Queen
Autumn"Wag!" Patuloy na pagmamakaawa ni Papa, itinaas ang dalawang kamay niya't lumuluhang sinabing, "Wag 'mong gawin 'yan! Maawa ka, may pamilya ako."
"Sana naisip mo 'yan bago mo 'yun ginawa!" Nanggigigil na sabi ng lalaki, itinutok muli ang baril kay Papa sabay sinabing, "Hindi mo lang binaboy ang kapatid ko, ginawa mo pa siyang kabit!"
"Patawad, patawarin mo ako.." Nanghihinang sabi ni Papa't unti-unting napapaluhod. "Hindi ko iyon sinasadya--"
"Hindi sinasadya?" Nakangising sagot sa kaniya ng lalaki sabay sarkastikong tumawa. "Hindi mo sinasadyang sirain ang buhay ng kapatid ko, ganun?"
"Patawarin mo ako, please. Maawa ka--"
Napanganga't unti-unti na lamang bumagsak sa lupa si Papa nang tuluyan na siyang barilin ng lalaki kasabay ng pagkalat ng kaniyang dugo sa paligid.
"Ayan ang dapat sayo!" Mala-demonyong tawa ng lalaki sabay itinago ang kaniyang baril sa bulsa. "Dapat ka nang mawala sa mundong ito!"
"Papa!" Agad akong napabangon, mabilis ang hininga't ramdam na ramdam ang nagwawalang tibok ng puso ko.
Ano 'yun? Nanghihinang tanong ko't mariin na napapikit ng mga mata. S-si Papa, ang papa ko..
"Autumn!" Malakas na pagbukas ng pinto, agad akong nilapitan ni Asher sabay niyakap ako ng mahigpit. "Ok ka lang ba? Anong nangyari?"
Nanghihina na lamang akong napayakap sa kaniya, iniyak ang lahat ng ikinatatakot ko kasabay ng paghaplos niya sa buhok ko't paulit-ulit na sinasabing, "Shh, everything's fine. I'm here, ok? Stop crying."
Mariin na lamang akong napapikit ng mga mata't sinabing, thank you Asher. Thank you for being here with me.
Tatlong araw na lang at magpapakita na ang New Moon pero hanggang ngayon, wala pa 'din kaming nakuhang impormasyon tungkol sa kapatid ko at kay Cedric.
Napatigil ako, bigla ay naalala ang mga salitang binitiwan ni Cedric, ang lalaking nakaitim.
"Choose wisely the people you'll trust, Autumn." Seryosong aniya kasabay ng pagkatulala ko nang marinig siyang banggitin ang pangalan ko. "You might get yourself into trouble."
"Autumn," Marahang tawag sa'kin ni Asher, dahilan para mapabalik ako sa realidad kasabay ng pag-abot niya sa'kin ng pagkain. "Kumain ka na, stop over thinking."
Napalunok ako, tinanggap ang inaalok niyang pagkain sabay marahang sumubo dito.
Kasalukuyan kaming nagsti-stay sa bahay ni Nite magmula nang makarating kami sa Hinaharap.
Pansamantala kaming nagtatago rito't maingat na gumagawa ng plano para mabawi mula kay Cedric ang Life Timer pati ang kapatid ko.
"Ang sabi niya, hindi pa siya tapos maglaro," Seryosong sabi ni Nite, diretso kaming tinitigan sa mga mata ni Asher sabay bumuntong-hininga. "If I'm not mistaken, he's giving us clues."
"Clues?" Kunot-noong tanong ko. "W-what clues?"
"Clearly, he's using your sister Autumn." Seryosong aniya. "Ginagamit niya si Abby para mapalapit tayo sa kaniya."
"Bakit niya naman gagawin 'yun?" Tanong ni Asher sabay bumuntong-hininga. "Anong gusto niyang mangyari?"
"He want us to know who's the upper hand here, Asher." Buntong-hininga ni Nite sabay seryoso kaming hinarap ni Asher. "At ngayong nasa kamay niya ang Life Timer, gagamitin niya ito para sirain ang mundo. He will destroy everything."
Napanganga ako matapos marinig ang sinabi niya, pakiramdam ko ay unti-unti akong nanghina't hindi magawang makapagsalita.
He'll destroy the world.. Mawawala ang lahat dahil lamang sa simpleng paggamit niya sa Life Timer.
"W-what should we do?" Nanginginig ang labing sambit ko't unti-unting namuo ang luha sa mata. "What can we do to stop him?"
"The best thing we can do for now is to search for Abby, her safety is our first priority."
"Paano ang Life Timer?" Agad na tanong ni Asher kay Nite. "Paano natin iyon makukuha sa kaniya?"
"I don't know, Asher." Buntong-hininga ni Nite sabay malungkot kaming nginitian. "What we're risking here is life and death, Asher. Ayaw ko kayong mapahamak."
Natahimik kami dahil sa sinabi niya, 'tila nanghina't hindi alam ang gagawin.
How can a simple remote make everything so, complicated?
"You said he's giving us clues," Sabi ko't seryoso siyang tinignan. "What do you mean by that?"
Natahimik si Nite dahil sa sinabi ko, 'tila hindi inaasahan iyong tanong ko kasabay ng pag-iwas niya ng tingin.
"He's using Abby to get something from us, Autumn." Aniya't diretso akong tinitigan sa mga mata. "And from what I can see, I think the one he wants to get from us is you, Autumn."
Napanganga ako, 'tila hindi makapaniwala sa mga salitang sinabi niya kasabay ng pagbuntong-hininga niya't gamit ang nanginginig na labi ay sinabing..
"He wants you to be his Queen."
BINABASA MO ANG
11:11
FantasyIf it's meant to be, it will happen. A short story that will blow your mind.