VIII. Reliving the Past

28 0 0
                                    

CHAPTER 8: RELIVING THE PAST

---------------

"Okay, Sapphire. Panahon na para malaman ko kung ano ang nangyari sa inyo." Madiing tinignan ni Tiffany ang naturang babae. Isang linggo na ang nakalipas matapos ang insidente sa island at sa kasalukuyan ay nasa kwarto sila ni Sapphire. "Hindi na kayo nagkibuan pagkatapos 'nun."

Sinundan ni Ethan si Skyler 'nung umalis siya. 'Nung sumunod na araw ay hindi na talaga sila nagkibuan. Kahit ang magpalitan ng paalam ay hindi nila nagawa.

"Anong ibig mo-"

"Tigilan mo na nga 'yang painosente mong tingin. Hindi na 'yan gagana." Wala nang makakapagpabago ng isip ni Tiffany. Desidido siyang malaman kung ano ang bumabagabag sa kanyang kaibigan. "Binigyan kita ng oras pero wala namang nangyayari."

"Tiffany, naman. Wala lang 'yun," sinubukan ito itanggi ni Sapphire.

"Uh-huh. Kaya nga tumatahamik ka sa tuwing napupunta ang usapan sa isang partikular na lalaki."

"..."

"See?" Tinabihan siya ni Tiffany sa kama. "Ano ba kasi ang problema?"

"Ayokong pag-usapan."

"Pero kailangan mo," mahinang sinabi ni Tiffany pero may halo itong tigas. "Obvious naman na ginugulo nito ang isip mo. Kailangan mo 'yang ilabas."

Huminga si Sapphire ng malalim at napagtanto niyang tama si Tiffany. Kailangan niya itong ilabas. Isa pa, nagiging unfair siya sa best friend niya. Patuloy siyang nagtatago ng mga sikreto sa kanya, at ngayon ay nag-aalala si Tiffany para sa kanya. "Sa aparador ko, may kahon 'dun..."

Naguguluhan si Tiffany pero tumayo siya at binuksan ang aparador ng kaibigan niya. Wala siyang nakitang kahon pero nang itinabi niya ang mga nakakalat na damit ay may nakita siyang asul na kahon na katamtaman ang laki. Gamit ang kanyang mga kamay, kinuha niya ito at inilagay sa kama. 'Nung sinabi sa kanya ni Sapphire na buksan ito, iniangat ni Tiffany ang takip. Isang luma pero maayos pa rin na teddy bear ang bumati sa mga mata niya.

"Meet Mr. Bear."

Kung hindi seryoso ang sitwasyon, pagtatawanan niya ang napaka-'orihinal' na pangalang ito.

"Alam kong gusto mong pagtawanan ang pangalan niya," pagsasalita ni Sapphire at medyo napangiti si Tiffany. "'Yun yung ginawa ko... nung pinangalanan 'yan ni Skyler."

"Ano?" Ang ngiti sa mukha ni Tiffany ay napalitan ng naguguluhang tingin. Kinuha niya ang teddy bear sa kahon at kanyang napansin ang suot nitong kwintas na may singsing na pendant.

"Hindi na ako nagkaroon ng tsansa na ibalik 'yan. Hindi ko rin naman 'yan kayang itapon."

"Hindi ko maintindihan."

"Hindi si Miko ang first boyfriend ko."

Unti-unti nang naiintindihan ni Tiffany. Tinignan niya muli ang kahon at inilabas ang mga natitirang gamit sa loob. Nakumpirma niya ang kanyang mga suspetsa nang makita niya ang mga larawan nina Skyler at Sapphire na magkasama. 'Napakasaya nila,' hindi maiwasang isipin ni Tiffany. Hindi niya na naitago ang kanyang ngiti nang makita niya ang mga wacky na larawan ng dating magkasintahan.

"Nagsimula ang lahat 'nung first year pa lang tayo," pagsisimula ni Sapphire ng kwento. "Nasa mall ako 'nun nang bigla niya akong hinila at yinakap. Sisipain ko sana siya ng malakas nang biglang may dumating na babae. Nagliliyab siya sa galit tapos inakusahan niya si Skyler na manloloko tas ako raw yung other woman." Naglabas si Sapphire ng malungkot na ngiti habang inaalala niya ito. "Magpoprotesta sana ako pero bigla namang sinabi ni Skyler na tama nga ang hinala niya at ilang buwan na kaming may affair. Tapos sinampal siya ng babae."

Pulled BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon