6th

226 4 5
                                    

The Future
Autumn

"I'm gonna swing from the chandelier!" Malakas na kanta ni Asher, nagpatuloy sa pagsi-swing sa mga vine ng puno't 'tila nag-anyo nanamang si Tarzan. "From the chandelier--Aray!"

Napaface-palm na lamang ako't halos mapabuntong-hininga nang biglang tumama ang ulo niya sa puno. Ayan, ang galing-galing kasi.

"Boom," Sabi ng katabi 'kong si Nite sabay sumipol nang tuluyang nahulog mula sa vine si Asher at saktong bumagsak sa putik ang mukha niya. "One point!"

"Hay," Napapailing na buntong-hininga ko't hindi alam 'kung matatawa ba o maaawa sa nakasimangot na mukha ni Asher na
punong-puno ng putik. "Keep up the good work, Ash!"

"Tsk," Nakasimangot na lapit niya sa amin sabay ipinunas ang kamay niya sa kaniyang mukha. "Kesa tulungan, pinagtatawanan niyo pa talaga ako 'no?"

"Ganiyan ka namin ka-mahal, dude." Tumatawang sabi ni Nite sabay inakbayan siya. "Tignan mo, pinalakpakan ka pa namin kahit nahulog ka na mula sa puno. Ganiyan kami ka-supportive sayo."

"Ramdam ko nga, salamat ah." Sarcastic na sabi ni Asher sabay nakangiting nilingon ako. "At least kahit nahulog ako, napangiti ko na si Autumn."

Napatigil ako, 'tila hindi magawang makasagot sa sinabi niya kasabay ng pag-gulo niya sa buhok ko.

"You've been too preoccupied this past days, Autumn." Aniya't nginitian ako. "It was nice to see you smile again."

Napalunok ako, naramdamang muli ang mabilis na tibok ng puso ko kasabay ng pagbalik sa alaala ko ng mga salitang narinig ko.

"Choose wisely the people you'll trust, Autumn." Seryosong aniya kasabay ng pagkatulala ko nang marinig siyang banggitin ang pangalan ko. "You might get yourself into trouble."

"Ouch," Ngiwi ko nang biglang naramdaman ang init sa kamay ko, nilingon ito't napabuntong-hininga nang nakitang napaso ito. "Nice one, Autumn."

"Autumn," Concern na tawag sa'kin ni Asher sabay hinawakan ang daliri 'kong napaso. "Does it hurt?"

Napalunok ako, hindi magawang matitigan siya sa mga mata lalo na't namumula ang mukha ko sa sobrang lapit niya sa akin.

"I-i can manage, Asher." Sabi ko't binawi mula sa kaniya ang kamay ko. "Sige na, kumain ka na--"

Napanganga't napatulala na lamang ako nang bigla niyang agawin mula sa'kin ang kamay ko't hinalikan ang daliri 'kong napaso.

"There," Aniya't nakangiti akong nilingon. "My kiss can do the magic."

Napalunok ako, agad na binawi sa kaniya ang kamay ko't namumula ang mukhang sinabing, "A-ano ba, Asher. Kiss-kiss ka diyan. Kiskisin ko mukha mo, you want?"

"Masyado kasing malalim ang iniisip mo, Autumn." Aniya't napanganga na lamang ako nang bigla niya akong sinubuan ng isdang niluluto namin sa apoy. "Ayan, kain lang ng kain."

Napayuko na lamang ako, ramdam ang malapit nang pagsabog ng mukha ko kasabay ng malakas na pagtili ni Nite.

"Ayiee," Sabi niya't parang timang na nagha-heart shape ng kamay. "Ang sweet-sweet nila."

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon