X. Calm Before The Storm

20 0 0
                                    

CHAPTER 10: CALM BEFORE THE STORM

---------------

"Wala ka bang trabahong naka-schedule ngayon?"

"Wala," mabilis na sagot ni Skyler habang inililiko niya ang manibela pakaliwa. Tapos na sila magkape at maglunch pero hindi pa rin sila bumabalik sa siyudad.

Tinignan siya ni Sapphire na para bang nagsuspetsa. "Bakit kaya nahihirapan akong maniwala sa'yo?"

"Kasi hindi 'yun totoo...? Nandito na tayo." Pinatay ni Skyler ang engine at lumabas sa sasakyan.

Sinundan siya ni Sapphire at tinignan ang compound na nasa harap niya. Mabagal na kanyang tinanong, "Saan ang 'nandito'?"

Nagpatuloy si Skyler sa paglalakad patungo sa mga gusali kaya walang ibang choice si Sapphire kun'di sumunod.

"Haven of Angels," binasa ni Sapphire ang karatula ng malakas. Napakapamilyar ng pangalang ito. Hinagilap niya ang kanyang utak para matandaan kung saan niya ito narinig. Tinignan niya si Skyler tapos ang dalawang gusali. 'Haven of Angels... Haven of Angels...' Nagsalubong ang dalawang kilay ni Sapphire at tinignan niya muli ang likod ni Skyler. 'Ah! Haven of Angels Orphanage! 'Dun lumaki si Skyler!' "Sandali!"

Lumingon si Skyler sa kanya.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ni Sapphire nang naabutan niya na si Skyler.

"Para bumisita."

"Eh di'ba nasa Maynila 'yung Haven of Angels?"

"Pumunta na 'ko 'dun last week. Sabi nila lumipat na raw sila dito."

"Ah."

Pumasok sila sa kaliwang gusali at isang babae na mukhang 40 years old ang agad na sumalubong sa kanila. "Good afternoon." Nginitian sila nito. "Nandito ba kayo para mag-ampon? Hmm... bagay na bagay kayong mag-asawa."

Namula si Sapphire. "H-hindi, hindi. Hindi po kami mag-asawa."

Ngumiti muli siya na para bang humihingi ng paumanhin. "Ah, ganun ba? Pagpasensyahan n'yo na 'ko. Ano ang maitutulong ko sa inyo?"

"Nandyan po ba si Nanny?" Tanong ni Skyler na tinutukoy ang namumuno sa orphanage. Lahat ng lumaki rito ay tinatawag siyang 'Nanny'.

"Oo, nasa opisina siya ngayon. Tara at dadalhin ko kayo sa kanya." Sinundan siya nina Skyler at Sapphire paakyat sa hagdanan at agad na bumati sa kanilang mga mata ang 3-5 years old na mga batang naglalaro. "Pamilyar ka. Artista ka ba?" Tanong ng babae at tinignan niya ng maigi si Skyler at ang kanyang katawan. Hindi na naka-shades si Skyler pero suot pa rin niya ang kanyang cap. Bago pa man ito itanggi ni Skyler, nagpatuloy sa pananalita ang babae, "Ay hindi... mas matangkad ka kay Fermando Pou Sr."

Pinipigilan ni Sapphire na humagikhik. Si Fermando Pou Sr. ay isang sikat na artista... 10 years ago. At isa pa, matagal nang binawian ng buhay ang naturang aktor. Halatang hindi palanood ang babae sa makabagong panahon.

Sa wakas ay nakarating na rin sila sa may pintuan ng opisina. Kumatok ang babae. Isang mahinang 'pasok' ang kanilang narinig bago pumasok ang babae na sinundan naman ng dalawa. "Nanny, may mga bisita ka." Pagkatapos niyang sabihin ito ay umalis na siya.

Lumingon sa kanila ang isang matandang babae pero ang kanyang mga mata ay mas matagal na tinignan si Skyler. Ginalaw niya ang kanyang salamin at ang pagtatanto ay nagsisimula nang bumakas sa kanyang mukha.

"Nanny," magmamano na dapat si Skyler nang yinakap siya ng matandang babae.

"Ah, Skyler!" Buong galak na ngumiti si Nanny. "Natutuwa ako't nakita kita. Long time, no see. Hindi ka na nagpakita simula 'nung umalis ka na sa orphanage."

Pulled BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon