The Past
Autumn"May tatlong bibe akong nakita," Paghahasik ng lagim ng mga kaklase 'kong 'tila bagong labas lang sa Mental.
Sabay-sabay silang pumunta sa harapan at sumayaw na parang ewan.
"Mataba," Pagpapatuloy nila't itinuro ang kaklase 'kong medyo malusog sabay muling kumanta't sunod namang itinuro ang kaklase 'kong 'tila zombie sa payat. "Mapayat, mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, siya ang leader na nagsabi ng kwak kwak."
Utang na loob, mahinang bulong 'ko't napaface-palm na lamang habang nagbabasa ng libro. Seniors na ba talaga ang mga 'to?
"Kwak, kwak, kwak." Sabay-sabay na kanta nila't napatakip na lamang ako ng tainga sa sobrang ingay. "Siya ang leader na nagsabi ng kwak, kwak, kwak--Oh yeah! 1,2,3!"
Nagulat na lamang ako't nabitawan ang libro ko nang biglang nagpatugtog ng malakas ang abnormal na nasa likod ko't talagang dinamayan pa sa kalokohan ang mga baliw sa harapan.
"Wooh!" Malakas na hiyawan ng mga kaklase ko kasabay ng paggiling at pagkembot nina Asher sa harapan with the beat of trumpets. "Go, President!"
Inis na lamang akong napabuntong-hininga, tinapunan ng matalim na tingin si Asher, ang aming class at campus President na kesa gawin ng matino ang trabaho niya ay talagang sumali pa sa mga kalokohan nila.
Sarcastic na lamang akong napapalakpak at mahinang bumulong.
Ang galing talaga.
"Oy, Autumn!" Malakas na tawag niya sa akin. Pumunta siya sa harapan ko't pinilit akong sumali sa kalokohan nila. "Halika dito, magparty-party tayo!"
"Wag ako, Asher." Nagtitimping sabi ko't binawi ang kamay ko sa kaniya. "Wag niyo akong idamay diyan sa kalokohan niyo."
"Kaya walang 'kang boyfriend eh."
Napanganga ako, biglang nabitawan ang hawak-hawak 'kong ballpen nang marinig ang sinabi niya kasabay ng pagngisi niya.
"Masyado 'kang KJ, you should at least have fun--"
"I don't care!" Inis na sabi ko, padabog na pinulot ang nahulog na ballpen at libro ko't matalim siyang tinignan. "Ano naman ngayon 'kung wala akong boyfriend? Makakain ko ba 'yun--"
"Yes, you can Autumn." Parang pangasar na tutang sabi niya't binulungan ako. "Makakain mo 'yung hotdog--"
"What the hell?" Inis na sabi ko't tinulak siyang palayo. "Lubayan mo nga ako, Asher Clark Grey!"
Malakas na lamang na napatawa si Asher dahil sa sinabi ko, ginulo ang buhok ko't sinabing, "You and your dirty little mind Autumn Brielle Arabella, that's not what I meant."
Napanganga ako, gulat na napalingon sa kaniya kasabay ng pagngisi niya.
"Makakain mo 'yung hotdog na iluluto niya para sayo, I know that's your favorite and your boyfriend would probably cook your favorite food for you. What's wrong with that?"
Namumula ang mukhang napanganga ako, inis na tinalikuran siya't padabog na lamang na umupo sa upuan ko kasabay ng malakas niyang pagtawa.
"Now I know why you're so good in Biology," Dagdag pa niya't muli akong inasar. "You're mind is indeed nature-loving, Vice Pres."
I hate him, paulit-ulit na sabi ko't ilang beses siyang minumurder sa utak ko. I really hate you, Asher Clark Grey!
"I love you too," Nakangising sabi niya't muling umupo sa likod ko kasabay ng pagrealize 'kong nasabi ko ng malakas ang nasa utak ko. "You don't need to say it out loud."
BINABASA MO ANG
11:11
FantasyIf it's meant to be, it will happen. A short story that will blow your mind.