III. Chance Encounter

41 1 0
                                    

CHAPTER 3: CHANCE ENCOUNTER

----------------

"Hi, babe."

Sinarado ni Sapphire ang locker niya at lumingon. Isang school day na naman ang dumaan.

"Sorry at di mo ako nakakasama these days," paumanhin ng isang lalaki na may itim na buhok at mga matang kulay hazel. "Grabe kasi yung coach namin eh. Napaparanoid na kasi siya sa basketball finals."

"Okay lang yun, Miko," ngumiti si Sapphire. "Bumabawi ka naman sa'kin eh."

Nginitian din siya ni Miko Ballovina at niyakap siya nito. "Kilala mo talaga ako. Hulaan mo kung saan tayo pupunta sa Sabado."

"Malay ko. Sabihin mo na."

"Alam mo yung Italian restaurant na gustung-gusto mong puntahan?"

Lumawak ang ngiti ni Sapphire, "Weh?!"

"Di, binibiro lang kita. Sinubukan ko talagang makakuha ng reservations, kaso wala eh."

Tinignan siya ni Sapphire ng masama pero pabiro.  "Paasa ka! Di yun nakakatuwa ah."

"Alam mo namang binibiro lang ulit kita, di'ba?" Tumawa si Miko at hinigpitan niya ang yakap niya kay Sapphire, "So Sapphire, may I ask you out on a dinner date this weekend?"

"I'd love to," ngumiti muli si Sapphire. Ito ang kailangan niya. Kailangan niyang bumalik sa dati niyang buhay na walang inaalalang isang partikular na aktor.

Bibigyan na dapat siya ng halik ni Miko nang dumating ang mga teammates niya. "Miko, tara na!"

Pareho silang napabuntong-hininga. "Susunduin kita."

"Okay," at pagkatapos niyang sabihin ito, umalis na sila. Tsaka naman pumasok ang mga kaibigan ni Sapphire na si Reiko at Clover. Pareho silang tuwang-tuwa.

"Tignan mo, tignan mo!" Isinalya ni Clover ang Candly Magazine Special Edition sa mukha ni Sapphire.

"Nakita ko na 'yan," pagsasalita ni Sapphire. "Naisalya mo na rin 'yan sa'kin dati."

"Tignan mo nang maigi!"

"Huh, wala naman akong nakikitang kakaiba..." napatigil si Sapphire. Napagtanto niya na may naidagdag sa pahina. Isang pirma. "Ah..."

"Ang cool, noh? Talagang nakipagpatayan pa kami para makapagpa-autograph lang!" pagmamalaki ni Reiko at tinuro ang mga pasa na natamo nila ni Clover sa braso. "Kailangan mo siyang makita sa personal! Nako, kung tingin mo eh gwapo na siya sa TV, ewan ko na lang pag nakita mo siya in the flesh!"

Pinagpatuloy ni Clover ang pagkukwento nito. Nakabilang pa nga si Sapphire ng 15 na 'Oh my God' sa kanila eh. "At nung nakita ko siya, Oh my God, ready na 'ko mag-halupasay doon mismo!"

Hindi maiwasan ni Sapphire na isiping hindi nagbibiro si Clover. Bigla namang dumaan si Kayla, pati na rin ang posse niya. "What a bunch of losers. Sige lang, pangarapin at pag-usapan niyo lang siya. Sa bagay, that's the closest that you can get," nakasmirk na nagsalita si Kayla.

"Ikaw babae ka-"

Inawat ni Sapphire si Reiko.

"Bakit, papatunayan niyong mali ako?" tanong ni Kayla na nakataas ang kilay. "Ano ba ang meron kayo, isang autograph?" tumawa si Kayla at ang kanyang mga kaibigan na tila bang nangungutya.

"Ah talaga? Sino ka ba para magsalita?" hamon ni Clover.

"Hindi katulad ninyong mga losers, meron akong mga special passes," inilabas ni Kayla ang mobile niya at ipinakita sa kanila ang kanyang wallpaper. Larawan niya ito kasama si Skyler. "Nandoon ako sa press con... sa loob," binigyang diin niya ang huling salita habang natutuwa sa gulat na gulat na mukha ni Clover at Reiko. "Syempre, marami pa 'kong mga pictures na kinuha. Bye, losers!" Pero syempre, kasinungalingan lang 'yun. Isang larawan lang yung meron siya at halos magmakaawa si Kayla para lang payagan siya na makipagpicture sa kanya.

Pulled BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon