XI. Bitter Discovery

21 0 0
                                    

CHAPTER 11: BITTER DISCOVERY

---------------

Maggagabi na. Nasa daan na muli sina Skyler at Sapphire pero sa ngayong pagkakataon, pauwi na sila, ngunit dalawang oras pa ang byahe papuntang Maynila. Sobra silang napagod dahil pinilit pa sila ng mga bata na makipaglaro sa kanila. Pero kahit na nakakapagod, sobrang saya naman. Labag din sa loob nila ang magpaalam kaya nangako na lamang sila na babalik sila kapag nagkaroon sila ng oras.

"Gusto mong ako na lang ang mag-drive?" Tanong ni Sapphire 'nung nakita niyang humikab si Skyler.

"Hindi," mabilis na sagot ni Skyler kaya tinignan siya ng masama ni Sapphire. "What the-"

"Anong problema?" Tanong ni Sapphire 'nung biglang tumigil sa pag-andar ang sasakyan.

Lumabas si Skyler at binuksan ang hood ng kanyang kotse. Bumuga agad galing dito ang makapal na puting usok. "Nag-overheat."

"Ano?" Lumabas din si Sapphire. "Ano nang gagawin natin ngayon?" Tumingin siya sa kanyang paligid na parang nawawalang bata. Wala pa man ding kahit na anong imprastraktura ang nandun.

Ayaw ni Skyler na tumawag ng kahit sino. Malalaman lamang nila kung nasaan siya. "May nakita akong maliit na hotel bago tayo lumiko. Pwede tayong maglakad na lang papunta 'dun," ang suhestyon ni Skyler na sinabayan niya ng pagsara ng hood ng kotse. Pumunta siya sa backseat ng kotse at kinuha ang bag na may lamang mga pampalit na damit. Dahil sa trabaho niya, madalas ang mga biglaan na overnights. Kaya lagi siyang may dalang mga extra na damit sa sarili niyang sasakyan.

Sumang-ayon si Sapphire sa suhestyon niya. Tahimik silang naglakad pabalik. Makalipas ang limang minuto ay nasa lobby na sila ng hotel.

"Welcome."

"Dalawang single rooms please," pagsasalita ni Skyler na suot-suot ang kanyang cap. Tinignan siya ng receptionist pero lumingon siya agad bago pa siya mamukhaan nito. Si Sapphire na ang nagbigay ng mga kinakailangang impormasyon habang humihingi si Skyler ng tulong para 'dun sa kotse niya. Matapos ang ilang saglit, binigyan na sila ng receptionist ng dalawang susi.

Umakyat sina Skyler at Sapphire hanggang sa pangatlong palapag. "Pwedeng pahiram ng phone mo?" Tanong ni Sapphire 'nung nasa tapat na sila ng Rm. 304. "Kailangan kong tawagan si Daddy."

"Sure." Dalawang phones ang inabot sa kanya ni Skyler bago siya pumasok sa Rm. 305.

Pumasok na si Sapphire sa sarili niyang kwarto at binuksan ang isa sa dalawang phones. Ang kanyang message alert tone ang agad na bumati sa kanya na ang ibig sabihin ay may mga mensahe siyang dumating. 'One... Two... Five... Eleven... Twenty-six...' Nagsitaasan ang kanyang mga kilay na tila bang natutuwa sa dami ng texts na dumarating. 'Thirty-one... Wow, forty-one...' Hindi nagtagal ay nainis na siya at inilagay na muna ang phone sa kama at kanyang tinignan ito. Sa wakas ay natapos din ito sa kakatunog. "Two hundred and fifty-nine messages received. Damn." Nagtaka siya kung babasahin ba ang mga iyon ni Skyler lahat. Masyado siyang nacurious kaya umupo siya at pinindot ang inbox niya.

From: Ethan

San k na?! Knina pa k twag nang twag sau. Twagan mo k AGAD!

Binaba pa ni Sapphire ang scroll. Napakaraming beses niyang nakita ang pangalan ni Ethan. Ang ibang mga pangalan naman na nakikita niya ay puro mga galing sa media at kakaunti lamang ang mga unknown numbers. Napupukaw ang kanyang pansin sa tuwing lumilitaw ang pangalan ni Alena. Binasa niya ang isa sa mga ito.

From: Alena Go

Sori abt last nyt. Hindi-

Cinlose agad ni Sapphire ang inbox ni Skyler. Kahit na alam niyang hindi nito napunan ang kanyang curiousity, wala pa rin siyang karapatang basahin ang mensahe ni Alena. Para makalimutan niya ito, pumunta na lamang siya sa mga contacts ni Skyler. "Wow..." Bulong ni Sapphire sa kanyang sarili 'nung makita niya ang mga pangalan ng mga sikat na artista. Naisip niyang kopyahin ang mga numero ng kanyang mga paboritong artista. Sayang, wala siyang panulat.

Pulled BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon