Sana magustuhan niyo to!! Sa lahat ng mga fangirls dyan!!! Magkaka-lovelife rin TAYO! HAHAHA!!!
•••••••••
Fangirlfriend
Danilo's POV
"I LOVE YOU KATHNIEL!!!!" sigaw ng mga fangirls habang kami ay papasok pa lang dito sa Araneta. Hindi naman end of the world diba? Kung makasigaw.
It was our (my barkada) first time to attend like this. Mukhang pagsisisihan ko ang pagpunta ko dito. Ears issue to dahil sa mga fans dito!
Medyo bumagal ang usad ng pila papunta sa mga seats. Hala! Asan na yung mga barkada ko?! Shit.
"Excuse me po." sabi ko na lang sa lahat ng nasa-harap ko. "Kevin?!" sigaw ko noong nakita ko ang likod ng aking bestfriend. Medyo hindi naririnig ang sigaw ko dahil sa mga sigaw ng mga fangirls. Nasasapawan yung akin eh.
"KEVIN WAI---" naputol ang aking isisigaw noong mayroong bumangga saakin sa likod naging dahilan ito para matumba kami pareho yung tao sa aking harapan. Dali-dali kong sinapo ang kanyang ulo para ito'y hindi mauntog sa lapag.
Mahaba ang buhok nito. Babae.
*TUG*
"Aray!!" sigaw namin pareho.
Hindi nga ito nauntog sa lapag ngunit nauntog pareho ang aming noo sa isa't-isa.
Agad akong tumayo at tinulungan ang babae kahit na sumakit ang ulo.
"Pasens-" magsosorry na sana ako.
"Okay lang kuya. Keri na'to." Sabay tingin niya sa kaliwa't kanan na para bang naghahanap. "Asan na ba ang mga yon?" tanong niya sa kanyang sarili habang sumasabay ang sabog niyang buhok.
"Katreng!!!" napatingin kami pareho sa mga fangirls na sumisigaw na nakatingin saamin. "Hali ka dito!! Sila na next." sigaw ulit nila.
"Hala! Weh?! Wait lang!!!" sigaw ng babaeng kaharap ko. Teka. Fangirl siya? Dali-dali itong tumakbo para mapuntahan ang lugar niya habang ako ay tulala sa mga nangyayari.
"Danilo! Dito na tayo!" rinig ko ang sigaw ni Kevin pero ako'y tulala sa babaeng sumisigaw ng "KathNiel FTW!"
Nagumpisa na ang concert dito sa Araneta. Halos lahat ng tao dito ay sumisigaw pati na rin ang barkada ko. Pero ako? Nakapamulsa. Sumusulyap-sulyap sa babaeng nagngangalang 'Katreng' na sumisigaw at nakikikilig sa loveteam na nasa stage ang 'KathNiel'
Napapikit na lamang ako ng may naisip akong plano para mapansin sa babae pagkatapos ng concert.
BINABASA MO ANG
KISSpirin [KathNiel]
FanfictionFormally: "KathNiel One-Shot Stories" KISSpirin ang tanging kailangan ng may LOVEnat. Gusto mo bang mag kaLOVEnat para makuha mo ang KISSpirin at YAKAPsul sa taong mahal mo? Gusto mo bang umiyak,matakot,tumawa at KILIGIN?! No part of this story may...