko't napapanganga habang iniikot ang tingin sa buong lugar.

Napatitig ako sa buong lugar, katulad ni Asher ay namangha 'din nang makita ang mala-palasyong anyo nito hanggang sa huminto kami sa isang pinto.

"Bakit tayo huminto?" Kunot-noong sabi ni Asher kay Nite. "Anong meron diyan sa--MAMA! PAPA! TULUNGAN NIYO AKO!!"

Napasigaw na lamang din ako nang muli kaming hilahin ng liwanag na nanggaling sa pinto nang buksan ito ni Nite.

"This is my room," Nakangiting harap samin ni Nite. "Welcome."

"Damn, hindi mo naman sinabi samin. May libre pala kaming roller coaster ride sa pagsama sayo." Nakasimangot na sabi ni Asher habang minamasahe ang ulo niya.

"Masasanay din kayo." Nakangiting sabi samin ni Nite sabay dumiretso sa malaking screen na nasa gitnang bahagi ng kwarto niya.

Namangha ako nang makita ang buong paligid ng kwarto niya, 'tila nasa iba akong planeta lalo na't kitang-kita ko dito ang nagkalat na mga bituin sa kalangitan.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon