Anyonghaseyoh guys! I'm back lol. So etong update na to ay hindi katuloy ng "Where do my heart go?" ibang short story po ito.
PS Walang kwenta to. Napakaikli lamang huwag umasang kikiligin ka. Sige yan na.
PSS hintay lang po sa part two ng WDMHG wala masyadong nagcomment kaya tatagalan ko lol.
COMMENT AND VOTE GUYS!
__________________________________________________________________________________
PAIN
Ganito pala ang love sobrang sakit. Parang sakanya nakasalalay ang buhay mo parang hindi ka makahinga kung hindi mo siya makita man lang. Lagi ko naman siyang nakikita kaya nakakahinga pa ako pero may kasama siyang iba kaya parang wala rin dahil umiiyak ka naman dahil sa sakit. Ayan na naman siya may kasamang iba magkahawak ang kanilang kamay samantalang ako eto naka-ngiti kunwari kilig na kilig sakanila pero ang totoo umiiyak na ang puso ko sa sakit,nasa mata ko ang pagka-inggit sa babae. Sana ako na lang,sana ako na lang ang kahawakan niya ng kamay,sana ganyan rin siya maka-tingin saakin puno ng pagmamahal. Yung pakiramdam na walang nakaka-alam na nasasaktan ka, kasi nasanay sila na masaya ka. Eto yun eh. Damang-dama. Ayokong magdrama sa canteen kaya umalis na ako roon para walang makakita sa luha kong ready ng lumabas sa mga mata nakakailang man sabihin pero parang may nakatingin saakin ay hindi pala parang nakatitig saakin habang papalabas ako kaya muli akong tumingin sa likod ko at duon ko nakita na nakatitig ang taong nagpatibok ng puso ko at parang may mga demonyong kung ano-ano na nasa tiyan ko ang nagwawala dahil nakatitig siyang maigi saakin. Hindi ko alam kung iiwasan ko ba o itutuloy ko tong titigan namin habang tumitibok ng sobrang bilis ng puso ko. Ganito pala yun parang slow-mo na papunta siya saakin. Saakin? Saakin ba talaga? Baka nanaginip lang ako ng gising dahil hanggang duon ko lamang siya makukuha at hindi sa realidad. “Bakit ka umiiyak?” natauhan lamang ako ng nagsalita siya. Ako? Dali-dali kong pinahid ang mga luha na nasa pisngi ko.Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako dahil ang tanga-tanga ko minamahal ko siya na hindi niya alamat hindi man niya masuklian ang pagmamahal ko. Muli kong tinignan ang mga mata niyang na nasa akin ang atensyon. Hindi ko magawang sumagot dahil sa unang pagkakataon kinausap niya ako at tinitigan niya ako ng ganitong katagal. “D-dahil nasa-saktan ako.” Usad ko.Yun naman talaga ang nararamdaman ko. Puro na lang sakit nararamdaman ko kaya tatapusin ko na ngayon. “Alam mo ba kung kanino ako nasasaktan?” tanong ko sakanya at muli tahimik na bumaba sa pisngi ko ang mga luha ko. “Sayo, Dahil may mahal kang iba. Wala rin naman magbabago kung sasabihin ko sayo na mahal kita noon pa pero para matahimik itong puso ko na sinisigaw ang iyong pangalan.” Napuno ng katahimikan saamin habang mahina akong humihikbi. “Bakit sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan kapag binabaliwala mo ang pagseselos ko sayo?” parang biglang tumakas ang kaluluwa ko dahil sa sinabi niya. Totoo pa ba to? “Ano?” ang tanging nabigkas ng aking bibig. “Alam mo bang nandun sa babaeng yun ang atensyon ko pero ang puso ko lumilipad sayo?” Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya ngayon para talaga panaginip na parang dati lang inlove ako sa taong manhid at walang pake saakin kahit na matagal na kaming magkaklase noon pa pero ngayon nakatayo kami pareho at eto siya sinasabing nasaakin ang kanyang puso. “Totoo ba to? O talagang naaawa ka lang saakin?” marahil na baka linoloko niya ako. Nakita ko ang kanyang pag-iling. “Totoo to at noon pa dahil lagi kong nakikita sa mata mo na masaya kang may kasama akong iba.” Sabi niya. Umiling rin ako “Hindi totoo yan dahil noon pa man nakatago na sa mga mata ko ang sakit,yung sobrang sakit lagi ako akong nasasaktan ng dahil sayo.” Hindi ko na kaya,kaya umiyak na ako sa harapan niya. Huli na ng maramdaman ko na umiiyak na ako sakanyang bisig at nakayakap siya ng mahigpit saakin at paulit-ulit na binubulong ang salitang ‘sorry’ Totoo nga to. “Patawarin mo ako kung nasaktan kita sana bigyan mo ako ng pagkakataon na makabawi. Sorry. Pinagseselosan lamang kita sa babaeng yon ikaw talaga ang mahal ko. Patawad.” Mahabang pagpapaliwanag niya na lalong nagpaiyak saakin. Ito na ba yung pagkakataon na sasaya na ako? Pagpapaka-tanga na ba kung bibigyan ko siya ng chance? Malay mo mapatunayan niya na totoo talagang mahal ka niya. “Magsimula tayo,tayong dalawa lamang.” Mahinang saad niyo pero lalong nagpalakas sa pagtibok ng puso ko. Mabagal na tumango ako at ngumiti. Hindi man namin alam kung saan hahantong itong pagsimula naming muli pero ang nasa-isip ko lamang ay kung ano ang rason na humantong na magsisimula kami na walang pagpapanggap. Love is pain kapag hindi ka nasaktan or kung wala kang nasaktan walang love na nanalaytay sa puso mo. Kasi yun ang naranasan ko noon pero ngayon tapos na ang sakit, kaligayahan naman sana para sa puso kong durog.
END
Marceline_Marshall

BINABASA MO ANG
KISSpirin [KathNiel]
FanfictionFormally: "KathNiel One-Shot Stories" KISSpirin ang tanging kailangan ng may LOVEnat. Gusto mo bang mag kaLOVEnat para makuha mo ang KISSpirin at YAKAPsul sa taong mahal mo? Gusto mo bang umiyak,matakot,tumawa at KILIGIN?! No part of this story may...