VI. Undisclosed Feelings

40 0 0
                                    

CHAPTER 6: UNDISCLOSED FEELINGS

--------------

Patuloy na itinatanggi ni Sapphire ang lahat for the past fifteen minutes.

"Pero ito ang sabi niya..." Sinubukang gayahin ni Reiko ang boses ni Skyler. "'At least ipacheck-up mo 'yan sa school clinic n'yo, Sapphire.' Binanggit niya ang pangalan mo!"

"Eh d'iba tinawag niyo rin ako? Narinig niya siguro." Sinubukang magpaliwanag ni Sapphire.

'Sabay-sabay ka kaya namin tinawag,' sa isip-isip ni Tiffany, pero hindi na niya ito sinabi. Natural na sa kanya ang pagiging observant kaya hindi nakalagpas sa kanya ang maliit na insidenteng iyon.

"Ang swerte mo talaga." Bumuntong-hininga si Clover. "Sana marinig ko rin siyang sambitin ang pangalan ko. Pero sure ka talaga? Hindi pa kayo nagkakakilala?"

"Hindi."

"Hindi, as in hindi ka sure? O hindi, as in hindi pa kayo nagkakakilala?"

"Hindi pa kami-"

"Oh my God!" Sumigaw si Reiko. "Parang ka na rin niyang yinakap, alam mo ba yun?! Naiinggit talaga ako sa'yo!" Kumikislap ang kanyang mga mata. "Kung alam ko lang na knight-in-shining-armor pala ang peg niya, edi sana ako na mismo ang pumunta dun sa equipment. Ano ba ang pakiramdam ng mabalot ng kanyang malalakas na bisig?"

Napapikit si Sapphire. 'Tama na nga 'to.' Alam niyang isa lamang ang makakapagtapos nito. Nang makapagpasya na siya ay binuksan niya ang kanyang mga mata, kinagat ang kanyang labi, at sumigaw, "Aray! Ang sakit ng braso ko!"

At naloko niya sila. Nakalimutan na ng mga kaibigan niya ang pinag-uusapan nila.

---------------

Mabilis na naglalakad si Tiffany sa arrival section ng airport. Bilang isang mabuting anak, siya na ang nangumbida na sumundo sa mom niya na galing sa kanyang month-long business trip. 'Malapit na.' Sa sobra niyang pagmamadali ay may nakabunggo siya.

"I'm sorry!" Pagpapaumanhin ng nakabunggo niyang lalaki. Ang laman ng coffee cup na hawak niya ay tumilapon kay Tiffany.

Tumingala si Tiffany at nakita niya ang isang nakasalaming lalaki na may itim na buhok. Mukhang sincere naman siya. "Okay lang." Dumiretso na agad siya sa CR. Nang makapasok siya ay agad niyang pinunasan ang sleeve ng blouse niya gamit ang wet tissue. Pero ayaw pa rin matanggal ng mantsa. Huminga na lamang siya ng malalim at lumabas na dahil wala na siyang oras.

"Sorry talaga."

Nagulat si Tiffany nang napagtanto niyang hinintay pala siya ng lalaki. "Okay lang talaga."

"Pero naguiguilty talaga ako." May kinuha ang lalaki sa bagahe niya. Malinaw na kakarating lamang ng lalaking ito sa Pilipinas galing sa kung saan man. "Eto oh."

Nagtatakang tinignan ni Tiffany ang lalaki at ang mga tickets na inaabot nito. "Hindi ko-"

"Boat tickets papuntang Crevick Island," pagpapaliwanag ng lalaki. "Alam mo yung 'Speak Now', yung pelikula nina Alena Go at Skyler Tan? Magshoshoot sila ng mga scenes 'dun."

"Hindi naman ako humihingi ng kapalit,"

Ngumiti ang lalaki. Naiintriga siya. Ang ibang mga babae ay mabilis na susunggaban ang offer na ganito. "I insist. Please, tanggapin mo na 'to."

Tumingin si Tiffany sa relo niya. Late na siya at mas natatagalan siya dahil sa lalaking ito.

"Pwede mo isama mga kaibigan mo."

Sumuko na si Tiffany at tinanggap ang mga tickets.

"Ako nga pala si Ethan Johnson."

"Tiffany Levitt."

Pulled BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon