V. Mixed Signals

31 0 0
                                    

CHAPTER 5: MIXED SIGNALS

---------------

Nginitian din ni Sapphire ang kanyang kaibigan na si Alena. Tinawagan siya nito kagabi at nagyayang lumabas. Inisip naman ni Sapphire na kailangan niya ng distraksyon. Kailangan niya nito para maalis na sa kanyang utak ang pag-uusap, kung maituturing mo pa iyon na pag-uusap, nila ni Skyler.

Naglakad-lakad sila sa mall at makalipas ang humigit kumulang dalawang oras ay nagsimula nang magreklamo si Alena na parang bata. "Gutom na gutom na 'ko."

"Na naman?" Pagbibiro ni Sapphire.

"Ha Ha, Cortez. Nakakatawa," tinignan ni Alena si Sapphire ng masama pero pabiro lamang.

Tumawa si Sapphire. "Edi, kumain tayo. May alam akong restaurant na masarap at malapit lang kaso nasa labas pa eh."

"Okay lang 'yun sa'kin. Tara na!" At sabay silang lumabas. "Sobrang saya naman nito! Sana mas madalas pa natin ito gawin," ngumiti si Alena.

"Pwede kang lumabas nang naka-disguise ulit," suhestyon ni Sapphire. "Mukhang gumagana naman kasi hindi ka pa naman namumukhaan ng kahit sino."

"Yup, pero magwawala ang manager ko pag nalaman niya 'to," sandaling tumigil si Alena at inilabas ang kanyang mobile phone. "Don't get me wrong, though. Mahal ko ang trabaho ko. Kahit na hectic siya at kailangang minomonitor ko ang bawat galaw ko sa public, mahal ko pa rin ang ginagawa ko. Mahal ko ang pagpeperform," madiin na pagsasalita nito.

"Well... Gusto kong sabihin na naiintindihan kita pero..." pag-aamin ni Sapphire kaya natawa ang kaibigan niya.

"Isa pa, dahil dito, nakakakilala pa 'ko ng mga sobrang gwapo na lalaki," ngumiti si Alena habang nagtetext sa phone niya. "At ako na rin ang nagsasabi, sa loob ng pitong taon ko sa industriya, si Skyler ang pinakagwapo, pinakahot, at pinakamabait sa lahat."

"Ah..."

"Alam ko naman na ang lahat ng ginagawa namin ay trabaho lang para sa kanya. Alam nga niya lagi kung ano yung dapat gawin, at saka dapat sabihin, tulad dun sa mga press cons at saka interviews."

Nagulat si Sapphire. "Scripted lang 'yun?"

"Pretty much," nagkibit-balikat si Alena. "Pare-pareho lang naman yung mga tanong lagi ng press kaya alam na namin paano sumagot pero kapag si Skyler ang nagsalita, napakanatural niya to the point na kahit alam ko yung totoo, pati ako napapaniwala na rin niya," nagpatuloy si Alena, "Tingin mo ba magugustuhan niya 'ko bilang, alam mo na, bilang babae at hindi lang basta-bastang co-star niya?"

"You're a great person, Alena. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa'yo?" Ang mahinang sabi ni Sapphire. Medyo nadismaya siya dahil alam niyang napakatotoo ng sinabi niya.

"Sana nga tama ka. Gusto ko kasi talaga siya eh," ngumiti si Alena habang pumapasok sila sa restaurant. "Kaso may gusto na siyang iba."

Naging curious si Sapphire.

"Kilala mo si Laurita? Yung supermodel na nalink sa kanya dati? Actually, sila pa rin hanggang ngayon pero alam mo ba, sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung ano ang nakita niya sa kanya," sabi ni Alena. Hindi naman siya nantsitsismis ng ibang tao. Inilalabas lang niya yung nararamdaman niya. Kahit na artista siya, tao pa rin naman siya at kailangan niya ng kaibigan na mapagkukwentuhan.

Umupo na sila habang nag-iisip si Sapphire. Narinig na niya si Laurita sa balita. Parang siyang isang... wild person. Napakakontrobersyal niya. Laging pumupunta at naglalasing sa mga mamahaling bars, laging may kaaway na kung sino, laging ginagamit ang yaman niya para makalusot.

"Wag mo sabihin sa kanya na gusto ko siya ha," mabilis na dagdag ni Alena.

Binigyan ni Sapphire ng nagtatakang tingin si Alena. Panigurado namang hindi alam ni Alena na magkakilala sila ni Skyler kaya bakit niya 'yun sinabi sa kanya? Pero sumagot pa rin siya, "Wala kang dapat ipag-alala no. As if naman na makakausap ko siy-"

Pulled BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon