I. Two Years Later

46 1 0
                                    

CHAPTER 1: TWO YEARS LATER

---------------

Present

“Like, oh my God!”

Isang babae na may buhok na kulay hazel at kasing-haba ng beywang ang tumigil sa pag-aayos ng kanyang gamit para makita kung tungkol saan ang pinagkakaguluhan ng mga kaklase niya. Tumingin siya sa may likod ng silid-aralan at nakita ang mga popular na babae na pinagkakaguluhan ang isang magasin. ‘Baka may mga new shoes na for sale or something,’ sa isip-isip niya.

“Sapphire!”

Dumako ang paningin niya sa may pintuan at nakita niya ang kanyang best friend na naghihintay sa kanya. “Sandali lang, Tiffany. Malapit na ako matapos,” sabi ni Sapphire habang inilalagay niya ang mga natirang gamit sa loob ng kanyang bag. “Tara!”

Tumungo sina Tiffany Levitt at Sapphire Cortez sa Tremington High gymnasium. Dumiretso sila sa girls’ locker room, at gaya ng inakala nila, nandoon na ang mga kaibigan nila. Pero ngayon, may pinagkakaguluhan din sila.

“Hey guys!” pagbabati ni Tiffany sa kanilang mga kaibigan na sina Reiko Watsunabe at Clover Merritt. “Ano ‘yan?”

“The Candly Magazine Special Edition!” tuwang-tuwa naming sagot ni Reiko.

“Ah, nakita ko nga sina Kayla na may hawak-hawak na ganyan,” sabi ni Sapphire, tinutukoy ang grupo ng mga babae sa klase niya. “So... ano ‘yan? Bagong fashion?”

“Baliw, hindi! Candly Magazine Special Edition nga kasi!” pag-uulit ni Clover ng sinabi ni Reiko kanina. Gaya ni Reiko, tuwang-tuwa niya itong sinabi at isinalya ang magasin sa mukha ni Sapphire. “Tignan mo!”

“100 Sexiest Men in Asia,” binasa ito ni Sapphire ng malakas. Minasdan niya ang dalawa at itinaas niya ang isa niyang kilay. “So?”

“Anong so?!”

“Okaaay...” Umatras si Sapphire palayo sa kanyang mga kaibigan. May mali ba sa tanong niya? Hay. Bumuntong-hininga niya at nagpasyang magtanong muli, “Sinong number one?”

“Polo Prascual,” sagot ni Reiko. “Pero sa–“

Biglang pumasok ang mga popular na babae habang patuloy silang nagkukwentuhan. “Pero para sa akin talaga, hindi siya dapat number two. Dapat lang kay Skyler Tan ang number one spot!” pagsasalita ni Kayla Lopez, ang pinuno ng kanilang grupo. Nabangga niya si Sapphire. “Tabi nga, pwede ba? God, nakakairita ka talaga, Cortez!” Inirapan niya si Sapphire at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagsusuklay si Sapphire nung narinig niya si Kayla. Agad siyang nanigas nung narinig niya ang sinambit na pangalan ni Kayla. Tumingin siya sa paligid niya at tsaka lamang niya napansin na iisang magasin lamang ang pinag-uusapan nila.

“For once, agree ako sa kanya,” mahinang sinabi ni Reiko. Kinuha niya ang magasin na hawak-hawak ni Clover at inilipat ito sa pahina kung saan nakalagay ang larawan ni Skyler Tan. “I mean, come on!”

Dalawang buong pahina ang sakop ng mga larawan ni Skyler habang ang iba ay tig-iisa lamang. Ang isa rito ay ipinapakita si Skyler na walang saplot ang itaas na bahagi ng kanyang katawan. Ang kanyang natural na magulong buhok ay mas lalo pang ginulo, pero mas nagmukha pa siyang oh-so-sexy. Siya lamang ang nakakagawa ‘nun. Ang kanyang mga mata ay fierce at ang kanyang mga labi ay naka-form ng smirk. Ang kanyang matipunong katawan ay kayang patuluin ang laway ng kahit sinong babae. Ang kanyang braso, dibdib, at abs ay nakakamatay. Ang dulo ng larawan ay nagtatapos ng mga 2 inches sa ibaba ng kanyang pusod, iniiwan ang natira sa imahinasyon ng mga taong makakakita nito.

Sa madaling salita, he looks dangerously hot.

Sa kabilang pahina naman nakalagay ang kanyang pangalan, ‘Skyler Tan’ na naka-bold at pinalaki rin. Tatlong mas maliliit na larawan ang nakalagay rito. Ang isa rito ay ang larawang niya na nakatingin sa camera lens na tila bang nahihiya. Nakasuot siya ng tuxedo at may hawak na rosas. Ang pangalawa naman ay ang larawan niyang nakasuot ng basketball jersey, kung saan may nakasingit sa pagitan ng kanyang kaliwang braso at beywang na bola. Ang pangatlo naman ay ang larawan niyang nakasuot ng casual habang nakangiti.

Pulled BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon