Dream
Autumn"He wants you to be his Queen," Nanginginig ang labing sambit ni Nite sabay diretso akong tinitigan sa mga mata. "He wants to be with you, Autumn."
Agad akong napadilat ng mga mata, 'tila hindi magawang makatulog sapagkat patuloy at walang tigil na bumabalik sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Nite.
Bakit ako? Nanghihinang tanong ko't napayakap na lamang sa sarili ko gamit ang kumot. Bakit ako pa ang napili niya?
Sa bilyon-bilyong mga taong namumuhay sa mundong ito, bakit ako pa ang napili niyang maging reyna niya? Anong nakita niya sa akin?
And besides, napabuntong-hininga ako't napasandal ng ulo sa unan. I already have my King, I don't need another one.
Mariin na lamang akong napapikit ng mga mata nang muling magbalik sa'king alala ang reaksyon ni Asher matapos marinig ang sinabi ni Nite.
"What?" Nanggigigil na sabi niya, agad napatayo mula sa kinauupuan niya't sinabing, "Bakit si Autumn? Anong kailangan niya kay Autumn?"
"Asher, calm down." Pagpapakalma sa kaniya ni Nite at pilit siyang pinapaupo. "Please, calm down--"
"Calm down?" Namumula sa sobrang galit na aniya sabay sarkastikong tumawa. "Sabihin mo sa'kin, paano ako kakalma 'kung ang babaeng mahal ko ay balak gawing reyna ng demonyo na 'yun?"
Napabuntong-hininga ako, napagdesisyunang bumangon na mula sa kama't lumabas na lamang upang makapag-pahangin.
Napahinto't napatulala na lamang ako sa kinatatayuan ko nang makita si Asher na katulad ko ay 'tila hindi makatulog ng maayos kasabay ng pag-lingon niya sa akin.
"Autumn," Gulat na aniya't marahan akong nginitian. "Gising ka na pala."
Unti-unti akong humakbang palapit sa kaniya't umupo sa tabi niya. "Bakit nandito ka? Can't sleep?"
"Hmm, yeah sort of." Aniya sabay hinarap ang kalangitan. "I'm waiting for the sunrise, Autumn. Gusto mo 'bang sumama sa akin?"
Napatigil ako, hinarap ang nakatitig sa'king mga mata niya't marahang ngumiti. "Of course, Asher. Sasama ako sayo."
Napangiti si Asher dahil sa sinabi ko, marahang nilahad ang kaniyang kamay na siyang tinanggap ko naman kasabay ng paglakad namin papalapit sa lake.
"Ang ganda," Manghang sabi ko't napabuntong-hininga nang sa wakas ay nagpakita na ang sunrise. "So breathtaking."
"Yup," Sagot ni Asher na siyang paglingon sa akin kasabay ng pagkatulala ko sa titig na titig niya sa'king mga mata. "It's so beautiful."
Tago akong napangiti, muling nilingon ang kalangitan at sinabing, stop doing that Asher. You're making me crazy.
"Papa!"
Napatigil kami, agad napalingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon at napanganga na lamang nang makakita ng isang batang umiiyak habang yakap-yakap ang kaniyang papa na walang buhay sa gitna ng kalsada.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng kaniyang papa't habang yakap-yakap ito ay sinabing, "Wake up, papa. I love you so much. Sorry sa lahat ng mga kasalanang ginawa ko."
Napatulala ako, 'tila hindi makagalaw sa kinatatayuan ko kasabay ng pag-lapit ng mga tao sa batang umiiyak.
"That was so painful," Buntong-hininga ni Asher sabay mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "If only I can do something."
Natahimik ako, 'tila hindi makasagot sa sinabi niya kasabay ng paglandas ng luha sa mga mata ko.
I envy that kid, bulong ko't mapait na ngumiti. Nagawa niyang sabihin ang lahat ng kaniyang saloobin sa kaniyang papa samantalang ako.. hindi.
Napabuntong-hininga ako kasabay ng pagdala sa Ambulance ng kaniyang Papa.
Hindi ko man lang nasabi 'kung gaano ko siya kamahal.
All my life, puro galit ang naramdaman ko sa Papa ko. Mas lumala pa iyon nang mambabae siya't iwan kami ni Mama.
I'm so sorry Papa, sabi ko't pinahid ang mga luha ko. I love you so much,
"Life is like a coin." Sabi ni Asher sabay malungkot akong nginitian. "You can spend it any way you want but you can only spend it once." Aniya't pinunasan ang mga natirang luha ko sa pisngi. "So you better spend it wisely."
Malungkot ko siyang nginitian, hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko't mahinang bumulong.
Life is so short to be wasted, live it with peace and not hatred.
"Ok ka na ba?" Tanong sa'kin ni Asher sabay inabutan ako ng Ice Cream na basta niya lang kinuha mula sa 'kung saan. "Malungkot ka pa 'din ba?"
"No," Sabi ko't nginitian siya. "Not anymore." Cause you're here with me.
"That's good," Aniya sabay umupo sa tabi ko pero muli 'ding tumayo nang may naalala. "Oh damn, yung hotdog nakalimutan ko! Wait lang Autumn, I'll be back." Sabi niya't agad na tumakbo.
Napailing na lamang ako, sinimulan nang kainin ang ice cream nang biglang may nakahagip sa paningin ko.
Aww, mahinang bulong ko habang nakatingin sa dalawang matandang mag-asawa na nakaupo sa ilalim ng puno't pinapanood ang kanilang mga apo. That's so sweet.
Tahimik na lamang akong napangiti habang nakatitig sa kanila, 'tila nakaramdam ng kakaibang init sa puso ko't pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng hinanakit ko habang nakatitig sa kanila.
They're so peaceful.
"Autumn," Napatigil ako nang marinig ang boses na iyon, napalingon sa likod ko't muling nakita ang taong ayaw ko nang muling makita.
Seryoso niya akong tinitigan sabay sinabing, "Stop doing this, you will only hurt yourself more."
"Ano ba, Cedric." Agad na alma ko't bigla ay naguluhan nang makita ang mga mata niyang 'tila nakikiusap sa'king makinig sa kaniya. "Ikaw ang dapat tumigil dito, Cedric. Ibalik mo na ang kapatid ko!"
"I'm sorry but I can't," Sabi niya't bumuntong-hininga. "Not until you wake up from reality."
Napatulala ako, 'tila naguguluhan at hindi makasagot sa kaniya kasabay ng paglapit niya sa'kin at habang diretsong nakatitig sa akin ay malungkot niya akong nginitian at niyakap.
"Come back to me, Autumn." Sabi niya't mas hinigpitan ang yakap sa akin. "My Queen."
Napatigil ako, bigla ay naestatwa sa kinatatayuan ko kasabay ng biglang pagkalaho niya nang sa wakas ay nakabalik na 'din si Asher.
"Autumn," Marahang pagtapik niya sa'kin kasabay ng unti-unting pagdilat ng mga mata ko.
Marahan niya akong nginitian sabay sinabing, "Sorry natagalan ako, ayan nakatulog ka tuloy dito."
Kunot-noo akong napalingon sa paligid ko, naguguluhang nilingon ang buong kapaligiran kasabay ng mahina 'kong pagbulong, All of that was just.. a dream?
"Halika na't kumain," Pag-abot sa'kin ni Asher ng Hotdog sabay nilingon ang ice cream 'kong tunaw na pala. "Hindi mo na nakain ang ice cream mo."
Napalunok ako, nilingon din ang ice cream ko't muling nakita ang dalawang matandang nasa ilalim ng puno pero hindi ko na siya nakita.
"I'm sorry," Sabi ko na lamang sabay marahang ngumiti. "Let's eat."
BINABASA MO ANG
11:11
FantasyIf it's meant to be, it will happen. A short story that will blow your mind.