Chapter 4

419 24 8
                                    

Chapter 4: Pagbabalik

Mabilis nagdaan ang Sabado at Linggo. Parang kahapon lang. Ang bilis talaga ng panahon.

Pagkabangon ko sa aking kama ay dumiretso na agad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos magbihis ay bumaba na agad ako at nakita ko naman si Mama na naghahanda ng pagkain.

"Goodmorning Ma!" Masayang bati ko kay mama. Liningon niya ako at binigyan ng matamis na ngiti.

Umupo na ako sa upuan. Tahimik lang kami ni Mama pati si Manang Lory na kasama namin sa bahay.

"Bye Ma. Iloveyou. " sabay yakap at halik ko sa pisngi ni mama.

"Bye Manang!"

Sumakay na ako sa aming kotse. Binati ako ng aming driver at binati ko naman ito pabalik.

"Trixxxxx!" bungad sakin ni Auds pagkababa ko pa lang ng sasakyan.

"Auds!"

"Alam mo na ba?"

"Hindi ko pa alam."

"Aisshhhh. Dito na ulit mag-aaral si Sebastian?! Yung boyfri.... este EX BOYFRIEND mo pala."

"Ah." Tangi kong nabanggit.

Maya maya ay dumating na din sina Phei at Cassie.

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla.

Pumasok na kami sa aming classroom at nagsimula ng pag-usapan muli ang bagong transferee. Hindi ba nila alam na si Sebastian lang yon?! Haiissst.

"Goodmorning Class!" Nagulat ako ng biglang pumasok ang aming teacher.

"Goodmorning Ms.Lee"

Hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya sa may pintuan. Humarap muna siya sa amin at biglang pumasok si Sebastian. Aigoooo -.-

Nakita kong kuminang ang paningin ng mga babae. Maygad.

Nakangiti ito habang nililibot ang tingin sa lahat ng kaklase ko. Biglang nagtama ang aming paningin. Sumisikip na ang aking dibdib. Maygaddd.

"Kilala niyo naman siguro siya diba?" Tanong ni Ms.Lee.

Syempre naman kilalang kilala ko yan. 💔
Bulong ko sa aking sarili.

Napatingin sa akin sina Cassie ngunit hindi ko na lang sila pinansin.

"Ang gwapo niya pa rin"

"Maygaddd Baby ko"

"Binalikan niya ako."

Mga linyang naririnig ko sa aking likuran. Tiningnan kong muli si Basti . Nakatingin lang siya sa akin.

Maya maya pa ay naglakad na siya papunta sa bakanteng upuan sa tabi ko. Ipinatong niya ang kanyang bag at umupo ito at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Shetttt.
Bakit sa tabi ko pa!!!😭

Ibinaling ko na lang muli ang aking paningin sa aking guro na ngayon ay nagdidiscuss na tungkol sa bagong lesson.
Hindi ako makapagfocus dahil sa katabi ko. Maya-maya pa ay kumalabog ang pinto at ibinungad nito si Marco.

Gulo gulo ang kanyang buhok. Siguro ay dahil sa pagmamadali nito. Napatingin dito si Ms.Lee. Buti na lang mabait ito at sinabihan lang siyang wag na uulitin.

Umupo si Marco sa kanang bahagi . Nakita ko ang pagsulyap ng kanyang mga mata sa akin. Napawi ang kanyang mga ngiti ng mapagtantong si Sebastian ang katabi ko. Nakita kong nagkuyom ang kanyang mga kamao.

Nang matapos ang klase ay hinawakan ni Marco ang aking kamay at hinila na niya ako palabas. Napatingin si aming direksyon. Walang emosyon na makikita. Nakatitig lang siya sa aming kamay ni Marco.

"San mo ba ako dadalhin?"

"Sa lugar kung saan tayo lang dalawa." -marco

Hindi na ako umangal pa. Umakyat kami papunta sa rooftop. Napakalamig ng simoy ng hangin doon.

"Ano bang meron at dito mo ako dinala ha?!" Pagalit kong tanong.

"Wala. Gusto lang kitang makasama."

Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Tila dinaramdam ang malakas at malamig na simoy ng hangin.

"Bumalik na pala ulit yung ex mo." Sambit niya habang nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata.

"Paano kung ligawan ka ulit niya? Papayag ka?" Tiningnan na niya ako. Tila naghihintay nang maari kong isagot.

"Ewan. Hindi ko alam." Tangi kong sagot.

"Baka kapag bumalik ulit siya sa buhay mo ako naman ang makalimutan mo."

Hindi na lang ako nagsalita . Hindi ko alam baka kapag sinagot ko pa kung saan pa mapapunta ang usapan.

Natapos ang buong maghapon. Uwian na naman. Kami na lang nina Marco, sebastian ang natitira sa loob ng classroom. Nauna nang magpaalam ang tatlo kasi may pupuntahan daw sila.

"Trixx." nagulat ako sa pagsasalita ni Basti. Tumingin na lang ako sa kanya.

"Hatid na kita." -basti

"Ako na maghahatid kay Beatrix. Diba Baby?" Sa tono pa lang ng kanyang pananalita ay halata mo na ang pang-aasar.

Binilisan ko na lang ang pagaayos ng gamit ko at dali daling umalis. Hinawakan ko ang braso ni Marco at hinila na ito palabas. Nakita kong nag-igting ang panga ni Basti sa aking ginawa. Tiningnan ko si Marco at nakita ko itong nakangisi.
Hindi ko alam kung bakit ko isinamang palabas si Marco. Pero nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Bakit ba kasi bumalik pa si Basti .

Buti na lang at mayroon akong sundo ngayon.

Nang makarating ako sa aming bahay ay sinalubong agad ako ni Mama at niyakap ko siya.

Dumiretso ako sa aking kama. Binuhay ko ang aking cellphone . Kinuha ko ang aking earphone at ipinasak ko ito sa aking tainga. Binuklat ko ang aking libro at may nakita akong nakasipit sa gitna nito. Isa na namang kulay pink na envelop.

Binasa ko ang nilalaman nito at

"I'm back. Wish you're happy Love."
-Sebastian

Can you be my MS.RIGHT? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon