4th

251 5 4
                                    

Cedric
Autumn

"Asher!" Malakas na tawag ko, humikab-hikab at unti-unting idinilat ang mga mata ko. "Nasaan ka na--ASHER?"

Napanganga ako, gulat na napalingon kay Asher na nakasuot ng bahag at may mahabang balbas habang patuloy na gumagawa ng apoy gamit ang bato.

Napakagat-labi ako, pinigilan ang sarili ko sa pagtawa't muli siyang tinawag.

"Asher ano ba 'yan! Bakit ganiyan ang suot mo--"

"Bakit? May mali ba sa suot ko?"

Gulat akong napalingon sa likod ko, nanlaki ang mga mata nang makita si Asher na normal at mukha namang tao tsaka muling napatingin sa Asher na nakabahag sa harapan ko.

What the hell is happening here?

"That's possibly Asher during his previous life," Nakangising sabi ni Nite sabay nilingon kaming dalawa ni Asher. "You look good, bro."

"What the.. Seriously?" Gulat na sabi ni Asher sabay napatakip sa katawan niya. "I feel so harassed!" Aniya't biglang nag-pogi sign. "I still look handsome, though."

Napaface-palm na lamang ako sa kabaliwan niya't muling hinarap si Nite nang magsalita siya.

"We're losing time," Sabi niya't biglang nagseryoso. "It's already the 4th day and we must get the Life Timer back before it's too late."

"Paano ba natin makukuha 'yun?" Sabi ni Asher sabay napakamot sa batok niya. "We don't even have a single clue where Abby is right now."

"Abby.." Mahinang sabi ko't napabuntong-hininga. "I hope she's okay."

"I know she is," Sabi sakin ni Asher sabay inakbayan ako. "Cheer up, Autumn."

Tipid akong napangiti dahil sa sinabi niya kasabay ng pagtikhim ni Nite.

"Ehem, sorry to interrupt you Love Birds but, we need to go." Sabi niya't seryosong nilingon ang paligid. "Dinosaurs might bite us if we stay here longer."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Asher sabay sumunod kay Nite sa paglalakad.

"A-ah," Awkward na sabi ko't napatingin sa kamay ni Asher sa balikat ko. "Won't you take off that thing?"

Napalingon si Asher sa kamay niyang naka-akbay sa akin at namumulang inalis ito.

"Sorry," Sabi niya't katulad ko ay namumulang umiwas ng tingin.

This is so awkward.

"Shh," Biglang sabi ni Nite, dahilan para mapatigil kami ni Asher sa paglalakad kasabay ng pagsabi niyang, "Don't move, may Dinosaur."

Napalunok ako, takot na napatago sa likod ni Asher at mahinang napabulong, juicecolored. Ano ba 'tong gulong pinasukan ko?

"Teka, bakit ang kati?" Iritang sabi ni Asher sabay kinamot ang likod niya. "Ano ba 'to, isang araw lang ako hindi naligo, nangangati na agad ako--AY IPIS!"

Agad siyang napatalon, parang baklang takot na tumakbo palayo hanggang sa mapatigil siya sa mismong harapan ng Dinosaur.

Takot na napalingon si Asher sa Dinosaur, nanginginig na winagyway ang kamay sabay alanganing ngumiti't sinasabing, "H-hi."

Napanganga ako, nanlaki ang mga mata't napaface-palm.

Oh, Asher. What am I going to do with you?

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon