IX. Drunk Girls

29 0 0
                                    

CHAPTER 9: DRUNK GIRLS

---------------

Mas gugustuhin ni Sapphire na manatili sa banyo buong gabi pero alam naman niyang hihilain lamang siya palabas ni Tiffany.

"Hey guys," bati ni Tiffany nang makita na nila sina Skyler, Ethan, at Alena. Sinadya niyang umupo sa tabi ni Ethan sa two-seater couch. Nilisikan siya ng mata ni Sapphire nang makita niyang ang tanging natirang space ay ang sa kanan ni Skyler sa three-seater couch.

"Um, pwedeng paabot ng inumin?" Nag-aatubiling pakiusap ni Sapphire pagkatapos niyang umupo.

Si Alena, na nasa kaliwa ni Skyler, ay ang pinakamalapit sa mga inumin. Tatanungin sana niya kung anong klase nang inabot ni Skyler ang mga inumin. Kumuha siya ng Coka-Cola, binuksan ito at ibinigay kay Sapphire. Naweirduhan dito si Alena pero hindi niya ito pinansin. Pinagmasdan na lamang niya si Skyler. Sinusubukan niyang makasama siya lagi hangga't may oras siya. Pumunta nga lang siya sa party na ito para lang makasama siya eh... pero habang lumilipas ang mga araw, mas nagmumukhang hindi siya nito tatatratuhin na higit pa sa kaibigan.

"Something wrong?" Tanong ni Skyler at uminom ng beer. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Alena.

"Wala," malakas na sagot ni Alena dahil sa malakas na music. "Gusto mo sumayaw?"

Umiling si Skyler. "Wala ako sa mood para magparty."

"Eh bakit ka nandito?"

"Pinilit kasi ako ni-" Tinuro niya ang lalaking kumportableng nakaupo sa tabi ni Tiffany. "-Ethan."

"Hey Al, gusto mo sumayaw?" Pagaaya ng isa sa mga casts at nagaatubiling tumango si Alena. Wala siyang palusot para tumanggi dahil kakaaya lang niya kay Skyler kanina.

Tumayo rin sina Tiffany at Ethan at ilang segundo lamang ang lumipas ay may mga lasing na umupo na agad dito. Nagsilbi itong babala kay Sapphire na kapag umalis siya sa pwesto niya kahit sandali lang ay wala na siyang upuang mababalikan. Naglibot ang kanyang mga mata sa bahay at nakita niya ang mga nagsasayawan, nagiinuman, at nagkakatuwaan. 'Nun lamang napagtanto ni Sapphire na siya lang pala sa kanila ang umiinom ng non-alcoholic drink. Bakit nga ba siya binigyan ni Skyler ng soft drink? Ah oo, hindi nga pala siya umiinom. Well, ngayon umiinom na siya.

Ibinaba niya ang kanyang hindi inubos na cola at kumuha ng beer in a can. Ang problema lang ay hindi niya ito mabuksan. Napakababaw lang talaga ng kinatatakutan niya. 'Nung bata pa kasi siya, laging nakakahanap ang kuya Tristan niya ng paraan para ishake ang bawat latang binubuksan ni Sapphire kaya lagi siya noong natatapunan ng foam. Kahit nasaan sila ay nagagawa niya ito kaya lagi tuloy napapahiya si Sapphire. Nang napuno na si Sapphire ay sumuko na siya at pinapabukas na lamang niya ang mga latang ito... masyado niya itong nakasanayan kaya nakalakihan na niya ito. 'Lecheng kapatid,' sa isip-isip ni Sapphire. 'Siguro panahon na nga para harapin ko ang takot ko... pero mamaya na lang pagkatapos ng ilang minuto... Hindi, kailangan ko nang gawin 'to ngayon! One... Two... Three - Okay, up to ten. Four...

Naputol ang pagbibilang niya nang kunin ni Skyler ang lata sa kamay niya, binuksan ito, at ibinalik sa kanya. "Umiinom ka na ngayon?"

'Hindi.' "Oo." Tinikman niya ito at sinubukang wag ipakita ang kanyang pandidiri sa lasa. Dahil alam niyang nakatingin sa kanya si Skyler, uminom siya ng isang mouthful ng beer pero mabilis niya rin itong pinagsisihan.

"Hindi mo kaya." Sinubukang kunin ni Skyler ang beer kay Sapphire pero hinigpitan niya ang hawak dito.

"Sinong may sabi?" At uminom siya ng isa pang mouthful para mapatunayan ang punto niya.

Pulled BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon