Chapter 6

72 8 0
                                    

Chapter 6:   "baka magawa mo rin akong mahalin gaya ng pagmamahal mo sa kanya."

Halos habulin ko ang aking hininga habang tumatakbo sa hallway. Late na ako sa first subject ko. Shit.

"Beatrix!"

Hindi ko na nilingon kung sino man yung tumawag sakin dahil kilala ko na rin sa boses niya.

Nang makarating na ako sa may tapat ng pinto ay naririnig ko ang ingay ng mga kaklase ko. Tangna. Late na nga ako , mas late pa rin yung teacher. WTF.

"Oh bat pagod na pagod ang awra ni bakla?!" sambit ni Eris.

"Gago akala ko late na ako. Kaya tinakbo ko na. Pero mas late pa rin pala yung teacher."

"Susunduin ka sana ni Marco kaso nagkasalisi kayo."

Kaya pala ganon yon. May pasigaw sigaw pa amp.

"Pogi ng ex mo trixx."

Napatawa na lang ako ng bahagya dahil tama ang sinabi niya. Nakita kong pumasok si Sebastian ,dumiretso  siya sa upuan niya at tumingin siya sakin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Pero may kakaiba.

Namumugto ang kanyang mga mata. At may pasa siya malapit sa kanyang labi.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maiwasan ang hindi magalala dahil sa nakita ko. Gusto ko siyang lapitan gaya ng ginagawa ko noon. Pero.. iba na ang takbo ng panahon ngayon.

Ilang oras ang lumipas kaya lumabas na ako kasama ang mga bakla kong kaibigan. Charowt. Hindi sila literal na bakla yan lang talaga tawagan namin. Hahahahaha.

"Sinuntok raw ni Marco si Sebastian kanina."  

"Oo nga e. Naaawa nga ako kay Sebastian kababalik lang niya rito ganyan na agad. Pero hinayaan nya na lang na bugbugin rin siya ng barkada ni Marco e."

Nasakin lahat ang atensyon nina Phei. Totoo nga kaya yung narinig ko?! Ano naman kaya ang dahilan.

...........

"Hi Baby ko. Ako na magdadala ng books mo." hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naiinis ako kay Marco dahil sa ginawa niya.

"Wag na kaya ko naman e."

Nagmadali akong maglakad ngunit hinawakan niya ang braso ko.

"Bitiwan mo nga ako Marco."

Nawala bigla ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Bakit Trix? May nagawa ba akong masama sayo? May nasabi b..."

"Sakin wala. Pero kay Sebastian meron!"

"Trix."

"Don't call me Trix. Sino ka ba sa buhay ko? "

"Alam kong wala akong lugar diyan sa buhay mo. Pero alam mo, kahit mahirap gumagawa ako ng paraan..."

"Naririnig mo ba yang sarili mo Marco?! Anong klaseng paraan ba ang gusto mo? Yung manakit ng iba para  lang sa sarili mong kaligayahan? "

"Bakit ba Beatrix? Ano bang nagawa ko ?"

"Wag ka nang mag maang maangan pa. Alam kong alam mo na yung pinupunto ko sayo. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pasa si Sebastian no?! Ano bang ginawa sayo ng tao para saktan mo?"

"SINABI NIYANG MAHAL KA PA NIYA!"

Nanatili lang akong nakatingin deretso sa mga mata niya.

"Ano?! Sapat na bang dahilan yon Beatrix?"

"Alam mo Marco napakababaw mo. Yun lang naman e. Pero bakit ?! "

"Hindi yun mababaw para sakin. Alam mo bang araw araw pinagdarasal ko na sana ako na lang rin si Sebastian. Alam mo kung bakit? Baka siguro kapag naging ako siya , magagawa mo rin akong tignan gaya ng pagtingin mo sa kanya, magagawa mo rin akong bigyan ng matatamis mong ngiti , o baka siguro magagawa mo rin akong mahalin gaya ng pagmamahal mo sa kanya."

Pinahid ko ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit... pero ang hirap. Nahihirapan ako. Naawa ako kay Sebastian. Pero oo aaminin ko . Tangina. Mahal ko pa rin nga talaga siya.

Hindi ko namalayan na nakatigil na pala sa bahay namin ang sasakyan. Ilang minuto rin akong tulala dahil sa mga pangyayari kanina.

Umakyat ako sa kwarto ko at sinalpak ko sa tenga ko ang earphones. Hindi pa rin maalis sa isip ko si Sebastian at si Marco.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Binuksan ko ang acc ko sa twitter. Nakita ko ang tweet ni Dwayne na
~Ang hirap magmahal ng taong hindi pa tapos mahalin ang iba.

Saklap naman non pare. @MANIEGOtheGREAT.~

~Hindi naman ako magsasawang mahalin siya. Kahit may mahal pa ring iba.

Gago mo talaga. @DELAFUENTE~

Kumuha na lang ako ng libro para makapag aliw aliw man lang. Dahil pati sa mga nababasa ko sa social medias naapektohan ako. Shet.

Can you be my MS.RIGHT? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon