VII. Conflicting Emotions

30 0 0
                                    

CHAPTER 7: CONFLICTING EMOTIONS

---------------

Nasa labas ang mga babae habang pinapanuod nilang mag-ayos ang crew. Hanggang ngayon ay naghahagikhikan pa rin sina Reiko at Clover. Parang langit sa kanila ang nakalipas na 20 minuto pero kabaligtaran naman ang pananaw tungkol dito ni Skyler. Buti na lang ay maaga silang nagshooting.

"Grabe ka Sapphire," nagpout si Clover. "Saglit lang kaming nawala, sinolo mo na siya agad."

"Hindi naman sa ganun-"

"Wushu~" tinignan ni Reiko si Sapphire ng masama pero pabiro lamang. "Pero pagpasok na pagpasok namin, nakita ka naming nakaupo sa tabi niya."

"Pero-"

"Ayun na sila oh!" Pagputol ni Reiko sa kanila.

Pinanuod nila sa gilid ang dalawang bida na noon lamang nagsilabasan. Matapos ang ilang pag-uusap at pagbibigay ng direksyon, nagsimula na sila. "-and action!"

Namangha si Sapphire sa nakita niya. Parang hindi sila umaarte. Bawat galaw nila pati ang mga binibitawan nilang salita - napakanatural. Pero biglang nangyari ang hindi niya inaasahan... naghalikan sila.

Nagtagal ito ng anim na segundo bago humiwalay si Skyler na tumatawa. "Kinagat mo 'ko."

"Cut!"

"Hindi kaya," pagtanggi ng namumulang si Alena. Halatang nahihiya ang aktres dahil nahuli siya sa akto.

"Kung ako siya," pagsisimula ni Reiko na nakangiting parang manyak. "Hindi lang kagat ang gagawin ko sa kanya."

"Isa pa!" Sigaw ng direktor. "No biting this time!" Matapos ang signal, naghalikan muli sila, para lang ma-cut ulit. "Walang tawa-tawa! Nanginginig ang mga balikat mo, Alena," pagsasalita ng direktor.

Matapos ang pito pang takes ay nanlilisik na ang mga mata ni Reiko. "I swear, sinasadya niya 'yun."

Galit na galit na rin si Clover. "'Di ko naman siya masisisi kung gusto niyang halikan siya habambuhay pero sumosobra na siya!"

Matapas ang apat pa na takes ay nagawa na rin nila - ni Alena - ito ng maayos. "And that's a wrap!"

Nag-usap saglit ang dalawang artista bago umalis si Skyler at naglakad papunta kay Ethan.

"Mukhang nag-enjoy siya masyado sa'yo ah," pang-aasar ni Ethan na hindi naman pinansin ni Skyler. "Nagsisimula nang magselos ang mga bisita ko. Umalis na sila sa kalagitnaan ng kissing scene n'yo. Sa tingin ko dapat at least 20 feet na ang layo ni Alena sa kanila simula ngayon," sabi ni Ethan na naaalala ang mga nanlilisik na mga mata nina Reiko at Clover.

"Ewan ko sa'yo." Umupo si Skyler at pinanuod ang crew na nag-aayos. Nabored siya kaya nagpasya siyang lumangoy. Naghubad na siya agad (a/n: minus the boxers, syempre :P) at hindi pinansin ang mga nakatingin sa kanya at ang kanilang mga bibig na nakanganga.

---------------

"Kalma na," sinubukang patahanin ni Tiffany ang kanyang dalawang kaibigan, pero bakit pa nga ba siya nag-aabala? Kalahating oras na sila ganito eh.

"Siya kasi eh!"

Nagbukas si Tiffany ng can ng Coka-Cola at iniabot ito kay Sapphire habang nagsasalita, "Nag-aacting lang naman sila."

"Acting?! Pinagsasamantalahan siya ng babaeng 'yun!"

Sumuko na si Tiffany. "Tara na nga, Sapphire," at iniwan nila ang nagliliyab na pares.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Sapphire bago siya uminom ng soda niya.

"Hindi ako sure eh. Sabi ni Ethan pormal daw niya tayong ipapakilala sa mga casts mamayang hapunan," ibinahagi ni Tiffany ang sinabi sa kanya ni Ethan kanina.

Pulled BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon