Epilogue

340 12 2
                                    

Autumn

"Apo!" Marahang tawag ko, hinabol ang mga apo 'kong nagsisitakbo sa damuhan kasabay ng pagbuntong-hininga ko. "Ang kukulit talaga."

"Siyempre," Pag-akbay sa'kin ni Asher sabay hinalikan ako sa pisngi. "Kanino pa ba 'yan magmamana?"

Napangiti ako, masaya siyang hinarap at sinabing, "Ikaw, ang tanda-tanda mo na pero, ang landi mo pa 'din."

"Ganun talaga, asawa ko." Malambing na aniya sabay inilahad ang kaniyang kamay. "Tumanda man tayo, hinding-hindi mababago niyon ang pagmamahal natin para sa isa't-isa."

Napangiti ako, marahang tinanggap ang kamay niyang nakalahad sabay sumunod sa kaniyang umupo sa ilalim ng puno.

This is so peaceful, sabi ko't muling napangiti. This is indeed happiness.

Maraming panahon na ang lumipas, ilang taon na 'din ang dumaan pero hanggang ngayon, patuloy pa 'din kaming nagmamahalan ni Asher.

Hindi man naging maganda ang simula ng love story namin, at least napatunayan namin 'kung gaano namin kamahal ang isa't-isa sa pamamagitan ng pagharap sa mga pagsubok namin sa buhay.

Aaminin ko, hanggang ngayon ay hindi pa 'din nawawala ang asaran at kaonting inisan sa relasyon naming dalawa ni Asher. Well, hindi mabubuo ang AuSher 'kung walang simpleng alitan.

Nagpapasalamat 'din kami sa Diyos sapagkat biniyayaan niya kami ng tatlong supling at heto ngayo'y may mga nagtatakbuhan nang mga apo sa damuhan.

Napangiti na lamang ako't muling naalala ang nakaraan. It was so romantic.

"Autumn!" Malakas na tawag sa'kin ni Asher, dahilan para mapalingon ako sa kaniya kasabay ng paglahad niya ng kamay sa akin. "Tara, date tayo."

"At anong klaseng date nanaman 'yang binabalak mo, Mr. Grey?" Sabi ko't pinagtaasan siya ng kilay. "Wag 'mong sabihing dadalhin mo nanaman ako sa isang mamahaling restaurant tapos magpapalusot 'kang nakalimutan 'mong dalhin ang wallet mo kaya ako ang magbabayad ng lahat ng inorder 'mong pagkain!"

"Uy, chill." Tumatawang sabi niya't kinurot ako sa tagiliran. "Ito naman galit agad sige na baby, sumama ka na sa'kin."

"May magagawa ba ako?" Pagsimangot ko't napabuntong-hininga nang magpacute na siya sa harapan ko habang kumikislap ang mga mata. "Eh, ayan na't nakahanda na ang kotse mo."

"Yes!" Tuwang-tuwa sabi niya't agad akong hinila papasok sa kotse niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yes!" Tuwang-tuwa sabi niya't agad akong hinila papasok sa kotse niya. "Let's go!"

"Hoy Asher! Ano 'to?" Kinakabahang sabi ko nang tumigil kami sa isang lake. "Anong gagawin natin dito?"

"Shh, baby." Aniya't kinindatan ako. "Tayong dalawa lang ang nandito, walang makakakita sa atin kaya--Aray!"

"Ang bastos mo talaga kahit kailan!" Inis na sabi ko't agad na lumabas mula sa kaniyang kotse. "Ano namang gagawin natin di--"

Napatigil ako, bigla ay napatulala't napanganga na lamang nang biglang napalibutan ng liwanag ang buong paligid ng Lake kasabay ng paglapit sa akin ni Asher.

"Do you like it?" Kabadong aniya habang kamot-kamot ang kaniyang batok. "Sorry, hindi kasi ako magaling sa pagdecorate. Di bale, babawi ako next time--"

Napatigil na lamang siya't naestatwa sa kinatatayuan niya nang yakapin ko siya't saglit na dinampian ng malambot na halik sa labi.

"I love it, Asher." Sabi ko't muli siyang hinalikan. "This is so beautiful."

Napangiti siya dahil sa sinabi ko, hinalikan ang kamay 'kong nakapatong sa leeg niya't sinabing, "You are more beautiful, my love."

Napangiti na lamang ako, nagpatuloy na sa pagkain kasabay ng biglang pagdating ng mga lalaking may hawak-hawak na violin habang pinapatugtog ang favorite song ko.

"When your legs don't work like they used to before," Marahang pagkanta ni Asher, dahilan para mapalingon ako sa kaniya kasabay ng paghalik niya sa kamay ko. And "I can't sweep you off of your feet. Will your mouth still remember the taste of my love Will your eyes still smile from your cheeks?"

"And, darling, I will be loving you 'til we're 70." Biglang paglabas ng mga choir sa likod kasabay ng unti-unting paglandas ng luha sa mga mata ko.

"People fall in love in mysterious ways. Maybe just the touch of a hand." Muling pagkanta ni Asher at sinabayan ang choir. "Maybe we found love right where we are."

Napangiti ako, kasabay nun ay ang unti-unting pamumuo ng mga luha sa mga mata ko't sinabing, "Bakit mo ginagawa 'to Asher?" Sabi ko't muling umiyak habang malawak na nakangiti. "Why are you doing this?"

"You know what," Aniya't hinalikang muli ang kamay ko. "I just realized, hindi ko kakayaning matulog nang hindi ikaw ang katabi. Hindi ko kayang gumising nang hindi ikaw ang unang taong makikita ko sa umaga at higit sa lahat," Aniya sabay unti-unting lumuhod sa harapan ko. "Hindi ko kayang mabuhay nang hindi ikaw ang kasama ko so please Autumn, let me live by saying yes."

Napangiti ako, kasabay nun ay ang sabay-sabay na pagbuhos ng mga luha ko't napanganga na lamang nang sabihin na niya sa wakas ang mga katagang iyon.

"Will you marry me, Autumn?"

Napangiti ako, agad siyang niyakap ng mahigpit at bago pa man makasagot ay agad siyang hinalikan sa labi't sinabing, "Yes, Asher! Yes, I will marry you!"

"Oh, bakit ka nakangiti mahal ko?" Marahang tanong sa'kin ni Asher sabay hinalikang muli ang pisngi ko. "May naalala ka ba?"

"Hmm," Sabi ko't sumandal sa kaniyang balikat. "I just remembered how much you made me happy the moment you were weak on your knees. I love you, Asher."

Napangiti siya dahil sa sinabi ko't hinalikan ang noo ko habang patuloy kaming nakaupo sa ilalim ng puno.

"I love you too, Autumn."

Nite

"Aww," Buntong-hininga ko habang nakatitig sa kanilang dalawa. "Ang sweet naman nila--"

"Shut up," Nakasimangot na sabi ni Cedric sabay muling umirap. "Walang forever."

"Sus, ang bitter mo." Nakangising sabi ko't inakbayan siya. "Move on, move on 'din pag may time!"

"Tsk," Inis na sabi niya't agad inalis ang pagkaka-akbay ko sa kaniya. "Move on ka diyan. Eh ikaw nga, hindi pa 'din nakakapag-asawa hanggang ngayon."

"Ang totoo kasi niyan pare," Sabi ko't binulungan siya. "Tayong dalawa talaga ang tinadhana sa isa't-isa--Aray!"

"Kilabutan ka nga!" Inis na sabi niya't iniwan na ako. "Crazy guy."

Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kaniyang nakatalikod sabay malakas na sumigaw. "I love you, Cedric ko!"

"Shut up!" Agad na sagot niyang siyang nagpatawa sa akin.

I'm happy for the both of you Autumn and Asher, nakangiting sabi ko't muli silang hinarap bago ako tuluyang umalis. You finally have your own happy ending.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon