Chapter 1

1.2K 47 34
                                    

Chapter 1 
Beatrix's Pov

"Nasaan na ba yung libro ko . Kung kelan kailangan saka nawawala. Sino ba namang kumuha nun?" Nakakainis talaga sa dami ba namang libro na nakakalat bakit di na lang yun ang kinuha. Tsss.

"Ito ba yung hinahanap mo?" Tanong ng lalaking nasa likuran ko . Pamilyar ang boses nya kaya pagharap ko hindi na ako nagulat.

"Bakit nasayo yan? Akin na nga yan.!" Ng akma ko ng kukunin sa kanya ang libro bigla naman niyang itinaas. Nakakainis talaga. "Akin na sabi eh" pagpupumilit ko.

"AYOKO!" Tanging sagot ni Marco.

"Ano bang gusto mo ha?!"

"Ikaw. "

"Akin na nga . " nakakainis na talaga . May lakas pa talagang mang-asar.

"Ibibigay ko lang tong libro mo , kung papayag ka ng MAGING GIRLFRIEND KO."

Letse.

"AYOKO" Bakit naman ako papayag? Eh lahat naman ng babaeng nagiging girlfriend niya pinaglalaruan at sinasaktan lang niya. Well, ako ayokong maging isa sa kanila.

"Pwes, akin na tong libro mo." Sabi niya sabay alis . Tss.

Bwiset talaga ang Marco na yun.

Habang naglalakad ako papuntang library narinig ko na naman ang mga usap usapan ng mga babae. Lagi nilang sinasambit ang pangalang Marco. Puro na lang papuri ang sinasabi nila tungkol sa kanya. Hindi na sila nanawa.

Dumiretso ako sa library . Binaba ko ang bag ko sa mesang katabi ko. Hinanap ko yung kagayang libro na kinuha sakin ni Marco. Buti na lang talaga mabilis ko nakita.

Kinuha ko ang bag ko at nagsimula na akong maglakad pauwi. Wala akong sundo ngayon. Mas maganda na yung ganito. Madami akong nakikitang mga bata na naglalaro sa tabi ng daan. Naalala ko tuloy si Krisha. Kapatid ng exboyfri...

Napatigil ako sa paglalakad ng may tumigil na kotse at masaklap dun pa sa dadaanan ko.

" Sino ba naman ang driver ng lintek na kotseng to. " Bulong ko sa sarili. Gusto ko sanang sigawan ang driver ngunit biglang natikom ang aking bibig nang ibaba niya ang bintana ng kotse niya.

"Bakit ka naglalakad . Wala ka bang sundo or what? Hindi mo ba naisip na baka mapahamak ka.Bakit hindi mo man lang sinabi sakin para .." pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Ano bang pakialam mo sakin. Buhay ko to. Kung gusto ko maglakad gusto ko yon. Pwede bang umalis ka sa dadaanan ko?" Hindi niya ako pinakinggan.

"Sakay." Malamig na utos nito.

"Ayoko. Ayokong magkaroon ng utang na loob sayo." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Narinig ko ang paulit ulit na pagmumura niya habang mabilis akong naglalakad.

Aray... Malas.
Sa halip na dapat malayo na ako ngayon maabutan niya na ako. Tumayo ako ngunit hindi kaya ng mga paa ko. Sobrang sakit . Tinanggal ko ang aking sapatos na mayroong medyo mataas na takong.

Narinig ko ang malakas na busina galing sa sasakyan ni Marco. Bumaba agad siya at agad tiningnan ang aking paa.

"Hindi kasi nagiingat."

Binuhat niya ako patungo sa kotse niya. Hindi na rin ako nakaangal dahil hindi ko na rin kayang maglakad pa.

Nanaig ang katahimikan sa loob ng kotse. Seryoso lang si Marco na nagmamaneho at ako naman nakamasid lang sa bintana.

Niliko niya ang sasakyan at nagulat ako kasi alam niya kung saan ang direksyon ang bahay namin.

"Alam mo, ikaw lang yung pinakamasungit na babae na nakilala ko." Aniya.

Can you be my MS.RIGHT? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon