IT WAS A BIG MISTAKE.
ISANG MALAKING PAGKAKAMALI NA MINAHAL KO SIYA.
"Marco ! Kausapin mo naman ako oh." Ano ba kasing problema ? Bakit ganito? Hayyss. Parang may kakaiba ngayon sa kanya. Noong nakaraang mga araw ang cold niya sakin . Ewan ko ba.
"Marco!!" Sigaw ko. Pero hindi siya lumilingon. Patuloy pa rin siya sa paglalakad.
Sumigaw ulit ako at lahat ng tao sa hallway ay nakatingin na sakin. Wala na akong pakialam kung pagtinginan at pag usapan nila ako ngayon. Tumakbo ako papunta sa kanya at hinawakan ko ang braso niya.
"Marco kausapin mo naman ako kahit ngayon lang . " sambit ko.
Tumingin sakin si Marco. Kung tingnan nya ako parang wala lang. Dun pa lang nasasaktan na ako.
"Ano? Wala na naman tayong dapat pag-usapan pa . Kaya pwede ba Beatrix wag mo na akong guluhin pa. " habang sinasabi niya yon nakatingin lang ako sa mga mata nya. Pinipilit kong wag umiyak pero hindi ko mapigilan . Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Umalis siya at naiwan akong tulala at umiiyak.
Bakit nangyayari ang lahat ng ito?

BINABASA MO ANG
Can you be my MS.RIGHT? (on-going)
Teen FictionPaano kung marealize mong hindi na pala siya ang gusto mo?