5th

235 4 0
                                    

Trust
Autumn

"A-ah," Awkward na sabi ko't alanganing ngumiti sa katabi 'kong si Nite. "Tama ba 'tong ginagawa ko?"

"Let me see," Sabi niya't hinawakan ng mabuti ang mga kamay ko. "Ayan, hawakan mo ng mabuti para hindi ka mahila kapag may nahuli ka
nang isda."

"Oh," Sabi ko't tipid na ngumiti. "Thanks, teka. Nasaan nga pala si Asher?" Sabi ko't napalingon sa paligid namin. "Saan nanaman naghasik ng lagim ang lalaking 'yun?"

"Honestly, I don't know." Natatawang sabi ni Nite sabay nilingon ang pwestong kanina lang ay kinauupuan ni Asher. "Alam
mo naman si Asher."

Napabuntong-hininga na lamang ako't saglit na napailing.

Well, what can you expect from Asher?

"Oh my God!" Gulat na sabi ko't agad na napahawak sa fishing rod. "I think, I already caught one!"

"Really?" Manghang sabi ni Nite sabay hinawakan ang kamay ko upang tulungan akong hilahin ang isda. "Nice job--"

"AUTUMN!"

Bigla kaming napatigil sa pangingisda nang marinig ang sigaw na iyon.

Nanlaki ang mga mata't napanganga nang makita si Asher na nakabahag at 'tila nag-anyong Tarzan.

Mabilis siyang lumapit sa'kin at agad na kinalas ang pagkakahawak ni Nite sa kamay ko.

"Bitawan mo siya!"

"Chill dude," Natatawang sabi ni Nite sabay tinitigan ang ayos ni Asher mula ulo hanggang paa. "Nice outfit."

Napanganga ako, gulat na nilingon si Asher kasabay ng pagsabi nitong, "Maliit na bagay."

"Utang na loob," Nakaface-palm na sabi ko't agad na napatakip ng mata. "Ano nanaman 'bang trip mo, Asher Clark Grey?"

"What?" Patay malisyang sabi niya't inilahad ang balikat niyang pinagmamalaki niyang may 'muscle'. "Nakaka-out of place ang kasuotan ng mga tao dito, Autumn. And besides," Aniya't kinindatan ako.

"I know you like what you're seeing." Sabi niya't itinapat sa mukha ko ang abs niya.

Napailing na lamang ako't muling napabuntong-hininga, ang kapal talaga.

"Tigilan mo nga ako, Asher Clark Grey." Nakasimangot na sabi ko't tinalikuran na siya pero bigla ay napasigaw nang maramdamang madudulas ako. "Ahh!"

Napasigaw na lamang ako ng malakas, tinakpan ang mga mata't hinanda ang sarili ko sa pagbagsak pero wala akong naramdaman.

"God, Autumn." Seryosong sabi ni Asher sabay bumuntong-hininga. "Take care of yourself, don't scare me like that again."

Napalunok ako, naramdaman ang biglang pamumula ng mukha ko kasabay ng pagtitig niya sa mga mata ko.

"You're going to kill me."

Dugdug.

Agad ko siyang tinulak palayo, dahilan para tuluyan akong bumagsak sa sahig at napa-aray na lamang ako sa sakit.

"Autumn!" Agad na pagdalo sa'kin ni Asher sabay tinulungan ako sa pagtayo. "Ok ka lang ba?"

What the hell? Mahinang bulong ko't agad lumayo kay Asher. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? May sakit ba ako sa puso?

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon