Chapter 10: First Date
I love Saturdayyyy. Maaga akong nagising binuksan ko ang kurtina at sumilip ako sa labas. May isang taong nakapukaw ng aking pansin. Nakasandal siya sa kotse niya at ngiting ngiti na nakatingin sakin.
Mabilis ko itong sinarado at dali dali akong naghilamos at saka bumaba. Nadaanan ko si Mama na hawak hawak ang cellphone. Katawagan na naman niya si Papa. Sweet . Ayaw pa kasi umuwi e.
Bago ko buksan ang pinto himinga ako ng malalim , inayos ko ang buhok ko. Dali dali akong lumabas at binuksan ang gate .
"Goodmorning Love!"
"Anong meron? Bakit ang aga mo?"
"May pupuntahan tayo."
"Saan naman?"
"Basta ako bahala." Tinulak na niya ako papasok ng bahay namin.
"Teka nga, san nga tayo pupunta?"
Hindi nya ako sinagot kundi binigyan niya lang ako ng isang mahigpit na yakap.
"Imissyouu."
Tiningnan ko siya ng masama.
"Maligo ka na. Malayo pa pupuntahan natin."
Kaya dali dali akong umakyat at naligo. Suot ko ngayon yung regalo sakin ni mama ni birthday ko. Oversized shirt tapos partner naman nito ay maong skirt. Hihi. Ilovekorean style.
Nang makababa na ako ng hagdan, nakangiti lang si mama sakin. Hinawakan agad ni Marco ang kamay ko saka nagpaalam kay mama.
"Ingat kayo ha. Marco ingatan mo baby ko."
"Don't worry Tita. "
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Nagulat ako ng bigla niyang hinila yung seatbelt. Ang lapit na nang muka namin sa isa't isa. Ooopppsss. O_____O
Tahimik lang ang naging biyahe namin. Nakatingin lang ako sa labas habang nakikinig sa music. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako rito at nakita kong nakatingin din siya sakin.
"Pwede bang ako muna isipin mo sa mga oras na to? I mean, kalimutan mo muna lahat ng iniisip mo. " then he gave me a smile.
Tumigil kami sa isang bahay na medyo mukang luma na pero ang ganda pa rin ng itsura nito.
Tiningnan ko lang si Marco. Alam na niya agad ang nasa isip ko.
"Bahay to nina lolo at lola. Gusto ka raw nila makilala kaya ipinagpaalam kita kay Tita tsaka kay Tito.
Napangiti ako. Namiss ko tuloy ang lolo at lola ko.
Hawak hawak niya ang kamay ko.
"Lola!" Masayang bati niya. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. Ang cute. ^___^
"Si lolo po ?"
"Naku nandun sa likod,nagtatanim."
"Siya ba si Beatrix apo?" Tanong niya habang nakatingin at walang reaksyon. Kinabahan tuloy ako.
"Ah opo Lola."
Dali dali akong lumapit at nagbless kay lola. Nanlalamig ang mga kamay ko. Feeling ko matatanggal na ang puso ko.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Palagi ka nakukwento sakin ni Marco. Tama pala talaga ang mga sinasabi niya." Niyakap ako ni Lola Eli at hindi ko maiwasan na mapangiti. Niyakap ko rin siya pabalik.
Nagmasid masid ako sa labas. Napakaaliwalas , ang daming mga bulaklak na makukulay . Ang hanging tumatama sa akin ay nagbibigay kasiyahan nakakagaan ng pakiramdam.
"Okay ka lang love?"
"Yes."
"Bakit ang cute mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pinisil pisil niya ang pisngi ko.
Matapos namin kumain ay nagpaalam na rin kami dahil may pupuntahan pa raw kami. Ayaw ko na umalis ditooo. :(
Ilang oras rin ang naging takbo ng biyahe nakarating kami sa isang resort. Wooaaahhhh. O_o ang gandaaaaaaaaa!
Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti habang naglalakad dahil sobrang saya ko at sobrang ganda rin ng lugar na to. Tagal ko na kasing hindi nakakapunta sa mga resort gaya nito. Ang last kasi e nung umuwi ang Papa ko. Maygad Marco.
"Wooooowww" mahina kong sambit habang nakaupo kami sa may buhanginan at kasabay noon ay ang pagpagaspas ng alon sa mga paa namin.
Ang saya lang.
Ramdam ko ang kanina pang pagtitig ni Marco kaya tiningnan ko na rin siya.
"Thankyou."
Mas lumawak pa lalo ang ngiti niya at unti-unti siyang lumapit sakin. Napapikit ako at naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa noo ko.
Pagkatapos niyakap niya ako ng mahigpit at ganun rin ang ginawa ko."Iloveyou." He whispered.
Naginit ang pisngi ko. Wahhhhh. Ano ba tong nararamdaman ko. Totoo na ba to?
"This is our first date Beatrix." Napatigil siya at kinuha sa bulsa niya ang isang red box na naglalaman ng isang silver necklace.
Lumapit siyang muli sakin para ilagay ito.Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay para na akong kamatis .
"I like you." Napatigil siya sa ginagawa niya. Tiningnan lang niya ako.
"I like you Marco." napangiti siya at niyakap niya ako.

BINABASA MO ANG
Can you be my MS.RIGHT? (on-going)
Teen FictionPaano kung marealize mong hindi na pala siya ang gusto mo?