10th

255 7 1
                                    

New Moon
Asher

"Autumn, please.." Pagmamakaawa ko kay Autumn, pilit siyang nilalapitan at sinabing, Listen to me--"

"Tama na, Asher." Lumuluhang sabi niyang 'tila sumira sa puso ko lalo na nang titigan niya ako gamit ang walang emosyon na mga mata. "Layuan mo na ako."

Napanganga na lamang ako matapos marinig ang mga sinabi niya, 'tila hindi makapaniwalang si Autumn, ang babaeng mahal na mahal ko ang taong nasa harapan ko ngayon kasabay ng pag-aya sa kaniya ni Cedric, "Let's go, my queen?"

Diretso akong napatitig sa kaniya, 'tila nakikiusap na wag niya akong iwan at wag siya sumama sa lalaking iyon pero halos masira any puso ko nang tanggapin niya ang alok ni Cedric at sinabing..

"Get me out of here, my King."

"Autumn!" Nanghihinang tawag ko, agad na napabangon mula sa kama't napaluha ang mga mata nang maalalang wala na siya. Kinuha na siya sa'kin ng iba.

"Asher," Marahang tawag sa'kin ni Nite, nilapitan ako't inabutan ng maiinom. "Binabangungot ka, uminom ka muna--"

"Wala na siya sa'kin, Nite!" Pagwawala ko't agad itinapon ang babasaging baso na inaabot niya. "Kinuha sa'kin ng iba si Autumn!"

"Asher, calm down--"

"Calm down?" Sabi ko't sarkastikong tumawa. "Paano ako kakalma 'kung may kasamang iba ang babaeng mahal
ko?"

Napatigil si Nite dahil sa sinabi ko, pagod akong hinarap at sinabing, "Asher walang mangyayari 'kung papairalin mo 'yang galit mo. Ang mas mabuting gawin mo ay ang kumalma't mag-isip ng matinong plano upang maibalik sayo si Autumn."

Natahimik ako, 'tila natauhan sa sinabi niya kasabay ng pagbuntong-hininga niya.

"It's already the last day, Asher." Aniya't seryoso akong tinitigan sa mga mata. "The new moon is coming."

Napatulala ako, naalalang ika-sampung araw na ngayon kasabay ng pagsabi niyang, "Are you willing to risk your life to save the world?"

Natahimik ako kasabay ng seryoso 'kong pagharap sa kaniya. "Hell, I am."

Autumn

"Ate," Marahang tawag sa akin ni Abby, tinabihan ako sa kama't sinabing, "Ok ka lang? Bakit parang, wala 'kang emosyon?"

Walang emosyon ko siyang hinarap kasabay ng pagbuntong-hininga niya.

"Alam mo, mas gugustuhin ko 'pang makita 'kang palaging galit sa akin kesa 'yung makita 'kang ganiyan, walang kabuhay-buhay."

Napatigil ako, 'tila ay napatulala't hindi magawang makasagot sa sinabi niya.

Ang sakit-sakit, mahinang bulong ko't mapait na nginitian si Abby. It hurts so much to the point that I can't feel anything anymore.

"Pabayaan mo ang ate mo, Abby." Nakangiting paglapit sa amin ni Cedric sabay umupo sa tabi ni Abby, dahilan para mapagitnaan namin si Abby kasabay ng pagsabi niyang, "Masyado lang siyang napagod kaya siya ganiyan."

"Talaga po, Kuya Ced?" Kunot-noong tanong ni Abby at 'tila hindi kimbinsido sa sinabi ni Cedric. "Kung ganun, aalis na muna ako. Babalik na ako sa kwarto ko para makapagpahinga na si ate."

"Sige, baby." Nakangiting sagot sa kaniya ni Cedric kasabay ng pag-labas ni Abby sa kwarto.

Natahimik kami, walang nagsasalita't 'tila napuno ng kadiliman ang buong kapaligiran nang kaming dalawa na lamang ni Cedric ang natira sa kwarto.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon