King
Autumn"Autumn," Marahang tawag niya sa akin, ang taong ayaw ko nang makita pa.
Seryoso niya akong tinitigan sabay sinabing, "Stop doing this, you will only hurt yourself more."
"Ano ba, Cedric." Agad na alma ko't bigla ay naguluhan nang makita ang mga mata niyang 'tila nakikiusap sa'king makinig sa kaniya. "Ikaw ang dapat tumigil dito, Cedric. Ibalik mo na ang kapatid ko!"
"I'm sorry but I can't," Sabi niya't bumuntong-hininga. "Not until you wake up from reality."
Napatulala ako, 'tila naguguluhan at hindi makasagot sa kaniya kasabay ng paglapit niya sa'kin at habang diretsong nakatitig sa akin ay malungkot niya akong nginitian at niyakap.
"Come back to me, Autumn." Sabi niya't mas hinigpitan ang yakap sa akin. "My Queen."
"Autumn!" Malakas na tawag sa'kin ni Asher, dahilan para mapabalik ako sa realidad kasabay ng pagpatay niya sa oven.
Napatulala ako, 'tila naestatwa sa kinatatayuan ko kasabay ng paghaplos ni Asher sa pisngi ko't sinabing, "Are you ok? Are you hurt or something? Please, Autumn. Talk to me."
Unti-unti akong napalingon sa kaniya, 'tila nanghina nang makita ang malulungkot niyang mga mata't mahinang napabuntong-hininga.
All of that was just a dream, right? Bulong ko't nagpakawala ng malalim na hininga. But, why does it keep on hunting me?
"Asher," Marahang tawag ko sa kaniya't mapait na ngumiti. "I'm fine, wala 'kang dapat ipag-alala."
Diretso niyang tinitigan ang mga mata ko, 'tila hinahanap ang katotohanan sa sinasabi ko't bigla ay bumuntong-hininga.
"Anong nangyari? Bakit, nasunog 'yung cake na bini-bake mo?" Aniya't inilabas ang cake mula sa oven. "May problema ba?"
Napalunok ako, 'tila hindi makatingin ng diretso sa kaniya't sinabing, "Sorry, nawala kasi sa isip ko."
Pagod akong hinarap ni Asher, inilapag niya ang cake sa table kasabay ng mahigpit niyang pagyakap sa akin.
"I'm just here, Autumn." Aniya't hinalikan ang noo ko. "Nandito lang ako para sayo, ok?"
Marahan na lamang akong tumango sa sinabi niya, 'tila hindi siya maharap ng maayos kasabay ng pagtawag sa amin ni Nite.
"Hey Lovebirds!" Masayang aniya sabay itinuro ang screen ng kaniyang monitor. "Alam ko na 'kung saan sila nagtatago!"
Agad akong napalingon dahil sa sinabi niya, mabilis na lumapit sa screen at napakunot-noo nang makita ang mga imaheng naroroon.
"Nasaan diyan ang kapatid ko?" Kunot-noong tanong ko habang tinuturo ang 'tila mga bola na nasa screen. "Wag 'mong sabihing ginawa na niyang bola ang kapatid ko?"
"Hindi pa naman, Autumn--este, hindi siya naging bola, Autumn." Nakangiting sagot niya't itinuro ang mga bola na naroon sa screen. "Ito ay mga silhouette ng mga tao, kinakailangan ko 'yung visual remote para mas makita sila ng klaro."
"Visual remote?" Kunot-noong tanong sa kaniya ni Asher sabay nilingon din ang screen. "Saan ba nakalagay 'yun?"
"It's in the room with a dark door, Asher." Aniya't nginitian kami. "Don't worry, it looks just like the Life Timer so hindi na kayo mahihirapan 'pang maghanap."
Nagkatinginan kami ni Asher, 'tila napagkasunduang sabay naming hahanapin ang Visual Remote na iyon sa kwartong sinasabi niya.
"Woah," Manghang sabi ni Asher pagkabukas ng pintuan ng kwarto. "Ibang klase din talaga 'tong bahay ni Nite, hindi mo aakalaing may nagtatagong planeta sa loob ng mga kwarto."
BINABASA MO ANG
11:11
FantasyIf it's meant to be, it will happen. A short story that will blow your mind.